Dia's POV Dumagundong sa Madita Academy ang isang sumisigaw na halimaw. Nanlaki ang mata naming lahat nang makita namin ang isang malaking halimaw na lumilipad sa hangin. Natatandaan ko siya. Ito ang halimaw na dragon na pinakawalan ni Liya sa portal ng Impyerno sa palasyo sa bayan ng Ultricularia. "Halimaw na dragon iyan na galing sa imyerno," sabi ko kaya agad silang naghanda. Sinugod ng dragon ang mga estudyanteng na sa hardin. Sinubukan niyang kainin ang mga ito ngunit wala siyang nabiktima dahil hasa sa training ang mga ito. Narinig kong nagsisigaw pa ito nang patamaan siya na sari-saring kapangyarihan ng mga estuyante ng Madita Academy. Bumagsak ang halimaw na dragon sa hardin. Hindi ko inaakalang sa kanila pa lang ay tutumba na siya. Kahanga-hanga ang mga estudyante dito. "Magag

