Dia's POV May konting liwanag na sa mirror wall ng kwarto namin ni Amir kaya alam kong paumaga na. Tulog pa si Amir nang magising ako. Bumangon ako para pagmasdan saglit ang mga isang dumidikit sa mirror wall. Ang dami nila at ang gaganda ng kulay. Nakatingin sila sa akin na para bang binabati ako ng magandang umaga. Bago ako tuluyang tumayo ay pinagmasdan ko muna ang loob ng buong kwarto. Kahit saglit lang na naging kwarto ko ito ay mami-miss ko. 'Pag labas ko sa kwarto ay nagulat pa ako sa bumungad sa akin. Isang magandang babaeng violet ang buhok na nakangiti sa akin ang nadatnan ko sa labas. "A-azulan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "Violet na po," pagtatama pa niya kaya tumawa ako. Agad niya akong niyakap. Alam kong napakasaya niya ngayon dahil natupad na ang matagal

