Amir's POV "Saan ba kayo galing?" salubong ni Miss Locasta nang makita niyang papasok na kami ni Dia sa loob ng Madita Academy. "Nagpunta po kami sa bayan ng Elenor. Sumugod si Liya doon. Mabuti na lang at naroon kami kundi ay baka napaslang na silang lahat," kwento ni Dia. Agad namang nagulat si Miss Locasta. Nagtaka siguro siya kung bakit nagpunta kami roon. Siguro nga ay talagang hinihila ang paa ko roon para mailigtas ang mga taga-Elenor. "Para sa kanilang pagiging safe ay mag-a-assign ako ng ilang estudyante rito na magbabantay sa kanila. Sasamahan ko na rin ng ilang kawal sa palasyo para marami sila roon. Mahirap na ngayon. Gising na si Drimon kaya maaring anumang oras o araw ay umatake na lang sila bigla," sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa kuwarto ni Miss Locasta. Pag

