Kabanata 4: Rage

2322 Words
Nang mga sumunod na mga araw ay walang ginawa si Briella kundi ang pag-aralan ang iba’t ibang paraan para maging isang modelo. Nakasuporta naman ang kanyang ina sa kanya at binibigyan siya ng payo kapag may hindi siya maintindihan. Hindi niya pinansin ang ibang taong nakatira doon sa bahay nila, kahit na minsan ay parang sinasadya na ng mga itong sirain ang araw nilang mag-ina. Simula nang umuwi ang kanyang daddy galing sa meeting nito out of town ay biglang nagbago ang pakikitungo nilang mag-ina dito. Paminsan-minsan na rin kung magpaalam ang kanyang mommy at kung hindi dumadalaw sa doctor ay sa mga kaibigan nito, minsan naman ay sinasamahan siya nitong mamili ng mga CD-tapes at mga libro para sa papasukin niyang modelling. Nang malaman ng kanyang ama ang pinagkakaabalahan niya ay nagalit ito sa kanya at balak na sanang kunin ang mga pinamili niyang mga libro kung hindi niya ito pinigilan. “Leave me alone, Dad. This is what I want to do,” mariin niyang turan sa daddy niya. Nagdilim naman ang anyo nito at sinamaan siya ng tingin. “Kailan pa naging matigas ang ulo mo, Briella? Why don’t you just act like your sister, Megan? Did you already enroll?” “I’m not like her,” simpleng sagot niya. “Ano bang ginagawa ng Mommy mo at hinahayaan kang maging rebelde? Where is she? Umalis na naman?” Hindi siya sumagot at inayos ang mga librong balak sanang kunin ng kanyang ama. “Why do you care if she leaves home? Mas mabuti ngang wala siya parati dito para maiwasan niya ang ma-stress,” sagot niya ng pabalang. “Briella!” galit na singhal sa kanya ng daddy niya. Hindi siya nagpatinag at blangko lang na nakatingin dito. Hindi siya natatakot kung saktan man siya nito dahil manhid na siya sa harap-harapan nitong panloloko sa mommy niya. Simula nang dumating ito, ni minsan ay hindi man lang ito nagtanong kung anong nangyari sa mommy niya at kung bakit ito na-ospital. Wala siyang makitang kahit na anong reaksyon mula rito kaya naman mas pinili na muna nila ng mommy niya na hindi sabihin dito ang totoo. Nakabuo na silang dalawa ng plano, sa susunod na kontakin niya si Tita Nova ay sasama na sila rito at papalakihin nila ng mommy niya ang kapatid niya na malayo sa daddy niya. “Dad? Why are you shouting? May nangyari na naman ba?” napatingin siya sa pinto ng study room niya. Nakita niya ang mabilis na pagpasok nito at paglapit sa daddy niya at inalalayan ito. “Briella, what are you doing to Daddy?” nakasimangot na tanong nito sa kanya. Hindi siya sumagot at napatingin lang sa kanyang Daddy. “Leave me alone, Dad. This is what I want to do at kahit ano’ng gawin mo ay hindi mo na iyon mababali pa.” “You . . .” “Come on, Daddy. Let’s get out of here. Alam mong hindi ka puwedeng magalit masyado baka kung mapaano ka,” malambing na sabi ni Megan habang dahan-dahang inaalalayan ang kanilang ama palanas sa kanyang kuwarto. Hindi na muling nagsalita ang kanyang Daddy at nagpatangay kay Megan palabas ng kanyang kuwarto. Nang maiwan siyang mag-isa ay ini-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at nag-text sa mommy niya na tawagan siya kapag nakauwi na. Pabagsak niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Hindi niya akalain na pipigilan siya ng kanyang Daddy sa pangarap niyang maging isang sikat na modelo. Hindi ba dapat ay suportahan pa siya nito sa gusto niyang maabot na pangarap? Mapakla siyang napangiti nang maisip iyon. Malabo na sigurong mangyari iyon dahil masyado na itong lulong sa ipinapakitang kaplastikan ng mag-inang kabit nito. Marahas siyang nagbuntonghininga at ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng sapat na tulog at tanggalin ang stress sa sistema niya upang hindi maapektuhan ang mood niya kung sakaling tawagan siya ni Tita Nova upang sa ilang sample shots na gagawin niya bago ang nakatakdang opisyal niyang pagrampa. Ang hindi niya alam na sa pagpikit niya ng mga mata sa mga sandaling iyon ay may kalunos-lunos na mangyayari sa pamilya na lalo na sa kanyang ina’t hindi pa naisisilang na kapatid. **** Naalimpungatan si Briella nang marinig niya ang galit na galit at sumisigaw niyang ama sa labas ng kanyang silid, kaagad na tinambol ng malakas ang kanyang puso at ang unang tumakbo sa isip niya ay ang kanyang Mommy. Mabilis siyang bumaba sa kanyang kama at patakbong binuksan ang pinto ng kanyang silid. “How dare you!” Isang malakas na sampal ang nagpabulagta sa Mommy ni Briella at hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng kanyang Daddy. “Dad!” sigaw niya at mabilis na nilapitan ang nakahandusay niyang ina. Matinding pag-aalala ang bumadha sa mukha niya dahil sa pagbubuntis nito. “What are you doing?” galit na tanong niya sa Daddy niya. “Your mother has an affair with other man! Stay away from here, Briella!” galit na sabi ng kanyang ama at hahablutin sana siya nito ngunit mabilis siyang umiwas. “You’re disgusting! Hindi ko akalain na bibigyan mo ako ng malaking kahihiyan! Ano na lang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang may kinakalantari kang iba, and worst you’ve got yourself pregnant!” nanlilisik sa galit na turan ng kanyang Daddy. “This is your child, Damian. Ano’ng sinasabi mong—” “At sa tingin mo maniniwala ako sa’yo? Ha!” putol ng kanyang Daddy sa mommy niya. “You can’t fool me!” Gusto niyang matawa sa nakikitang galit ng kanyang ama at sa mga sinasabi nito. Kung husgahan nito ang kanyang ina ay parang napakalinis nito at walang ginagawang kalokohan. Nang malaman ng kanyang mommy ang panloloko nito at ang pagpapatira ng kabit nito sa bahay nila ay wala itong narinig na kahit na ano galing sa kanyang mommy. Hinayaan nila ang kagustuhan nitong pagsamahin sila sa iisang bubong kahit na alam nilang hindi tama iyon. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Hindi kita niloloko at kailanman ay hindi ko magagawa iyon sa’yo! Anak natin ang batang dinadala ko!” singhal ng kanyang mommy na hindi na napigilan pang lumandas ang mga luha sa magkabilang pisngi nito. “Huwag mo akong pinaglololoko!” galit na singhal ng kanyang daddy at lalapitan pa sana ang kanyang Mommy upang saktan ulit ngunit mabilis siyang pumagitna sa mga ito. “Kung paiiralin mo ang kakitiran ng utak mo, Daddy ay tiyak na kahit ano’ng paliwanag ang gawin ni Mommy ay hindi mo siya magagawang pakinggan. Will you just calm down, first? Pag-usapan natin ito ng maayos, alam kong nagsasabi si Mommy ng totoo at kung sinuman ang nagsabi sa’yo ng kalokohan na iyan ay hindi iyon totoo.” Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang dalawang babaeng nakangisi at tila nasisiyahan sa napapanood. Walang duda, kagagawan ng kabit ng Daddy niya ang kaguluhang nangyayari sa kanila ngayon. “Stay away from this, Briella. Huwag mo akong pangaralan sa bagay na matagal ko ng alam! Naiinggit ang Mommy mo dahil na kay Meryl ang buong atensyon ko at nang malaman niyang magkakaanak muli kami ni Meryll ay gumawa siya ng paraan para magkaroon ulit kami ng pangalawang anak ngunit alam kong hindi iyan sa akin!” galit na sabi ng kanyang Daddy. “How did you sure na hindi mo nga anak ang dinadala ni Mommy? Dahil sabi ng kabit mo?” maanghang niyang tanong dito. Tuluyan na siyang nawalan ng respeto sa ama niya sa mga narinig niyang sinabi nito. Pumayag silang dito tumira ang kabit nito ngunit labag iyon sa loob niya kung hindi lang dahil sa pakiusap sa kanya ng Mommy niya ay hindi talaga siya papayag. “What the hell did you say?!” madagundong na asik sa kanya ng kanyang Daddy. Uulitin niya sanang muli ang kanyang sinabi ngunit hindi na niya naituloy dahil bigla na lang siyang tumilapon sa isang tabi, narinig niya ang sigaw ng kanyang Mommy ngunit hindi na niya ito malinaw na nakikita. Nakaramdam siya ng malapot at malansang likido mula sa gilid ng kanyang ulo at ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang makita niyang tinatadyakan ng kanyang Daddy ang tiyan ng Mommy niya. Kahit nahihilo ay nilapitan niya ang Mommy niya, mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang nakangising kabit ng Daddy niya at ang panganay nitong anak na si Megan na parehong nakangisi at nakatingin lang sa kanila. Pinilit niyang lapitan ang mga ito, kinuha niya ang mamahaling vase na nasa tabi lang niya at walang habas iyon na binasag, saka lang tumigil ang kanyang daddy sa pananakit sa Mommy niya. “S-Sir, kailangan pong madala ni Ma’am Lebyth sa ospital!” namumutla at sindak na sabi ni Ate Noemi. Hindi na niya hinintay pa ang kanyang Daddy at sinabihan niya ang katulong nila na tawagin ang Driver nila at tulungang mabuhat ang kanyang mommy na nawalan ng malay at dinudugo. Pinigilan niyang mamalisbis ang mga luha niya kahit sa loob-loob niya ay gusto niyang sumabog at magwala. Kung puwede niya lang sanang murahin ang kanyang ama at isumbat dito ang lahat ng sama ng loob na naipon sa dibdib niya ay ginawa na niya. Pagdating nila sa ospital ay isang masamang balita pa ang gumimbal sa kanya pagkatapos na dalhin sa Emergency Room ang kanyang mommy. They lost the baby dahil sa labis na pagdurugo ng kanyang mommy. Tinatagan niya ang loob niya at sa murang kaisipan niya ay pinakalma niya ang sarili niya. Pinagsabihan sila ng Doktor na hayaan munang magpahinga ang kanyang Mommy at huwag munang kausapin kaya sinunod niya iyon. Hindi siya umalis sa tabi nito at nanatiling hawak lang ang kamay nito habang tahimik itong pinagmamasdan. Kinabukasan ay binisita sila ng Daddy niya ngunit nang makita ito ng mommy niya ay nagwala ang huli. “You fcking ashle! What are you doing here? Umalis ka dito! Ayokong makita ang pagmumuha mo! Pinatay mo ang anak ko—pinatay mo ang anak natin! Hayop ka!” “L-Lebyth, calm down, I—” “Gago ka ba? Paano akong kakalma? Pinatay mo ang anak ko! Pinatay niyo ng kabit mo! Umalis ka dito! Umalis ka!” “M-Mommy, calm down, baka makasama pa sa’yo ang pagsisi—” Hindi natapos ni Briella ang pagsasalita niya dahil humagulhol ng iyak ang kanyang ina habang minumura at isinusumpa ang kanyang Daddy. Kahit ano’ng pang-aalo niya ay parang hindi siya nito naririnig at nakikita. Mayamaya lang ay pumasok ang dalawang nurse at ang doktor na tumitingin sa Mommy niya. Nakita niyang tinurukan ang Mommy niya ng sedative at ilang saglit lang ay nakatulog na ito. Sabay-sabay silang lumabas ng silid at pagkatapos magbigay ng bilin ang doktor ay iniwanan na sila ng kanyang daddy doon. Umalis din si Ate Noemi para bilhan siya ng pagkain dahil simula pa kahapon ay wala pang laman ang sikmura niya. “Anak . . .” Malakas siyang napasinghal at hindi napigilang ipakita ang sarkasmo sa mga mata niya habang nakatingin dito. “Don’t call me that, I am not your daughter anymore,” walang emosyong saad niya. Napasinghap sa gulat ang kanyang Daddy, marahil ay hindi nito inaasahan ang sinabi niya. “Simula sa araw na ito, kalimutan mo nang pamilya mo kami. Hinding-hindi na kami babalik sa bahay na iyon at hindi mo kami mapipigilan,” matigas niyang saad dito. “Briella, nabigla lang ako sa nalaman ko. I got furious when I found out about—” “Heh,” singhal niya. “You got furious? Are you freaking serious, Dad? Sana bago ka nagalit kay Mommy ay tumingin ka muna sa salamin at tingnan mong maigi ang sarili mo. You are blinded by that woman at kahit ginagawa ka nang uto-uto ay binabalewala mo iyon.” Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng kanyang Daddy at ang matalim nitong pagtingin sa kanya ngunit hindi siya nagpasindak dito. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Briella. They are your family—” “They’re your family, not mine!” agaw niya sa sinasabi nito. Hindi na niya napigilan pa ang samu’t saring emosyon na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Maging ang mga luha na kahapon pa niya pinipigilan ay kumawala na. “Ang tanging pamilya lang na meron ako ay ang mommy ko at ang kapatid kong hindi pa man isinisilang ay pinatay mo! Tama si Mommy, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko!” Isang nakabibinging sampal ang naramdaman ni Briella sa kaliwang pisngi niya. Napahawak siya doon at tiniis ang sakit na dulot niyon. Nanginginig ang mga buong katawan niya sa sobrang galit at kuyom ang kamaong muling tumingin sa kanyang ama na tila naging estranghero na sa harap niya. Hindi na niya makita ang malambing niyang ama sa katauhan ng kaharap na lalaki. “I’m sorry, anak, pero hindi na tama ang sinasabi mo. Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasasabi ng mommy mo para lumaki kang ganyan. Can’t you see? Pilit kong inaayos ang pamilya natin ngunit kayong dalawa ang lumalayo.” “Umalis ka na habang may natitira pa akong respeto sa inyo, Dad,” walang emosyong sabi niya rito. “Inuulit ko, simula sa araw na ito ay hindi na kami babalik pa sa bahay na iyon. Wala akong pakialam kung ano’ng gawin mo sa mga gamit namin ni Mommy sa bahay na iyon. Mas gugustuhin ko pang mamulubi at maghirap kaysa bumalik pa sa bahay na iyon.” “Briella . . .” “Umalis ka na at wag ka nang babalik pa dito! Sa oras na makita pa kita dito ay tatawag na ako ng pulis at sasabihin ko ang lahat ng kalokohan mo at ng kabit mo!” pagbabanta niya rito. Natigilan ang kanyang ama at may balak pa sanang magslita ngunit tinalikuran na niya ito at pumasok sa kuwarto ng kanyang mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD