Dia's POV Para akong asong nakakulong sa isang kulungan habang binabantayan nitong babaeng blue ang buhok. Siya si Azulan. Kanina pa niya ako tinititigan at kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Maya't maya nagpapalitan sila sa kung sino ang magbabantay sa akin. Akala ba nila ay makakatakas ako sa aquarium na ito na hindi ko alam kung nababasag ba o hindi? Parang bakal kasi sa tibay e. "Mababait naman kami rito, Miss Dia," sabi niya habang nakahawak sa aquarium. Kahit tingin ay hindi ko siya tinatapunan. Naiinis kasi talaga ako. "Alam mo bang violet ang favorite color ko. Nang gawin kang sirena ni Reyna Milia ay nainggit ako dahil naging violet ang buhok at buntot mo. Ang ganda-ganda mo, Miss Dia" puri pa niya habang hindi pa rin ako tumitingin. Tinalikuran ko na siya dahil ang sama

