Amir's POV Dinala ako ni Dia sa isang malaking bahay na kasing haba ng Madita Town. Napakalaki. Sadya ngang high-tech na sa mundong ito. "A-ano itong pinasukan natin? Ito ba ang palasyo sa mundong niyo?" tanong ko sa kaniya ng pabulong. Nakita kong natawa siya ng palihim. "Hindi. Ang tawag dito ay SM. Ibig sabihin ay super market. Dito kaming mga tao namimili ng mga kailangan namin. Nandito na ang lahat na kakailanganin natin. Mga damit, sapatos, gamit sa bahay, pagkain at kung anu-ano pa," sagot niya kaya napatango na lang ako. "Ang gara naman. Malaki pa sa palasyo ang pamilihan na ito sa mundo niyo," sagot ko sa kaniya. Ang daming tindahan sa loob. Ang daming kainan na ngayon ko lang nakita. Nakakatuwa dahil ang lamig din ng klima sa loob kaya't hindi ka maiinitan kung maggagala ka

