Dia's POV Hating-gabi na nang biglang may pumasok sa loob ng kuwarto namin ni Liya dito sa palasyo. Nagising ako dahil mababaw lang ang aking tulog. Bumangon ako at saka ko binuksan ang ilaw. Nagulat na lang ako nang makita ko si Bimil sa loob ng kuwarto namin. "A-anong ginagawa mo rito, Bimil?" nanlalaki ang mata na sabi ni Liya. Gising na rin pala siya. "May problema ba, Bimil?" tanong ko sa kaniya. Basang-basa siya ng pawis. Tumayo ako at saka ko siya kinuha ng tubig dahil hinihingal pa rin ito hanggang ngayon. "Tumakas ako sa Madita Academy," sagot niya habang hinihabol ang kaniyang hininga. Sa sinabi pa lang niya ay nag-alala na ako. "Bakit? Anong dahilan at tumakas? Sino ang pinagtataguan mo ngayon?" tanong ni Liya na hinahagod ang likod niya. "Ninakaw ko ang mga alahas ni Miss

