Amir's POV Huminto kami sa isang malaking bahay. Sabay kaming bumaba ni Riana sa sasakyan niya. Agad na pumalupot ang kamay niya sa braso ko. Nang una ay nailang ako, pero para hindi pumalpak ay hinayaan ko na lang dahil mukhang ganito sila ni Vianca kapag magkasama. Kung 'di ako nagkakamali ay ganito ang akbayan ng magkakaibigan sa mundong ito. Ganito rin kasi iyong napanuod kong magkaibigan sa movie sa sinehan. Sinalubong kami ng dalawang lalaki at dalawang babae. Lumapit sa amin ang isang lalaki na may dalang galon. "Oh, ready na ba ang lahat, Robert?" tanong agad ni Riana. Ito pala ang lalaking tinutukoy niya kanina. "Aba, bakit tila tahimik si Vianca ngayon?" tanong ng isang babae sa akin. Hindi ko siya kilala. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya. "Wala lang ako sa

