Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa aking paglalakad. Napadpad ako sa loob ng mall at doon pinagsawa ang mga mata ko sa pagtanaw ng kung anu-anong mga bagay na maaaring matanaw. Pasalamat na lang din ako sa biglaang pagpapakita sa akin ni Leo dahil ang inis at saloobin ko ay tuluyan kong nailabas sa paglalakad. Nakatulong ang paglalakad kong iyon dahil kahit paano ay nabawasan ang bigat ng aking kalooban. Na-refresh ng husto ang pakiramdam ko. Si Leo lang pala ang solusyon. Letse! Pero in-fairness, ang gwapo pa rin niya. Parang lalo nga siyang tumikas sa ngayon. Kaya lang may anak na rin siya. ‘No’ agad siya sa akin. Loko siya! Gusto pa ako gawing kabit. “Agh!” Nakangiwi kong usal dahil sa pagpihit ko pakanan ay bigla na lamang akong nabunggo sa matigas na katawan ng tao. Mu

