Chapter 32 - Nasaan si Bimil?

2405 Words

Dia's POV Bumalik ako sa puno ng mangga na pinagbabaan ko kanina kay Venuss. Muli ko siyang dinampot at saka ako pumitas ng isang dahon sa kaniya. Nang umilaw ang puno ng mangga ay agad akong pumasok dito. Lumabas ulit ako sa puno ni Aling Bebe sa garden shop niya. "Oh my goodness!" dinig kong sabi ni Aling Bebe nang makita niya akong lumabas ulit sa punong pinasukan ko kanina. Nginitian ko siya. Nanlalaki ang mata niya sa akin. "Siguro naman ay naniniwala ka na po?" tanong ko pa habang bitbit-bitbit ko si Venuss. Tumango siya habang tulala pa rin sa akin. "Hindi ako makapaniwala na totoo ang sinasabi mo," aniya habang nakatitig sa puno na pinaglabasan ko. "Nakakagulat. Hindi ko inaasahan na totoo ang sinasabi mo. Kaya ang tanong ko ay bakit hindi ko nakikitang umiilaw o kumikinang ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD