Dia's POV "Hindi ka na naman kumikibo, Miss Dia," sabi ni Azulan habang nakaupo ako sa loob ng aquarium. "Nalulungkot kasi ako na makukulong ako rito sa loob ng aquarium ng isang buwan," sagot ko habang lukot na lukot ang mukha ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaang ma-boring dito. Pasasayahin kita. Hindi na ako magpapapalit ng bantay. Ako na lang ang palaging magbabantay sa iyo para hindi ka nawawalan ng kausap,"' sabi niya kaya kahit pa paano ay nangingiti ako ng kaunti. "Salamat, Azulan." "Narito na sina Reyna Milia at ang anak niyang si Prinsipe Erson!" anunsyo ni Secretary Luna kaya bigla akong napatayo. Sumaya ako nang marinig ko ang pangalan ni Erson. Kailangan ko siyang makausap. Baka may magagawa siya para makalaya ako rito. Pagpasok nila sa loob ay nakita kong umiko

