SIMULA

2351 Words
SIMULA   Nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang trese anyos na si Briella nang makarinig ng tila nagtatalo sa labas ng kanyang kuwarto. Dahan-dahan siyang bumangon at tinungo ang pintuan upang tingnan kung anong nangyayari sa labas.   “Listen to me, please Lebyth. Hindi ko sila puwedeng itakwil, anak ko pa rin ang—”   “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Damian? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman ko—ni Briella!” galit na saad ng kanyang ina.   Natigilan siya, iyon ang kauna-unahang beses na narinig niyang nagtatalo ang mga magulang. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito kaya lumabas siya ng kanyang kuwarto. Kapwa natigilan ang kanyang mga magulang nang makita siyang lumabas sa kanyang kuwarto.   “A-Anak . . .” nag-aalalang tawag sa kanya ng kanyang mommy.   “What’s happening po?” tanong niya na nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga magulang.   “Briella may sasabihin ako sa’yo, but I want you to know that I love you and—”   “Damian!” putol ng kanyang Mommy sa sinasabi nito.   “She has the right to know,” mariin at puno ng awtoridad na saad ng kanyang daddy.   Mas lalo siyang naguluhan sa pinagtatalunan ng mga ito, kinakabahan na siya sa nakikitang itsura ng kanyang mommy at alam niyang pinipigilan lang nitong mapaiyak sa harap niya.   “Come here, Briella.” Inakay siya nito pababa, mula sa hagdan ay nakita niya ang dalawang babaeng nakayuko at nakaupo sa kanilang sofa.   May mga malalaking backpack din sa tabi ng mga ito, unti-unting luminaw sa kanya ang lahat. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang mga nangyayari. Nilingon niya ang kanyang ina at hindi ito gumagalaw mula sa pinag-iwanan nila ng kanyang daddy.   “Briella, I want you to meet, Megan . . . your half-sister,” pagpapakilala sa kanya ng Daddy niya sa isang payat na dalagitang katabi ng isa ring babae na hindi nagkakalayo ang edad sa mommy niya.   Nag-angat ito ng tingin at nginitian siya. “H-Hello, nice to meet you.”   Nice to meet you? Tama bang sabihin iyon sa harap niya?   “Briella . . .” tawag sa kanya ng kanyang daddy.   Nilingon niya ito ngunit walang kababakasang kahit na anong emosyon sa mukha niya. Naalala niya ang kanyang mommy na naiwan sa itaas, parang may malamig na kamay na humaplos sa kanyang puso at ang tanging gusto niya lang gawin ngayon ay puntahan ang kanyang mommy at aluin.   “Dad, puwede ko na po bang puntahan si Mommy sa itaas?” tanong niya rito.   Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito . . . na napalitan ng galit ngunit saglit lang iyon at muli itong kumalma.   “Kinakausap ka ng kapatid mo,” malumanay na sabi nito sa kanya.   “D-Damian, huwag mo nang pilitin ang bata baka okay sa kanya na nandito kami. Aalis na lang siguro kami at—”   “No! Buo na ang desisyon ko, titira kayo rito. Anak ko si Megan at hindi ako papayag na hindi siya lumaki sa poder ko,” maawtoridad na wika ng kanyang daddy.   Nagpanting ang tenga niya sa narinig ngunit hindi siya kumibo. Wala ngang nagawa ang mommy niya, siya pa kaya na anak lang at wala pa sa tamang edad para magreklamo.   “Damian, huwag na. Nakakahiya sa pamilya mo, baka kung anong isipin sa akin ni Lebyth. Nagpunta lang talaga ako dito at nagbaka-sakaling humingi kahit na maliit na halaga para pangtustos sa pag-aaral ng anak natin . . .” malumanay na sabi ng babaeng katabi ng dalagita.   “Meryll, pamamahay ko ’to at ako ang masusunod dito. Kapag sinabi kong dito kayo titira ay walang puwedeng sumuway doon,” sabi ng kanyang daddy.   Nakita niya ang makahulugang tinginan ng mag-ina nang bumaling sa kanya ang tingin ng daddy niya. “Briella, simula ngayon ay dito na titira ang kapatid mo. Gusto kong pakisamahan mo siya ng maayos at pati na rin ang Tita Meryll mo, maliwanag ba ’yun?”   Hindi siya sumagot o nagbigay ng kahit na anong reaksyon dito. Tutol siya sa gusto nitong mangyari lalo pa at nakita niya kung paano magpalitan ng makahulugang tingin ang mga ito.   “Puwede ko na po bang puntahan si Mommy?” tanong niya sa ama.   Magsasalita pa sana ang kanyang Daddy ngunit hindi na nito itinuloy at tumango na lang. Tumalikod na siya at tuloy-tuloy na umakyat sa hagdan. Dumiretso siya sa kuwarto ng kanyang magulang upang puntahan ang mommy niya ngunit nang buksan niya ang pinto ay wala siyang nakita roon.   Huminga siya ng malalim at muling lumabas, dumeretso na siya sa kanyang kuwarto, nakita niya roon ang kanyang mommy na nakaupo sa kanyang kama at tulala. Tigmak sa luha ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding sakit. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang itsura ng kanyang ina, iyon ang unang beses na nakita niya ito sa ganoong ayos. Huminga siya ng malalim at nilapitan ito at niyakap.   “Mommy, kung hindi mo po kaya huwag mong tiisin,” sabi niya at hinagod ang likod nito.   Katorse anyos pa lang siya pero matured na siya mag-isip, lumaki siyang desiplinado ng kanyang mga magulang. Kahit na sabihing kaya niyang bilhin ang lahat ng gusto niya ay hindi niya ginagawa iyon, bagkus ay iniipon niya ang lahat ng allowance na binibigay sa kanya ng kanyang daddy. Iba pa ang savings niya na galing mismo sa sarili niyang bulsa at ang savings na binibigay ng kanyang mga magulang.   Masinop siya sa pera at hindi siya materyosang babae.   Narinig niyang marahas na napabuntong-hininga ang kanyang Mommy at bahagyang lumayo sa kanya. Nakangiti nitong pinahid ang mga luha nito at humarap sa kanya’t umiling.   “Sinubukan ko nang sumuko, Briella. Kahit ang umalis dito at iwan ang Daddy mo ngunit pinigilan niya ako at pinagbantaang hindi na kita makikita at tatanggaln ng karapatang maging ina mo,” sabi nito at nag-iwas ng tingin para pigilan sana ang mapaluha ngunit nabigo ito.   “Matagal mo na pong alam na may anak sa labas si Daddy?” deretso niyang tanong dito.   “Bago pa kami ikasal ng Daddy mo ay inamin niya sa akin na nagkaroon siya ng isang karelasyon, nalaman niyang buntis ito ngunit bigla na lang daw nawala si Meryl . . . at ngayon lang ulit nagpakita,” sabi nito at muling napabuntong-hininga.   Muli niyang naalala ang kakaibang tinginan ng mag-ina kanina habang hindi nakatingin ang daddy niya. Halatang may masamang balak at hindi puwedeng pagkatiwalaan.   “Nakita ko po kung paano sila nagkatinginan nang sabihin ni Daddy na dito na sila titira,” saad niya.   Natigilan naman ang kanyang Mommy at unti-unting nagsalubong ang mga kilay. “Totoo ba iyang sinasabi mo?”   Tumango siya. “Opo, isa pa may pakiramdam din po akong puro gulo lang ang dala nila sa pamilya natin. Mommy, tayo na lang po ang umalis. Okay lang po kung maghirap tayo, tatanggapin ko po ang alok sa akin na maging modelo at magsisimula tayo na tayong dalawa lang,” saad niya.   Natigilan siya nang sunod-sunod itong umiling at hinaplos ang mukha niya saka malungkot na ngumiti.   “Your father won’t let us run away. Iba ang paniniwala ni Damian, kapag usapang anak at kadugo niya ay malambot ang puso niya’t hindi hahayaang mawala sa paningin niya,” saad nito. “Pero hindi tama ang pagsamahin kayong dalawa sa bahay na ito,” nakakunot ang noong saad niya. “Ikaw ang legal niyang asawa, hindi man lang ba niya naiisip na ang pangit niyon tingnan?” dagdag pa niya.   Hindi kumibo ang kanyang ina kaya mas lalo siyang nainis sa kanyang Daddy. Mahal niya ang mga magulang niya at wala siyang masabi sa mga ito, mahal ng mga ito ang isa’t isa at saksi siya roon . . . o baka kapag kaharap lang siya at kapag nakatalikod na siya at wala sa harapan ng mga ito ay saka lang lumalabas ang totoong estado ng relasyon ng mga ito.   May mga nababasa siyang ganoong mga sitwaston, may mga classmates din siyang galing sa broken family. At hindi nagiging maganda ang epekto niyon sa mga kaklase niya, naisip niyang kapag humanting sa ganoon ang ang sitwasyon nila, mapapariwara din ba siya?   “Tiisin na lang natin kung ano ang nasa harapan natin, anak. Pasasaan ba at matatapos din ito, malay mo ma-realize ng daddy mo na hindi tamang ibinahay niya ang mga iyon at bigyan na lang ng sariling bahay at—”   “Paano po kung hindi mangyari ’yun?” putol niya sa sinasabi nito.   Natigilan naman ito saglit at nang makabawi ay ngumiti. “Manalig na lang tayo, anak.”   Nang gabing iyon ay tumabi sa kanya ang kanyang mommy sa pagtulog, hindi na ito lumabas ng kuwarto niya at parehas din silang hindi naghapunan. Sinamahan niya ang kanyang mommy at hindi iniwan. Pagsapit ng hatinggabi ay lumabas siya para kumuha ng instant cup noodles, tiyak na nagugutom na ang kanyang mommy at dahil wala pa siyang gaanong alam sa kusina ay iyon lang ang kaya niyang ipakain dito.   Pagbaba niya sa kusina ay napakunot-noo siya nang makarinig ng ingay galing sa kanyang study room. Pagkatapos niyang lagyan ng mainit na tubig at takpan ang cup noodles ay lumabas siya ng kusina at tinahak ang papuntang study room niya na nasa gilid lang ng hagdan. Nakasiwang ang pinto at rinig niya ang malakas na tugtog galing sa stereo.   Salubong ang kilay na binuksan niya ang pinto at tumambad sa harapan niya ang nagkalat na balot ng mga chocolates at sofdrinks sa puting center table. May nakita pa siyang tapon ng softdrinks at chocolates sa mismong mesa habang parang baliw na sumasayaw si Megan sa paborito niyang couch.   Nagtiim ang anyo niya at mabilis na kinuha ang remote at pinatay ang tugtog ng stereo.   “Hoy, ano ba—” hindi nito natuloy ang sasabihin nang makita siyang nakahalukipkip at masama ang tingin dito. Namutla ang mukha nito at mabilis na bumaba sa couch.   Umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo nang makita ang bakas ng chocolate doon at stain ng natapong softdrinks. Matingkad ang kulay ng couch kaya kitang-kita ang dumi niyon.   “What are you doing?” madilim ang anyong tanong niya rito.   “Ahm . . . s-sabi kasi—nagpaalam ako kay Daddy kung puwede kong gamitin ang kuwartong ’to,” utal na sabi nito.   Daddy?   “Alam mo ba kung anong kuwarto ang pinasukan mo?” walang emosyong tanong niya rito. “Study room ’to and not a—” Napabuntong-hininga siya at tiningnan ang mga kalat niya.   “I-I’m sorry, lilinisi ko na lang,” sabi nito at pinulot ang mga balat ng mga tsokolateng kinain nito.   “Get out,” sabi niya at itinuro ang pinto. “And please, huwag ka nang papasok sa kuwartong ’to.”   Nakita niyang napakagat ito ng labi at tipong maiiyak na. Lihim siyang napairap at sininghalan ang dalagita. Hindi uubra sa kanya ang pagpapanggap nito, pero kagaya ng sabi ng kanyang mommy ay kailangan na muna nilang hayaan ang mga ito dito sa pamamahay nila.   “S-Sorry ulit,” sabi nito at nakatungo ang ulo na mabilis na lumabas ng kuwartong iyon.   Nagtatagis ang bagang niyang lumapit sa pinto at isinara iyon, saka lang siya marahas na napabuntong-hininga at umirap paitaas.   “b***h . . .” bulong niya at nagsimulang pulutin ang mga basurang kung saan lang tinapon. Kanina nang makita niya ito ay hindi na maganda ang tingin niya rito mas lalo na ngayon. Napakaburara at parang laking iskwater, katabi na nito ang basurahan ngunit parang binalewala nito iyon at kung saan-saan lang nagtapon.   Lumabas siya para kumuha ng planggana na may tubig at sabon para linisan ang mesa niyang nadumihan dahil sa chocolate. Nang pabalik na siya ay nakita niyang pababa ang kanyang ama, hindi na sana niya ito papansinin pero tinawag siya nito kaya napilitan siyang linguni ito.   “What are you doing?” tanong nito nang makitang may hawak siyang panlinis.   “Lilinisan ko lang ang study room ko. Masyadong marumi dahil sa kalat ng anak niyo,” malamig niyang sagot rito.   “Huh? What happened?” tanong nito at bumaba palapit sAa kanya.   Nag-umpisa naman siyang humakbang palapit sa kanyang study room, alam niyang nakasunod ang daddy niya. Narinig niya ang pagsinghap nito nang makita ang itsura ng buong kuwarto.   “What happened here?” kunot-noong tanong nito sa kanya.   “Your daughter ask you at pinayagan mo namang pumasok dito—”   “Briella, her name is Megan,” putol nito sa sinasabi niya. “And she’s your sister so please be nice to her.”   Ngumiti siya pero sa loob-loob niya ay sininghalan niya ito ng tawa. “Yeah, I’ll be nice to her pero utang na loob, Dad. Huwag na huwag mo na siyang papasukin sa kuwartong ito. Alam mo kung gaano ko iniingatan ang kuwartong ’to,” mariin niyang saad dito.   “She’ll be studying with you so you’ll share—”   “Dad! Marami tayong bakanteng kuwarto, ipa-renovate mo na lang iyon para maging Study Room niya! Alam mong ayaw na ayaw ko ng distraction kapag nag-aaral ako!” kunot ang noong saad niya rito.   Matagal siyang tinitigan ng kanyang daddy at hindi naman niya iyon inatrasan. Hindi siya papayag na pumasok pa ulit ang babaeng iyon sa kuwarong ito. May sentimental value sa kanyang ang lugar na iyon dahil silang dalaw ang kanyang mommy ang nagdecorate niyon at nag-ayos. Masasaya din ang ala-alang meron ang lugar na iyon sa kanya at ng mga magulang niya kaya hinding-hindi siya papayag na madungisan iyon.   “Hija, listen to me . . .”   “No, Dad. Please listen to me. This is a sacred place for me, ito na lang ang hinihiling ko bilang anak mo . . . kapag hindi mo ’ko pinagbigyan. I swear, mawawalan ka ng isang anak,” matapang niyang pagbabanta rito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD