Dia's POV Nang humapon na ay umuwi na si Aling Bebe. May emergecy daw kasi. Nagkaroon ng problema 'yung driver ng magde-deliver ng mga halaman sa kanya. Nasiraan daw ito. Nabutas ang gulong kaya kailangan nilang puntahan para kunin ang mga halaman na dapat ay ide-deliver sa garden shop niya. Sasama nga dapat si Amir sa kanya lang hindi ko pinayagan. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa kanya. Oo, alam kong malakas siya at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Ang sa akin lang ay baka gumawa siya ng hindi kaaya-aya sa mata ng mga tao. Baka pagkaguluhan lang siya. Isa pa, baka biglang sumugod ang mga taga-Ultricularia. Wala akong kasama rito. Tulad ng dati ay siya pa rin ang nag-uugas ng pinggan. Ako na dapat ang gagawa no'n kanina, ngunit ayaw niya. Siya raw ang gagawa no'n para tulu

