Dia's POV "Nasaan si Prinsipe Amir?" tanong ko nang makasalubong ko sina Millie at Bernhard. Nagkatinginan ang dalawa nang magtanong ako sa kanila. Mukhang doon pa lang ay alam ko na agad. "Hindi ba niya sinabi na sasamahan niya si Miss Dolores?" pabalik na tanong ni Millie. Hindi na ako sumagot sa kanila at agad ko na silang tinalikuran. Sabi ko na nga e. Kanina lang, duda na ako sa mga titig ni Amir kay Miss Dolores. Paglabas ko sa Madita Academy ay saktong may isang karwahe na nakaparada. Karwahe ito ni Amir. Sumakay ako sa loob at agad kong inaya ang kawal niya na tumungo sa bayan ng Ultricularia. Nainis pa ako dahil ang bagal niyang magpatakbo. "Puwede bang paki-bilisan? Baka mahuli tayo. Delikado ang buhay ng prinsipe," sabi ko sa kanya. "Pasensya na po, Miss Dia. Ang totoo p

