Dia's POV "Bakit mo ginawa iyon?" tanong agad ni Venuss nang sipain ko papasok sa portal si Prinsipe Amir. "Dahil kailangan," sagot ko. Binibit ko si Venuss. Dinala ko ulit siya sa kwarto ko. "Iba ang nararamdaman ko sa iyo. Iba ang t***k ng puso mo, Miss Dia. Anong nangyayari sa iyo?" Binaba ko ulit siya sa table ko. Diniligan ko siya dahil matagal-tagal akong mawawala. "Diyan ka na muna. May aasikasuhin lang ako. Babalikan kita tuwing kailangan mo ng dilig," sabi ko sa kanya. "Teka, Miss Dia, hindi mo ako sinasagot. Saka, hindi mo ba ako isasama?" tanong pa niya pero umiling lang ako. "Hindi. Ayokong mapahamak ka. May kailangan lang akong tuklasin. Huwag kang mag-alala dahil alam ko naman ang ginagawa ko." Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko ay pumitas muna ako ng isang dahon

