Dia's POV Nakunsensya ako na nagalit ako sa kaniya. Naisip ko na prinsipe pa rin siya kaya kahit hiniling niya na huwag ko siyang galangin sa mundo namin ay dapat ko pa rin siyang igalang kahit pansarili ko na lang. Nahiya tuloy ako bigla. Huminto ako sa paglalakad. Nagulat siya sa akin kaya't nahinto na rin siya sa paglalakad. "Gusto mo bang manuod ng movie?" tanong ko sa kaniya pero kumunot lang ang noo niya. Lumapit siya sa akin at saka bumulong. "Ano ang movie?" bulong niya. "Basta, sumunod ka na lang sa akin," sabi ko sa kaniya. Sumakay kami ng escalator. "Safe ba dito?" bulong niya habang nakasakay na kami doon. "Yes naman. Safe na safe," sagot ko. Titig na titig siya sa escalator. First time niyang sumakay rito kaya hindi na ako nagtaka. Nakarating kami sa ikalawang palapag

