KABANATA II: First Step to Become a Supermodel

1739 Words
Kumurap ang mga mata ni Briella habang walang emosyong nakatingin sa nagpakilalang Talent Manager, marahil kung sa ibang araw siya inalok ng babae ay maglululundag siya sa tuwa dahil iyon ang pinapangarap niyang gawin. “Hija, okay ka lang ba?” untag ng babae sa kanya. Bago pa man siya nakasagot ay lumabas ang doktor na nagcheck up sa Mommy niya, mabilis siyang tumayo at nilapitan ito. “Is my mom okay?” kaagad niyang tanong dito. Nakangiting tumango ang doktor. “Yes, don’t worry, little girl, your mom and the baby is fine. Puwede mo na siyang puntahan.” “Thank you po,” magalang niyang saad at hahakbang na sana papasok sa kuwartong kinaroroonan ng kanyang ina nang matigilan at sumulyap sa babaeng nagpakilalang Talent Manager. “My mom is inside, puwede mo po siyang kausapin tungkol sa alok mo.” Nagliwanag naman ang mukha ni Nova nang marinig ang sinabi ng dalagita. Mabilis siyang tumayo at sinabayan nang pagpasok ang dalagita, hindi pa man niya alam kung papayagan ito ng ina nito ay sunod-sunod na ang mga planong nabubuo sa isip niya. Bihira siyang makakita ng isang babaeng may natural at angking ganda katulad ng dalagitang katabi niya ngayon. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkamali ng tingin sa mga talentadong tao na tiyak na sisikat balang araw. Pagkapasok nila sa loob ng kuwarto ay hindi niya mapigilang mapahanga sa angking ganda ng babaeng nakaupo sa hospital bed, bagaman namumutla ito at nangingitim ang ilalim ng mga mata ay hindi maitatago ang kagandahan nito. Halatang namana ng dalagita ang natural na ganda nito sa ina. “Mommy,” tawag ng dalagita at mabilis na lumapit sa ina nito at hinawakan ang kamay. “Don’t scared me like that,” tila naluluhang sabi pa nito. “I’m sorry, anak, pinag-alala pa kita,” nakangiting sabi ng babae at napatingin sa kanya. “Good morning, Ma’am. I’m Nova Zulletta, isa akong Talent Manager, nakita ko ang anak mo at balak ko sana siyang alukin bilang maging modelo. Here’s my calling card.” Inabot niya rito ang calling card na kinuha niya sa loob ng bag niya. “May dinalaw din akong isa sa mga Talent ko dito at bigla kong nakita ang anak mo kaya nagbabakasakali sana ako kung puwede siyang kunin bilang modelo. May sarili akong maliit na Agency ng mga bagong talent and right now, naghahanap talaga ako ng mga batang modelo para isalang sa international runaway this upcoming summer runaway show na gaganapin sa Boracay,” paliwanag niya. Bagama’t kinakabahan siya ay ipinaliwanag niya ng maayos ang event na sinasabi niya. Mataman namang nakikinig ang mag-ina, sa loob-loob niya ay taimtim siyang nagdadasal na sana ay pumayag ang ina ng dalagita. Talagang manghihinayang siya kung tatanggi ang babae sa alok niya. “Sa event din po na nabanggit ko ay may mga sikat na designers at Editors na darating, I have some connections at puwede ko po siyang irekomenda para makakuha ng mas maraming resources at makapasok sa international market.” “Briella, do you want it?” masuyong tanong ng babae sa dalagita. Napatingin siya sa dalagita at hinihintay ang sagot nito, muntik na siyang mapatalon at mapasigaw sa sobrang saya nang dahan-dahang tumango ang dalagita. “But, puwede po bang sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang tungkol dito? My mom is unwell and I want to take care of her first,” sabi nito sa kanya. Sunod-sunod naman siyang tumango at halos mapigsi na ang mga labi niya sa ganda ng ngiti niya. “Sure! Sure! No problem, little beauty! Ibibigay ko sa’yo ang contact information ko at puwede mo akong tawagan kapag ready ka na. Thank you, thank you, Ma’am . . .” “Lebyth, you can call me Lebyth,” nakangiting pagpapakilala ng babae sa kanya. “And her name is Briella, please take good care of her.” “Thank you, Ma’am. I will,” nakangiting sabi niya at walang babalang niyakap si Briella. “Thank you. I promise I’ll make you one of the best models and help you reach the top!” Wala siyang narinig na sagot mula kay Briella, naiintindihan niya ang dalagita at alam niyang nag-aalala pa rin ito sa kalagayan ng ina nito kaya naman nagpaalam na muna siya at sinabing aasikasuhin ang kontrata para dito. Kinuha niya rin ang contact number ni Lebyth para manghingi ng updates at kung kailan puwede ng kausapin si Briella tungkol sa magiging kontrata nito. ---- Pagkaalis ni Nova ay naiwan ang mag-ina sa loob ng kuwarto, ilang sandali lang ay sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ni Briella at hindi napigilang yakapin ang ina. “Did you hear that, Mom? Magiging modelo na ako!” tuwang-tuwa na sabi niya. Pagak namang tumawa ang ina niya at buong pagmamahal na hinagod ang buhok niya. “You need to tell your father about this, Briella. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang matutupad na ang isa sa mga pangarap mo.” Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang sinabi ng kanyang ina, gayunpaman ay hindi niya iyon ipinahalata dito nang bumitiw mula sa pagkakayakap. “Mm, pag-uwi natin ay sasabihin ko po sa kanya,” napipilitan niyang turan. Tinitigan siya ng kanyang ina at nakita niya ang paglambong ng lungkot sa mga mata nito. “Did you call him?” Tumango siya. “He’s in a closed-door meeting kaya hindi daw siya makakapunta.” Ngumiti ang kanyang ina ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. “It’s alright, ang importante ay okay na kami nang magiging kapatid mo.” Nginitian niya lang ang kanyang ina, nasasaktan siya para rito ngunit wala rin siyang magawa dahil kagustuhan iyon ng kanyang ina. “Ilang araw po tayong mag-i-stay dito?” tanong niya sa ina. “Sintomas lang ng pagbubuntis ko kaya nawalan ako ng malay kanina, pagbalik ng doktor ay puwede na akong lumabas. Reresetahan niya din ako ng mga vitamins and supplements para masigurong ligtas ang baby sa sinapupunan ko,” nakangiting sagot ng kanyang ina. Tinanguan lang niya ito, kumuha siya ng isang mansanas at pagkatapos iyong hugasan ay maingat niya iyong binalatan at hiniwa saka ibinigay sa Mommy niya. Nagkuwentuhan sila habang hinihintay ang pagbabalik ng doktor. Puno ng excitement ang dibdib niya sa nalalapit niyang pagmomodelo, pag-uwi niya ay maghahanap agad siya ng mga puwedeng mabiling libro para pag-aralan ang mga tamang gagawin ng isang professional model. Katorse anyos pa lang siya pero dahil sa angkin niyang talino at malawak na pang-unawa ay alam niyang kaya niyang pag-aralan iyon. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang doktor, may kasama na itong nurse. Inabot sa ina niya ang reseta at paglatapos na magbilin ay sinabihan na silang puwede nang umuwi. Tinulungan niya ang kanyang ina na magbihis at hindi niya ito binibitiwan at inaalalayan hanggang sa pagbayad ng hospital bill. Paglabas nila ng Hospital ay siya na ang tumawag ng taxi, nagpaalam ang kanilang driver na babalik dahil daw gustong magpahatid sa Mall ng kabit ng kanyang ama. Pagdating nila sa bahay nila ay walang kahit na isang katulong ang sumalubong sa kanila, bagaman nagtataka ay hindi na siya kumibo at hinatid ang kanyang ina sa kuwarto niya upang magpahing. “Magpahinga ka na muna, Mommy. Titingnan ko sa kusina kung anong puwedeng kainin para makainom ka mayamaya ng gamot mo,” paalam niya rito. “Brie, kaya kong gawin iyon. Isa pa nakapagpahinga na ako,” tutol ng kanyang ina. “Mom, please, let me do this. Hindi mo ba narinig ang sabi ng doktor? Kailangan mong mag-ingat at magpalakas, you also need to take your vitamins dahil sa iron defeciency mo . . .” “Okay, okay.” Naiiling na sabi nito ngunit hindi na nakipagtalo pa sa kanya. Humiga ito sa kama at nakangiting tumingin sa kanya. “I’ll listen to my Nurse,” pabiro nitong sabi. “Good girl,” pabiro din niyang sabi sa ina. Lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa kusina, naipilig niya ang kanyang ulo nang walang sumalubong na katulong sa kanya. “Ate Noeme? Ate Maya?” Walang sumagot sa pagtawag niya kaya pinuntahan niya ang maid’s quarter ngunit nagulat siya ng wala siyang madatnan doon. Wala silang maraming katulong dahil mas gusto ng Mommy niya na ito mismo ang nag-aasikaso sa kanila ng Daddy niya. Maging siya ay natuto ding gumawa ng mga gawaing bahay. Her mom always told her not to be dependent on maids, mas magandang may alam siya sa loob ng bahay para kapag dumating ang araw na kailangan na niyang mag-solo ay hindi na siya mahirapan pa. Tumunog ang phone niya, nabasa niya ang text message na galing kay Ate Noeme. Napakunot-noo siya at nagsalubong ang mga kilay nang mabasa ng buo ang text nito. Isinama ito at si Ate Maya sa pagmo-Mall ng dalawa pang amo ng mga ito upang maging taga-bitbit ng mga pinamili ng mga ito. Kumakalam na raw ang mga sikmura ng mga ito at hindi man lang daw sila papagpahingahin upang makakain o makainom man lang ng tubig. Nakapag-text lang daw ito ng palihim ng nagpunta ng CR ang mag-ina. Tinawagan niya ang kanyang Daddy, gusto niyang isumbong ang ginagawang pagmamaltrato ng ibang pamilya nito sa mga katulong nila. Ilang ring muna ang lumipas bago niya narinig ang boses ng Daddy niya. “Hello, dad?” “Bakit napatawag ka, Briella?” tanong ng Daddy niya. “I need to tell you something about your other woman,” malamig at direkta niyang turan dito. Narinig niya ang marahas na pagbuntonghininga nito sa kabilang linya. “I’m in an important meeting, Briella. Don’t disturb me if you’re going to complain about Meryll! Huwag mong abusuhin ang pasensya ko!” Magsasalita pa sana siya ngunit nawala na ito sa kabilang linya. Sinubukan niya itong tawagan ulit ngunit nakapatay na ang phone nito. Galit siyang napabuga ng hangin, gusto niyang magmura sa sobrang inis na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ganoon na ba talaga sila itrato ng kanyang ama? Huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang kanyang sarili, kailangan niyang maging kalmado dahil ayaw niyang mag-alala pa ang kanyang ina kapag nakita nito ang masamang mood niya. Kailangan niyang ipakitang malakas siya para hindi ma-stress ang kanyang ina. Alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan ng kanyang ina at ang ikinakatakot niya ay baka kung mapaano ang dinadala nitong baby kung sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD