Dia's POV Si Mr. Pieter ang unang nakakita nang pumasok kami sa loob ng palasyo. "Mabuti at bumalik na kayo," sabi niya in a worried tone. I faked a smile. "Nakita na ba si Prinsipe Amir?" tanong ko pero umiling lang siya. "Sinuyod na namin ang buong Madita, Elenor at Ultricularia ngunit hindi pa rin namin siya nakikita," sagot niya. Napabuntong hininga ako. "Nakaka-alarma na ito. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya," saad ko habang napapakamot ng ulo. "Sinabi mo pa. Nag-aalala na nga rin ang hari at reyna," nakasibangot niyang sagot. "Saan ang tungo niyo ngayon at mukhang may lakad kayo?" tanong ko pa. "Ito, paalis na ulit para hanapin pa rin siya," sagot niya na dama sa mukha nito ang pagkapagod. Mukhang wala silang pahinga kakahanap sa prinsipe. "Ang training? Paano na?"

