KABANATA II

2118 Words
KABANATA II   Hindi naging madali ang buhay na ni Briella simula nang patirahin ng kanyang ama ang kabit nito at anak sa labas. Araw-araw nakikita niyang nag-aaway ang magulang niya, o ’di naman kaya ay hindi nagpapansinan. Habang ang isa nitong pamilya ay magiliw nitong pinapakisamahan, binibigay lahat ng luho na para bang tama iyong ipakita sa kanilang mag-ina.   Magpapasukan na pero parang wala siyang ganang mag-enroll, naririndi na rin siya sa malakas na tawanan ng kanyang ama at ni Megan na tuwang-tuwa nang sabihan itong mag-aaral sa unibersidad na pinapasukan niya.   Lumayo ang loob niya sa kanyang ama ng hindi man lang nito napapansin, naging malapit naman ito kay Megan dahil sa dalas nang pag-aasikaso nito sa kanyang Daddy. Hinayaan niya iyon at hindi na inintindi, wala siyang balak na makipag-kompetensya sa pagmamahal ng Daddy niya dahil mas malalim ang naging samahan nila ng kanyang Mommy.   Sa silid niya na rin madalas na nag-i-stay ang Mommy niya na tila nawalan na rin ng gana sa mga nangyayari sa loob ng bahay na iyon.   “Mom?” tawag niya rito. Bumaba siya para kumuha ng pagkain nito, masama raw ang pakiramdam nito kaya siya na mismo ang nagdala ng pagkain nito.   Narinig niya ito sa kanyang banyo na dumuduwal, agad niyang inilapag ang dala niyang tray at pinuntahan ito.   “Mom, are you okay?” nag-aalalang tanong niya rito.   Pagkatapos nitong i-flush ang toilet at dahan-dahan itong tumayo at naghugas ng mukha sa lababo, hindi siya nito kinibo at habang hindi pa ito natatapos maglinis ng mukha.   Humarap ito sa kanya at malungkot na ngumiti, mas lalo siyang nag-aalala para rito. May sakit ba ito? Malalala? Kailangan na baniyang dalhin ito sa ospital?   “Brie, I’m pregnant . . .” mahinang saad nito. Hindi kaagad nagrehistro sa kanyang utak ang sinabi nito at ilang segundo siyang naestatwa doon at pinoproseso pa ang mga sinabi ng kanyang ina.   Pregnant? Buntis ang Mommy niya?   “M-Magkakaroon na ako ng kapatid?” tanong niya rito.   Malungkot naman itong ngumit, parang nabahiran din ng lungkot ang dapat sana ay pagdidiwang niya sa magandang balita. Ramdam niya kahit hindi man ito magsabi ay naaapektuhan ito sa mga nangyayari.   “Alam na ba ni Daddy?” muli niyang tanong sa Mommy niya.   Umiling ito. “Sasabihin ko pa lang sa kanya, sinigurado ko munang buntis ako bago ko ipaalam sa kanya.”   Natahimik siya, hindi man ito magsalita ay alam niyang may gumugulo sa isipan nito.   “Mom, huwag ka na po masyadong mag-isip masyado at baka kung mapa’no pa kayo. Baka maapektuhan pati ang magiging kapatid ko,” sabi niya sa mommy niya.   “Pasensya ka na sa akin, Brie. Hindi dapat ganito ang sitwasyon natin kung may lakas lang ako ng loob na umalis sa bahay na ito,” sabi pa nito sa kanya.   “Mom, hindi dapat tayo ang umalis dito. Tayo ang tunay na pamilya ni Daddy at ikaw ang legal na asawa kaya kung may aalis man dito ay hindi tayo iyon,” matigas niyang turan dito.   Nagyuko lang ito ng ulo at hindi na naman kumibo. Mukhang wala talaga itong balak na ipaglaban ang karapatan nila sa pamamahay na iyon. Hindi niya rin ito masisisi dahil simula nang mgakaisip na siya ay wala itong ibang bukambibig kundi ang maging masaya silang tatlo ng kanyang Daddy.   Huminga siya ng malalim at hinaplos ang ulo ng Mommy niya. “Ako na po ang kakausap kay Daddy, tiyak namang makikinig siya sa akin.”   Nag-angat naman ito ng mukha at naiiyak na niyakap siya. “Salamat, anak. Kapag hindi pa rin nagawang paalisin ng Daddy mo ang isa niyang pamilya, tayo na lang ang aalis. Sabay nating tutuparin ang pangarap mong maging modelo, may naiipon naman akong pera kaya iyon ang gagamitin kong panimula sa maliit na negosyo. Kakayanin nating dalawa na palakihin ang magiging kapatid mo.”   Ngumiti naman siya at sinuklian ng mahigpit na yakap ang kanyang ina. Hindi niya ito masisisi kung nagiging mahina ito sa mga nagdaang araw dahil ipinapakita din naman ng kanyang Daddy na tila itsapuwera na silang dalawa sa pamamahay na iyon.   Pagkatapos niyang pakainin ang kanyang Mommy ay muli siyang lumabas ng kanyang kuwarto, nagpapahinga na ito at natutulog. Magse-search siya mamaya ng mga sintomas ng isang nagbubuntis at kung ano ang mga dapat gawin at iwasan.   Nadaanan niya ang kanyang step sister na prenteng nakaupo sa sofa at nakapatong pa ang mga paa nito sa center table habang nakaharap sa laptop nito at may kinukutkot na kung anu-anong pagkain. Hindi niya ito pinansin at dumiretso sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ng Mommy niya.   “Miss Briella, ako na po diyan,” maagap na sabi ni Noemi at nilapitan siya para palitan siya.   Umiling siya. “No, ako na po, Ate Noemi. Baka may gagawin ka pa pong iba, gawin mo na lang.”   Nagkibit ito ng balikat at inginuso ang kinaroroonan ni Megan.   “Magpapahinga na sana ako kaya lang ang kapatid mo ayaw akong payagan, hangga’t hindi pa raw siya tapos kumain ay hindi ako puwedeng magpahinga,” mahinang saad nito.   Tumingin siya sa relos na nakasabit sa dingding at nakitang alas diyes na pala ng gabi.   “Sige na, Ate Noemi, magpahinga ka na. Alam kong maaga ka pang magigising bukas,” sabi niya rito.   “P-Paano po si Señorita Megan?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.   “Malaki na siya, siguro naman alam na niyang maglinis ng sarili niyang kalat,” sabi niya rito.   “Thank you ho, Miss Briella. Ang totoo niyan talagang maaga po akong nagigising dahil ako rin po naghahanda ng pagkain nilang mag-ina.”   Tinanguan niya lang ito saka itinaboy na, nagpatuloy naman siya sa paghuhugas ng mga pinggan, pagkatapos ay pinatuyo niya iyon gamit ang malinis na kitchen towel at saka inilagay sa cabinet. Eksaktong tapos na siyang maghugas ay narinig niya ang boses ni Megan na tinatawag si Ate Noemi hindi niya ito pinansin at magtutuloy-tuloy na sana siya sa pag-akyat nang tawagin siya nito.   “Nakita mo ba si Yaya Noemi?” tanong nito sa kanya.   “Oras na nang pahinga ng mga katulong kaya nagpapahinga na siya,” sagot niya na hindi man lang ito nilingon.   “I’m not done here! Kailangan ko rin ng tubig, nauuhaw na ako!” sabi nito sa kanya. “At sino ang magliligpit ng mga kalat na ’to?”   “Do it yourself, tao rin ang mga katulong dito na kailangan ring magpahinga’t matulog,” sabi niya at humakbang na patungo sa hagdan. Ngunit hindi pa man din siya nakakahakbang sa unang baitang ay narinig naman niya itong magsalita.   “Kung wala ng mga katulong na gising, hintayin mo akong matapos dito at tulungan mo akong magligpit. Kapatid kita, ’di ba? Dapat tinutu—”   “Pinalaki ako ng mga magulang ko ng tama,” putol niya sa sinasabi nito. “Hindi lahat ng bagay ay kailangan iasa sa mga katulong. Kung nagawa mong magkalat ng ganyan, matuto kang ligpitin ang mga iyan,” sabi niya at tuluyang umakyat na ng hagdan.   Sa pinakataas ay nakita niya ang babae ng kanyang Daddy na masama ang tingin sa kanya, narinig siguro nito ang mga sinabi niya sa bastarada nitong anak. Huminto siya saglit sa tapat nito at marahang tumango saka tuloy-tuloy na pumasok sa kanyang kuwarto. Wala ang kanyang Daddy kaya hindi niya masasabi ngayon ang tungkol sa Mommy niya, may tatlong araw itong out of town business meeting kaya nagpapakita ng mga totoong budhi ang mga ito.   Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at masigurado niyang naka-double lock ang kanyang mga pinto ay lumapit na siya sa kama at tumabi na sa mommy niya.   Kinabukasan ay nagising siya sa malalakas na katok sa pinto, pagmulat niya ng mga mata ay hindi niya nakita ang Mommy niya sa kabilang higaan. Bumangon siya at kusot-kusot ang mga matang lumapit sa pintuan.   “Miss Briella!” bulalas ni Ate Noemi na nasa mukha ang pag-aalala.   “Bakit po?”   “Si Ma’am Lebyth po . . .” hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa sobrang hingal, marahil ay patakbo itong pinuntahan siya.   “What happened to her?” agad na sinakluban ng matinding kamba ang dibdib niya, kahit hindi pa nagagawang magsuklay at maghilamos ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto.   “N-Nahimatay po siya at—” Hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita nito at mabilis na tinakbo ang pababa, nakita niya itong walang malay sa sofa at inaasikaso ng mga katulong nila habang ang mag-ina ay nakapameywang lang na nakatingin sa walang malay niyang ina.   “What are you doing? Bakit hindi niyo pa dinadala sa ospital?” singhal niya sa mga katulong.   Nagkatinginan lang ang mga ito at pasimpleng tumingin sa dalawang mag-ina.   “May lakad kami ni Mommy at ngayon ako nakatakdang mag-enroll, hindi ako puwedeng ma-late,” nakahalukipkip na sagot ni Meggan.   “What?!” singhal niya na nagsalubong ang mga kilay.   “Ang sabi ni Daddy mahalaga ang pag-aaral, kapag nahuli ako sa pagpapa-enroll ay tiyak na madi-disappoint si Daddy sa—”   “Call a goddamn taxi, for Heaven's sake!” malakas na sabi niya rito.   Natigilan naman ito at nagkatinginan pa ang mag-ina saka muling tumingin sa kanya. Nakalapit na siya sa ina niya at tinatapik ang mga pisngi nito ng marahan.   “Ate Noemi, call Kuya Basil, ipahanda mo ang sasakyan at pupunta tayo ng ospital,” utos niya kay Ate Noemi.   Aalis na sana ito ngunit hinarang ito ni Meryll.   “Sa oras na sinunod mo ang sinasabi niya ay—”   “Ano?” panghahamon niya rito. Tumayo siya at nakaangat ang noong hinarap ito. “Sa ating dalawa ay ako pa rin ang may karapatan at masusunod sa bahay na ito. Legal akong anak at tunay na Montañez dito. Sa oras na may mangyari kay Mommy at sa dinadala nitong bata ay pananagutin ko kayong dalawa!” matapang niyang turan dito.   Nakita niyang nanigas sa kinatatayuan ang babae at nawalan ng kulay ang mukha, hindi niya iyon inintindi at bumaling kay Ate Noemi. “Ate Noemi, puntahan niyo na si Kuya Basil at ipahanda ang kotse.”   “Ate Maya, pakikuha po ang cellphone ko at tatawagan ko si Daddy,” utos naman niya sa katulong na umaalay sa Mommy niya.   Wala pang isang minuto ay dumating na ang kanilang Family Driver at kaagad niyang pinabuhat ang kanyang Mommy. Wala siyang pakialam kung ano ang ayos niya, ang importante sa kanya ay ang Mommy niya. Habang nasa sasakyan sila ay tinawagan niya ang numero ng kanyang Daddy, nakailang ring muna siya bago niya narinig ang boses ng kanyang Daddy.   “Hello, Briella? What’s the matter?”   “Dad, nahimatay si Mommy. Isinugod ko siya ngayon sa Hospital,” sabi niya agad rito.   “What? How did it happened? May nangyari ba habang wala ako?” tanong nito sa kanya.   Huminga siya ng malalim at napasulyap sa ina niya, gusto na niyang sabihin ang totoo sa Daddy niya ngunit makapaghihintay siguro iyon hanggang sa magising ang ina niya at ang mga ito mismo ang mag-usap.   “Hindi ka po ba puwedeng umuwi ngayon? We need you Dad . . .” malumanay na pakiusap niya rito.   “Honey, kung hindi lang importante ang meeting na ito, mabilis pa sa alas kuwatro na uuwi ako at pupuntahan kayo kaya lang . . .”   “I get it,” sabi niya na mapait na ngumiti. “Don’t worry, Daddy. I’ll make sure she’s fine,” matabang niyang saad dito saka magalang pa rin na nagpaalam dito.   Pagdating nila sa ospital ay kaagad namang inasikaso ng mga Staff ang Mommy niya, pagkalipas ng ilang sandali ay kinausap siya ng Doktor at kinumpirmang buntis nga ang Mommy niya ngunit may masama itong balita. Kinakain ng depression at stress ang kanyang Mommy at nakakasama iyon dito, maaring maging sanhi daw iyon nang mahinang pagkapit ng bata at posible pang ma-miscarriage ang ina niya.   Napakagat siya ng labi at gusto nang humagulhol ng iyak. Katorse anyos pa lang siya ngunit iyong bigat nang dinadala niyang problema ay isa na sa mga masasabi niyang pinakamalalang pagsubok sa buhay ng isang tao. Umupo siya sa bench na nasa tapat lang ng kuwarto ng Mommy niya, isinandal niya ang ulo niya roon at tila hapong-hapo na pumikit saka siya malalim na napabuntong-hininga.   Dear God, huwag mo naman po akong pahirapan ng ganito.   Nagmulat siya ng mga mata at nagulat nang may isang nakangiting mukha ang nasa harap niya.   “Hi, I’m Nova Zulletta, and I am a Talent Manager. Itatanong ko lang kung gusto mo bang maging modelo ko? I’ll promise you, you’ll be the next supermodel around the world.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD