Dia's POV Pagsikat ng araw ay agad kaming gumawa ng meeting sa kwarto ni Miss Locasta. Wala pa rin ang mga ibang guro kaya tanging mga top ten student at sina Miss Locasta, Miss Helia, Miss Dolores at Solomon lang ang kasama namin. Dito na rin kami mag-aalmusal. Nakakatuwa dahil sina Daphne ang gumawa ng makakain namin. Tuwang-tuwa talaga ako sa bago nilang ugali. Si Daphe ang nagtitimpla ng kape, habang sina Nolina at Selloa naman ang gumagawa ng tinapay. Akala ko e, puro kamalditahan lang ang alam nila. Habang tulala ang ilan dahil puwersang ginising ni Miss Dolores ay napukaw ang tingin ko kay Solomon na titig na titig kay Mika. Ang totoo ay kahapon ko pa siya napapansin na tinitignan si Mika. "Kumusta ang unang tulog mo sa Madita Academy?" tanong ko nang tumabi ako sa kanya. Ngin

