Dia's POV Sigaw ni Amir ang huling nadinig ko nang sumarado ang portal. Sa isang puting palasyo kami lumabas ni mama. Ramdam ko ang higpit na hawak sa kamay ko ni mama. Parang sinisigurado niyang 'di ako makakawala sa kanya. "Nasaan po tayo, ma?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang mukha niya. May mga itim siyang ugat sa mukha niya. Naging pula nga ang itim na mata nito. Kung titignan ay tila nagbago na ang itsura niya. "Narito na tayo sa tunay mong mundo," sagot niya. Pati ang pananalita ay naiba. Napatingin ako kay Erson na nakahandusay sa lapag. Wala pa rin itong malay-tao hanggang ngayon. Bumaklas ako sa pagkakahawak ko kay mama. Nilapitan ko si Erson. Tinapik ko ang mukha niya. Unti-unting dumilat ang mukha niya. Nanlaki ang mata niya nang magisin

