Nakanguso kong in-scroll ang socia media account ng Southville. Hindi ko alam pero tila ba may nag-uudyok sa akin na gawin ito. Ngayon ang pangalawang linggo ko rito sa Barcelona. Hindi pa kami nagkikita ni Pablo pero I'm sure na pupunta siya rito mamaya pag-alis ng mga magulang ko para sa trabaho.
"Kayo na muna ang bahala rito, Lucho," bilin pa ni Mommy bago lumingon sa aming dalawa ng kapatid kong tukmol. "Binilin ko na kay Yaya Beth lahat ng kakailanganin niyo for one week. Ayaw namin sana kayong iwanan pero... importante kasi itong meeting na 'to sa Cuba. Wag kayong mag-alala, dadalhan na lang namin kayo ng daddy niyo ng pasalubong."
I hate her kapag ginagawa ni Mommy yan. Hindi na kami mga bata para bigyan pa ng pasalubong sa tuwing aalis sila pero... ewan ko ba. Nakasanayan na lang din nila siguro. When I was a kid, ganito rin ang trabaho nila. I should be thankful though.
"I want Mariquitas," bilin ni Lucho na tinanguan naman ni Mommy.
"Ikaw, Empress? May gusto ka ba?" baling niya naman sa akin na inilingan ko na lang. "Are you sure?"
"Hindi na kailangan, Ma," sagot ko.
Naging maganda naman ang takbo ng buhay ko rito sa Barcelona. Mas lalo lang naging boring nang umalis papunta ng Cuba ang parents naming dalawa ni Kuya Lucho. Busy si Kuya Lienzo sa pagpapatakbo ng business namin kaya naman wala tuloy akong makakwentuhan ngayon. Nakakabagot namang kausapin si Kuya Lucho dahil sa tuwing magtatanong ako sa kanya, puro oo at ewan lang ang isasagot niya.
"Pupunta nga pala si Pablo rito mamaya, Kuya," paalam ko sa kanya.
Tila ba ngayon ko lang yata nakuha ang atensyon niya. Kanina pa kasi nakababad ang atensyon niya sa panonood ng mga clips sa laptop kaya naman hindi ko siya makausap magmula pa kanina. Nang sinabi ko ang tungkol sa pagpunta ni Pablo, halos mangunot pa ang noo ko nang tuluyan niya nang sinarado ang laptop na nasa harap niya.
"Umalis lang sila Mama, magdadala ka na naman ng bisita rito—"
"Si Pablo lang naman ang pupunta, Kuya," pasinghal kong sagot sa kanya bago humalukipkip at umupo sa sofang nasa gilid ko. "Para namang bago si Pablo sa 'yo."
"Even so," sagot ni Kuya Lucho na inirapan ko na lang. "Wala pa rin akong tiwala dyan sa kaibigan mo. Baka nga nagpapanggap lang na bakla yan para mapormahan ka."
"Jusko, Kuya."
"Hindi niyo ako maloloko, Faye," muli pa nitong sambit na ikinaikot na lang ng mga mata ko. "Alam ko na lahat ng pasikot-sikot ng mga yan. Magpapanggap at kapag nahulog na yung babae, tsaka sila maglaladlad."
"Paano mo nalaman? Pinormahan ka na ba ng bakla?" galit kong tanong sa kanya na ikinangiwi nito. "And paano kung lalaki nga siya at nagpapanggap lang siyang bakla? Does it make sense? We're friends. Kung umamin man siya sa akin, then fine, hindi ko siya lalayuan. Kung talagang bakla nga siya, then that's also fine. Hindi naman magbabago ang pagkakaibigan namin kahit na iba ang kasarian niya. Lalaki man siya o may pusong babae, kaibigan ko pa rin siya. Walang magbabago doon, Kuya."
"Okay lang sa 'yo pero sa akin at kay Kuya, hindi pwede," sagot niya sa akin. "Babae ka, Faye. Dapat lang talaga na mag-ingat ka. Iba na ang panahon ngayon..."
Naniningkit ang mga mata ko siyang binalingan ng tingin. "Kailan ka pa nagkaroon ng say sa mga desisyon ko sa buhay, Kuya? Kakaibiganin ko kung sinong gusto kong kaibiganin. Wala ka ng pakialam doon."
"Faye..."
Agad siyang naputol sa pagsasalita nang mag-ring ang doorbell mula sa labas ng gate. Kunot noo akong lumingon kay Kuya Lucho upang bigyan siya ng isang matalim na titig dahilan upang bahagya pang umangat ang kilay niya.
"Binabalaan kita..." mahina kong sambit sa kanya dahilan upang bahagya pang umangat ang labi niya para sa isang mapaglarong ngiti. "One wrong move against him, hindi ako magdadalawang isip na itakwil ka bilang kuya ko."
Bahagya siyang napahagikgik ng dahil sa banta ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang suminghal at lumabas na ng bahay upang salubungin si Pablo mula sa gate.
May dala siyang boquet ng prutas at mga chocolates na ikinalawak ng ngiti ko. Mas lalo lamang lumawak ang ngiti ko nang magkrus ang mata naming dalawa.
"Nice to see you again, Empress Faye," bati niya nang binuksan ko ang gate. Mabilis niya akong hinila patungo sa kanya upang gawaran ng isang mahigpit na yakap na ikinalawak ng ngiti ko. "Kumusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita, ah?"
"Yeah, mga one year and a half siguro," tango ko sa kanya bago sinarado ang gate. "Buti nakabisita ka ngayon?"
Ngumiti siya sa akin na mas lalong ikinadepina ng dimple sa gilid ng labi niya.
"Yeah. Kahapon sana ako bibista rito ang kaso ay may klase ako. Nandyan pa ba sila tita?" tanong niya na inilingan ko na lang. "Sayang. May proposal sana ako sa kanya. Alam ko namang fan siya ng coach, eh. Actually, binigyan ko siya ng gift last year with her name written on it. Bibilhan din sana kita, ang kaso, nasa Pilipinas ka nga pala."
"May kailangan lang asikasuhin sa Pilipinas kaya... ayun."
"Yeah, nakarating din nga pala sa akin ang chismis. Your mom told me na dito ka na raw ulit mag-aaral?" aniya na marahan kong tinanguan.
Hinila ko siya patungo sa couch at doon kami umupo. Mula sa malayo, kitang kita ko ang pagbaling ng tingin ni Kuya Lucho sa direksyon namin na pasikreto ko na lang na inismiran.
Palagi niyang ginagawa yan! Sa tuwing bibisita rito si Pablo, palagi na lang siyang nagtatago sa dilim habang nakatitig sa akin. Para siyang unggoy na naghihintay ng mabibiktima niya. May minsan na ring umamin sa akin si Pablo na naaasiwa na raw siya sa mga titig ni Kuya Lucho. Hindi ko rin naman siya magawang sawayin dahil medyo makulit din siya. Kahit na awayin at bantaan mo ng isang beses, uulit at uulit pa rin.
"And why is that?"
Sandali pa muna akong bumuntong hininga at sumandal sa couch. "Feel ko, hindi para sa akin ang paninirahan sa Pilipinas."
"Pfft."
Agad na nanlisik ang mga mata ko nang bumaling ako kay Kuya Lucho. Naroon na siya ngayon sa kusina habang nagsasalin ng tubig sa baso. May ngiting naglalaro sa labi niya kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng inis.
"Hindi para sa 'yo, o baka naman may masama kang experience doon?" natatawang tanong ni Pablo dahilan upang kunot noo akong lumingon sa kanya. "Hindi naman sa dyina-judge kita, huh, pero kasi... kilala ko ang ugali mo Empress Faye."
"Wala akong masamang experience doon, Pablo. Wala akong nakaaway. Sadyang hindi ko lang talaga gusto ang atmopshere doon."
"But you told me last month na ayaw mo nang bumalik dito," sabat ni Kuya Lucho sa usapan naming dalawa ng kaibigan ko. Ng kaibigan ko.
Oo, sinabi ko iyon. Wala naman sigurong masama kung biglaan na lang na nagbago ang isip ko, hindi ba? Hindi ba uso sa lalaking ito ang magbago ang isip?
"Oo, sinabi ko iyon. Masama bang magbago ng isip?" sagot ko sa sinabi niya dahilan upang nangingiti siyang nagkibit ng balikat na mas lalo kong ikinainsulto. "At saka bakit ba kasi nandito ka? Ang sabi mo kanina may lakad ka, ah?"
"Mamaya pang gabi ang lakad ko. Wag kang excited, Empress," sagot niya na ikinasinghal ko na lang. "And do you think iiwanan kita nang mag-isa dito nang wala kang kasama?"
"I'm here naman, Kuya," sagot sa kanya ni Pablo na pasikreto niyang inismiran. "You can count on me naman."
"No. I can't..."
Agad na naputol ang sasabihin sana ni Kuya Lucho nang padabog akong tumayo mula sa upuan ko at bumunot ng barya sa blusang suot ko. Mabilis na nangunot ang noo niya nang hinila ko ang kamay niya at padiin itong nilagay sa palad niya.
"Anong gagawin ko rito?"
"Kuhanin mo tapos bumili ka ng kausap mo," sagot ko sa kanya bago hinila ang kamay ni Pablo at dinala siya patungo sa pool side.
"Talagang hate na hate mo yang brother mo, ano?" natatawang tanong ni Pablo bago siya umupo sa sun lounger.
Humiga ako sa sun lounger na nasa tabi ng kinauupuan niya. Bakas sa mukha ko ang inis kaya naman hindi na nagtaka si Pablo nang makita niya ang pagkakakunot ng noo ko.
Pablo is my best friend. Kilala na namin ang isa't isa nung una pa lang. Hindi ko alam kung paano kaming naging close sa isa't isa. Tulad ko, dito na rin siya lumaki sa Spain. Dati silang nakatira sa Valencia pero nang magkaroon ang parents niya ng opportunity na makapagtrabaho rito sa Barcelona, hindi na sila nagdalawang isip pa na lumipat dito simula nung tumuntong siya sa preschool. He's friendly, unlike me. Smart and medyo may pagka-bossy, tulad ko. Matangkad siya ng ilang dangkal sa akin. Sa unang tingin ay hindi mo talaga iisiping bakla siya pero kapag nakasama mo na siya nang matagal, tsaka mo lang makikita ang kaibahan niya sa ibang lalaki. Filipino siya at siya lang ang kaisa-isang tao na nakakausap ko ng tagalog dito maliban sa family ko, so somehow, I feel comfortable when I'm with him.
Mas kumportable nga ako kay Pablo kaysa kay Kuya Lucho. But then, even though I hate him, I could still feel his love for me as his sister, so somehow, I'm still thankful because he is my brother. Kuya Lienzo and Kuya Lucho are my brothers.
Very close ang mommy ko kay Pablo at sa parents nila. Kung hindi nga lang gay si Pablo, baka nga nagdesisyon na si mommy na ipagkasundo ako sa anak ng kaibigan niya. Mabait naman si Pablo. Very caring at mararamdaman mo talaga na mabuti siyang tao sa way pa lang ng pakikipag-usap niya. He's such a gentleman. Actually, hindi naman siya mahirap mahalin—yun ay kung hindi siya gay. Alam na ng parents niya ang kasarian ng unico hijo nila at hindi rin naman naging big deal para sa parents niya ang kasarian ng unico hijo nila.
Naniniwala kasi sila na magbabago pa rin ang pananaw ni Pablo sa hinaharap, yun ay kung magbabago pa.
"He is such an asshole," sagot ko sa kanya na nginiwian niya. "Palagi ka niyang minamanmanan."
"Huh?"
Tumango ako sa kanya nang lumingon siya sa akin. "Hindi raw kasi siya naniniwala na gay ka. Ang akala niya may gusto ka sa akin. Na pinepeke mo lang daw ang pagiging bading mo para mapalapit ka sa akin."
"We're best friends, so normal lang talaga na lumapit ako sa 'yo, Empress."
"Yun nga ang sinasabi ko sa kanya," sagot ko sa kanya.
"At isa pa," hirit niya pa bago mapaglarong lumingon sa akin. "Alam niya na ba na siya talaga ang sinasadya ko rito aside sa 'yo?" biro niya pa bago kami magkasabay na natawa ni Pablo.
Agad na lumipat ang usapan namin sa ibang bagay. Marami siyang tinanong sa akin tungkol sa mga pagbabago sa Pilipinas. Kung okay raw ba ang klima doon. Kung ganoon pa rin ba ang itsura nito noon. Actually, every year, umuuwi sila ng parents niya sa Pilipinas lalo na't may business din sila roon. Hindi ko nga lang alam kung bakit huminto na siya sa pagbisita sa Pilipinas simula nung nag-senior high kami.
"Nasabi mo na sa akin dati na nag-aral ka sa Pilipinas kaya hindi ka makauwi," saad niya dahilan upang bahagya akong napanguso. "Kumusta? Maganda bang mag-aral doon?"
"Okay naman. Medyo... wala lang akong nakasundo nung first day ko pero eventually, naging okay naman ang stay ko roon," sagot ko sa kanya bago ngumiti.
Magtatanong pa sana si Pablo pero agad siyang natigil sa pagsasalita nang marinig namin ang pagbagsak ng kung sino sa swimming pool. Agad na nangunot ang noo ko nang muli ko na namang nakita si Kuya Lucho roon. Hindi tulad kanina, wala na itong ibang suot kung hindi ang kulay itim nitong boxer shorts. Agad na nagliwanag ang mukha ni Pablo dahilan upang muli na naman akong nakaramdam ng dismaya.
Alam niya na ngang may bisita ako tapos magsusuot siya ng ganyan? Nag-iisip ba siya?
Totoo. Sanay na kami ng parents namin at ni Kuya Lienzo na nakikita siyang gumagala sa loob ng bahay na walang ibang suot kung hindi ang boxer shorts lang. Sanay na kami roon lalo na kung kami-kami lang ang nasa bahay. May bisita ako, okay? Ano ba itong pumapasok sa maliit na kokote ng kapatid ko?
"Ano ba, Kuya?" sigaw ko sa kanya mula sa gilid ng pool.
Umahon siya sa tubig at nangingiting lumangoy patungo sa direksyon namin.
"Alam mo ng may bisita ako, hindi ba? Bakit ba nambubwisit ka?"
"Masama bang maligo sa pool?" natatawa niyang tanong. "Why? Kinakahiya mo ba ang kuya mo?"
Agad na naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang dibdib niya. Wala namang nakakahiya sa katawan ng kuya ko. Maganda ang katawan niya sa totoo lang. Lahat ng muscles na nasa dibdib niya, nasa tamang pwesto lang.
Wala namang nakakahiya. Ang kaso, nahihiya ako para sa kanya dahil nandito si Pablo!
"Umahon ka dyan kung ayaw mong sabuyan ko ng gasolina yang tubig," banta ko pa sa kanya na ikinatawa niya.
Mabilis kong binato sa mukha niya ang towel na nadampot ko bago ko muling hinila si Pablo palayo sa lugar na iyon. Hindi roon natapos ang pagbisita sa akin ni Pablo. Sa tuwing may sapat siyang oras, palagi siyang nariyan upang makipagkwentuhan sa akin. Minsan ay hindi na nga namin namamalayan ang oras dahil sa tuwing bumibisita siya rito sa bahay, inaabot na siya ng gabi.
"Eh, kung dito ka na lang kaya matulog, hijo?" natutuwang saad ni Mommy dahil maging siya ay ayaw pakawalan ang best friend ko.
"Gusto ko yan, Tita."
"Sa ngayon, may mga package kasi na nakatambak sa master's bedroom. Ginagamit naman ni Yaya Beth yung kwarto sa guest room kaya... okay lang ba sa 'yong makikwarto muna kay Empress?"
"What?" singhal agad ni Kuya Lucho dahilan upang mapalingon kami sa kanya. "I mean... no. Babae si Empress, Ma. Hindi dapat sila pinagsasama sa iisang kwarto."
"Tama po si Kuya, Tita," sagot ulit ni Pablo na animong nahihiya na sa paulit-ulit na pagsabat ni Kuya sa usapan naming tatlo. "Hindi po talaga magandang tingnan kung makikitulog ako sa kwarto ni Empress lalo na't... lalaki ako."
"Jusko, hijo. Wala namang malisya 'yon," sagot ni Mommy na animong nadismaya sa sinabi nito.
"Tama. Masyado lang talagang malisyoso si Kuya," sabat ko sabay irap sa ngayon ay ngingisi-ngisi kong kuya.
"Kakanood niya ng love stories yan," komento naman ni Kuya Lienzo na animong nangingiti pa sa sinabi niya.
"What love stories" tanong ni Mommy.
Agad na namula ang kabuuan ng mukha ni Pablo nang dahil sa mga narinig. Si Kuya Lucho naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang mangunot ang noo nang dahil sa mga narinig. Hindi niya siguro inaasahan na ilalaglag siya ni Kuya Lienzo.
Is that so? Ibig bang sabihin no'n...
"Stories about love," si Kuya Lienzo ang sumagot sa tanong niya. "A story whose central interest is a love relationship."
Nang dahil sa narinig mabilis na nagtakip ng mukha si Pablo. Si Kuya Lucho naman ay animong namumula na sa galit. Hindi ko alam kung matatawa na lang ba talaga ako or... ewan ko.
"Sinong nagsabi niyan? Hindi ako nanonood ng mga ganoon!" galit na sambit ni Kuya Lucho bago lumingon kay Mommy upang magpaliwanag. "They were just bluffing. Ni hindi ko nga alam ang meaning no'n, Ma! Binubwisit lang nila ako!"
"Come on, Lucho. Just calm down," pagpapakalma sa kanya ni Mommy. "If ayaw mong patulugin si Pablo sa kwarto ni Empress, then sa kwarto mo na lang muna..."
"Heck, no," singhal niya bago tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa. Binato niya rin ang unan sa mukha ni Kuya Lienzo kaya naman tatawa tawa niya itong tinanggal. "Sa kwarto na lang ni Kuya kung gusto niya. Never nga akong nagdala ng babae dito sa bahay para patulugin sa kwarto ko, pagkatapos ay..." aniya bago lumingon sa aming dalawa ni Pablo at umismid. "Matutulog na ako. Bahala kayo dyan," dagdag niya pa.
Pinanood lang namin siyang maglakad paakyat sa hagdan hanggang sa marinig namin ang pagsarado ng pinto ng kwarto niya.
"Anong problema niya?" tanong ni Mommy bago lumingon sa aming dalawa ni Pablo. "Siguro may ginawa na naman kayong dalawa, ano?"
"No, Ma," banat ni Kuya Lienzo dahilan upang lumingon kami sa kanya. "Lucho always bully him. Hayaan niyo na. Para naman kahit na papaano, maghinay hinay na siya niyan sa pambubuyo kay Pablo."
Hindi nagtagal ay nauwi ang usapan kay Kuya Lienzo at sa girlfriend nitong si Chessa. Mommy told us na si Chessa raw ay iyong panganay na anak ni Tita Brenda sa Pilipinas. Hindi ko na nga natatandaan ang pangalan at mukha no'n pero nang binanggit sa akin ni Mommy si Tita Brenda doon lang nagsink in sa alaala ko lahat.
Hindi ba't iyon yung kapatid ng lalaking sinuntok ko dati? I wonder kung nasaan na siya ngayon. Kung buhay pa nga ba talaga siya or baka kinuha na siya ni Lord.
"Chester is doing well sa academics," sagot ni Kuya Lienzo nang hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya. "Bakit? Interesado ka ba sa kanya? May pictures niya ako rito kasama ni Chessa. Gusto mo bang makita?"
Marahan niyang binunot ang wallet sa bulsa niya na agad kong ikinanguso. Mabilis din siyang nahinto sa pagkuha ng wallet niya nang pinigilan ko siya.
"No need Kuya. Hindi naman ako interesado sa kanya," sagot ko na lang bago siya tuluyang tinalikuran.
Sino bang magiging interesado sa gagong bata na iyon? At least, he's alive. Marinig ko lang na buhay siya, sapat na sa akin iyon—wait. Ano ba itong mga naiisip ko?
Buhay man siya o hindi, he's doing well or not—wala na akong pakialam!
Sino ba siya? Chester? Kung pang-aso nga ang pangalan ko tulad ng sinabi sa akin ng kakambal mo noon, e 'di fine!
At least, pang-pornstar naman yang sa 'yo.