CHAPTER FOURTEEN

3408 Words
Ang sabi nila duwag lang daw ang umaatras. Katawa-tawa raw ang mga taong umaatras. Masama bang umatras? Magtago? Masama bang... magising sa katotohanan? Never kong inasahan na magagawa sa akin ito ni Travis. Oo, may ideya na ang lahat ng kaklase ko sa kung gaano nga ba akong kabaliw sa kanya. Alam na nila kung gaanong kong kinahuhumalingan si Travis. "Baliw yan si Enpress," rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan namin. Tumango ang kausap nito sa kanya. "Ang gandang babae pero nagpapaka baliw sa isang lalaki," dagdag pa nito bago sila nagtawanan. Tila ba hindi lang ako ang nakarinig sa mga sinabi nila dahil nang sandaling tumigil si Nathalie sa paglalakad at agad na umatras upang lapitan ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina, paniguradong hindi nakatakas sa pandinig niya lahat ng sinabi nito. "Anong sinabi niyo?" gigil niyang tanong. Naglapat ang labi ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Bahagya ring rumiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya naman natitiyak kong galit na siya ngayon. Hindi ko inaasahan na mauuwi ang lahat sa ganito. Lahat ng efforts ko para sa kanya, hindi ko inaasahan na ganito ang isusukli niya sa akin. Hayop ka, Travis. I f*****g hate you for humiliating me. "W-Wala naman kaming sinabing iba..." "Gago ka ba? Anong tingin mo sa akin? Bingi?" singhal ni Nathalie sa kanila bago naglakad patungo sa direksyon nila. Kitang kita ko kung paanong nanliit ang dalawang babae lalo na nang siniksik sila ni Nathalie sa gilid. Medyo matangkad si Nathalie kaya naman hindi na naging mahirap para sa kanya ang titigan nang matalim ang dalawang nakatayo roon. "One more foul word against her, gugupitin ko ng gunting yang mga dila niyo. Naiintindihan niyo ba?" tanong niya dahilan upang mabilis na mapatango ang dalawa na ngayon ay tila ba nanginginig nang dahil sa takot sa banta niya. "I will make sure na pagsisisihan niyong binanggit ang pangalan ng kaibigan ko sa naririnig ko." "Nathalie, tama na yan," saad ni Lucas nang makarating siya sa direksyon namin. Tila ba wala pa sa loob ni Nathalie ang pakawalan ang dalawa pero nang sandaling makarating si Lucas sa direksyon namin, wala ng nagawa pa ang dalawa kung hindi ang tumakbo palayo sa direksyon namin. "Hindi mo sila kailangang bantaan, Nathalie." Galit na lumingon si Nathalie sa kanya bago dumuro sa direksyon ko. "Ininsulto nila yung kaibigan ko. Tingin mo ba mapapalagpas ko sila? Don't tell me, type mo yung isa sa mga iyon?" "What?" natatawang singhal ni Lucas. "What I'm saying is hindi mo kailangang manakit ng estudyante—" "Hindi ko sila sinaktan, Lucas! Binantaan ko lang sila!" "Even so," sagot na lang ni Lucas na inismiran niya. "Mas lalo mo lang pinapahamak si Empress dyan sa mga ginagawa mo." Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko. Bahagyang nag-iinit ang mukha ko, hindi dahil sa sikat ng araw ng umagang iyon kung hindi dahil sa kahihiyang inabot ko. Hindi lang ang mga kaklase ko ang nakakita sa ginawa ni Travis dahil buong school... buong campus ang nakasaksi sa kung anong ginawa niya. Tama nga siguro sila. Baka nga nahihibang na lang ako. "Stop crying, Empress. Ginusto mo yan," singhal ni Nathalie bago niya inabot sa akin ang tissue paper na binili niya kanina. Walang gaanong estudyante rito ngayon sa library. Halos lahat din ng mga kaklase namin ay naroroon sa gymnasium. Hindi pa tapos ang game nila Travis kaya naman natitiyak kong kahit na maghapon kaming magmukmok dito sa loob, hinding hindi niya na ulit kami mahahanap. Tama. Sino ba namang magsasayang ng oras para lang hanapin ang babaeng namahiya sa kanya kanina, hindi ba? Tanga na lang siya kung gagawin niya yon. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na tigilan mo ang paghahabol sa mokong na iyon. Ilang beses na kitang binigyan ng suggestion, but anong ginawa mo? Nagpatuloy ka pa rin," patuloy niya pa sa pangangaral na mas lalo lang ikinatulo ng mga luha ko. "Hindi naman siya gwapo. Hindi mo deserve ng ganoong klase ng tao. Sino ba siya para habulin? Makapal lang ang mukha niya pero hindi siya gwapo. Ang ganda-ganda mo tapos ganoong klase lang ng mga lalaki ang hahabulin mo, Empress? Hibang ka ngang talaga." Sinungaling si Nathalie. Alam kong sinasabi niya lang ang lahat ng ito dahil natitiyak kong malaki lang ang galit niya kay Travis. Hindi niya hahabulin si Travis dati kung hindi siya gwapo. Hindi rin siya magsasayang ng oras sa lalaking iyon kung pangit siya tulad ng sinasabi niya ngayon. Sinasabi niya lang ang lahat ng ito dahil gusto niyang mabawasan ang pagiging emosyonal ko. "Tapos na ang game," mahinang saad ni Lucas bago siya humila ng upuan patungo sa mesa namin at doon naupo. "Talo raw ang game nila Travis ngayong hapon." "Dapat lang. Deserve niya yon," singhal ni Nathalie sa kanya bago ito muling nag-abot ng tissue sa akin na tinanggap ko naman. "Ano? Okay ka na ba? Magandang balita na yung dumating sa 'yo, oh? Hindi ka pa ba titigil sa kaiiyak?" "Stop being so sarcastic, Nathalie. Parang hindi ka dumaan sa stage na yan, ah?" singhal ni Lucas dahilan upang umismid si Nathalie sa kanya. "Hindi talaga dahil hindi niya ako pinahiya publicly," saad nito. Ramdam ko ang pagnguso ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Oo. Aaminin kong naghabol ako sa kanya before, but then, hindi naman umabot sa puntong gumawa ako ng mga ganoong klase ng stunts para sa kanya. Baliw lang talaga si Empress kaya ganoon." "Hindi ko naman alam na mauuwi sa ganoon lahat ng ginawa kong effort para sa kanha," sagot ko sa kanilang dalawa, matigil lang ang umiinit nilang diskusyon sa harap ko. "Alam kong may pagkakamali ako..." "Buti alam mo," sabat na bulong ni Nathalie bago umismid sa akin na mas lalo kong ikinanguso. "Kaya... sa tingin ko... titigil na ako," dagdag ko pa dahilan upang mapatitig silang dalawa sa akin. Ito na ang tamang panahon para maglie-low ako sa ginawa ko. What I did was wrong and I admit na may kasalanan din ako. Siguro, tama nga si Nathalie. Ito na ang tamang pagkakataon para tumigil ako sa mga kahibangan ko sa kanya. Tama lang ang desisyon ko na tumakas sa kahihiyang ginawa ko. Para na rin siguro isalba ang natitirang dignidad na naubos nang dahil lang sa kanya. "Titigil sa paghahabol, hindi sa pag-aaral!" sigaw ni Nathalie sa kabilang linya. Agad kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbulyaw niya sa kabilang linya. Ngayon ang pangalawang linggo kong pagliban sa klase. Alam kong nahihiwagaan na rin ang mga kaklase namin nang dahil sa ginagawa ko. Baka nga iniisip na nila na napaka babaw ko para lang sirain ang pag-aaral ko nang dahil lang kay Travis. Kung para sa kanila, wala lang iyon... para sa akin, malaking bagay na iyon. Baka nga ginagawa na nila akong katatawanan nang dahil sa ginawa ko. Alam ko na kahit hindi sabihin sa akin ng mga kaibigan ko, alam kong kumalat ang tungkol sa nangyari sa pagitan naming dalawa ni Travis ng araw na iyon. Kilala si Travis bilang isa sa mga pinagyayabang na varsity player ng campus namin at nang dahil doon, nakilala siya sa buong campus. "Nasaan ka ba, Empress?" muli niyang sigaw sa kabilang linya na animong naiimbyerna na sa ginagawa ko. "May dalawang linggo ka ng absent sa klase! Hinahanap ka na rin ng mga lecturer natin! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Galit ang mababakas ko sa boses ni Nathalie habang patuloy siya sa pagsigaw sa akin sa kabilang linya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang yumuko sa kinauupuan ko. It's a good thing na wala si Kuya Lucho rito. Baka pag nakita niya akong umiiyak na naman, paniguradong kukwestyunin niya na ako. Naging mahirap para sa akin ang bumangon sa umaga. Punong puno ang isip ko ng mga what ifs tungkol sa nangyari ng araw na iyon. Like... What if hindi ko ginawa ang bagay na iyon? Magbabago na ba ang isip niya tungkol sa akin? Paano kung sinuportahan ko na lang siya nang palihim? Wala namang masama kung magmahal nang tahimik, hindi ba? What if naging normal na lang ako? Normal lang naman ang magmahal, hindi ba? Paano kung minahal ko na lang siya sa malayo? Magiging ganito pa rin ba ang kalalabasan ng lahat kung hindi ko na pinairal ang mga kagaguhan ko sa buhay? Marami akong what ifs na nabubuo sa isip ko ngayon. What if nung una pa lang, pumayag na ako sa kagustuhan ng parents ko na bumalik ako sa Barcelona? May ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nung kinausap nila ako ng tungkol sa bagay na iyon. Magugulat ba sila sa sandaling sabihin ko sa kanila na nagbago ang isip ko? Kukuwestyunin ba nila ako sa kung anong problema ko kapag nalaman nilang gusto ko nang bumalik sa Barcelona? Hindi ba't kwestyunable naman talaga ang biglaan kong pag-uwi? Knowing Kuya Lucho, baka nga mag-imbestiga pa iyon kapag nalaman niyang nagbago ang isip ko. Alam kong hindi niya ako titigilan kapag nagkataong nalaman niya kung ano ang mga kabulastuhang ginawa ko sa campus. Baka nga buyuin niya pa ako kapag nagkataon. "Where the hell are you, Empress?" sigaw ni Nathalie. "Huwah mong hintaying mapuno ako sa 'yo..." banta niya pa dahilan upang pasikreto na lang akong umismid. Kaibigan ko si Nathalie kahit na naging impyerno ang dinanas ko nang pumasok siya sa buhay ko noon. Hindi ko rin lubos maisip na pwede pa lang maging kaibigan ang dating karibal mo lang sa isang lalaki. "I just want to take a break, Nathalie..." "Break your face!" aniya sa kabilang linya dahilan upang bahagya pa akong napasandal sa sofa habang nakikinig sa mga rants niya sa kabilang linya. "Wag mong sabihing nagpapa apekto ka sa ginawa sa 'yo ni Travis? Jusko, Empress, hindi ka ganyan!" Hindi ako sumagot sa mga akusasyon niya kaya naman hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang sarkastiko niyang tawa sa kabilang linya. Nahihiya ako sa nangyari. Simula nang nangyari ang kahihiyang iyon, hindi na ako naglakas ng loob na magpakita pa sa kanila, lalong lalo na sa kanya. Of course, Empress. Sana magsilbing aral na 'to sa sarili mo. Na hindi lahat ng taong nakapaligid sa 'yo, mamahalin ka tulad ng ginagawang pagmamahal sa 'yo ng pamilya mo. Nakakatawa lang isipin na pwede pa lang mangyari ang ganitong klase ng sitwasyon sa akin. Empress ang pangalan ko. Reyna kung ituring ako ng pamilya ko. Prinsesa kung pakisamahan ako ng mga kaibigan ko, pero... hindi ko inaasahan na langaw lang ako para sa isang tulad niya. Tama naman, hindi ba? Langaw lang kung ituring ako ni Travis. Simula't sapul, nararamdaman ko na iyon, pero sa halip na bigyan ko ng respeto ang sarili ko, nagawa ko pa ring bumuntot sa kanya kahit na paulit-ulit lang siya sa panunulak sa akin palayo. Nakakatawa lang. Naaawa ako para sa sarili ko. Ngayon lang ako naawa para sa sarili ko dahil... ngayon lang ako nagising sa bangungot na ito. "Jusko, Empress. Hindi ka ganyan! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo!" singhal niya sa kabilang linya na muli kong ikinapikit. Nakakarindi, sa totoo lang. "Lucas was looking for you. Ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin! Wala kang address sa registrar kaya kahit na ipabaril kita sa mga gunman na kilala ko, hindi ko magawa!" dagdag niya pa. "Empress, bumalik ka na! Dalawang linggo na ang nakalilipas! Hindi ka na rin pinag-uusapan ng mga estudyante rito. Binantaan ko na rin ang mga kaklase natin at kung iyon ang ikinakatakot mo kaya ayaw mong bumalik, pwes wala ka ng dapat na ikatakot dahil pinagsabihan ko na sila. Hinahanap ka na rin ni Travis sa amin—" "What?" gulat kong tanong bago napatayo sa kinauupuan ko. Ni hindi ko na namalayan na masyado akong nag-react sa narinig ko mula sa kanya. "Gago siya, Empress," singhal niya sa kabilang linya na bahagya pang ikinabagsak ng mga balikat ko. "Kahit na anong mangyari, hinding hindi siya makakahanap ng impormasyon mula sa akin. Kahit na paulit-ulit pa siyang magtanong at manggulo sa akin, hinding hindi siya makakahanap ng impormasyon galing sa akin!" saad niya na animong pinal na ang desisyon niya. "Hinahanap niya ako?" muli kong tanong na ikinasinghap niya sa kabilang linya. "Hinahanap niya ako, Nathalie?" "Bumalik ka dito nang malaman mo!" sagot niya sa kabilang linya dahilan upang muli akong umismid at napaupo sa sofa. "Syempre, dahil marupok ka, babalik ka rito. Kindatan ka lang niya, makakalimutan mo na lahat ng ginawa niyang pagpapahiya sa 'yo. Syempre mapapatawad mo siya dahil marupok ka!" Marami pa siyang isinumbat sa akin sa loob ng ilang minuto kong pakikipag-usap sa kanya. Bandang huli ay siya na rin ang kusang sumuko at hinayaan na lang ako sa magiging desisyon ko. "Babalik na ako sa Barcelona," saad ko. May ilang araw na ang nakalilipas simula nung huli kaming mag-usap. Tama si Nathalie. Masyado akong marupok para maniwala sa mga sinabi niya. Si Travis, hahanapin ako? Imposible iyon, hindi ba? Siya ang tumulak sa akin palayo kaya alam kong imposible ang sinasabi niya. Sinasabi lang naman iyon ni Nathalie dahil alam niyang kapag binanggit niya ang pangalan ni Travis, babalik ako. Pwes, nagkakamali siya sa inaakala niya dahil malabong mangyari iyon. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako marupok tulad ng sinabi niya kanina. Kailangan kong magpaka tatag, lalo na ngayon. Lalo na sa desisyong gagawin ko. "Gago ka ba?" singhal niya sa kabilang linya dahilan upang agad na ngumuso ang labi ko. "Gagawa ka ng katarantaduhan pagkatapos ay tatakas ka? Nahihibang ka na ba?" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid at magpatuloy lang sa pagma-mop ng sahig. Nasa trabaho ngayon si Kuya Lucho at abala siya ngayon sa mga papeles na dadalhin namin pabalik sa Barcelona. Oo, alam niya na ang desisyon ko. Hindi niya na rin kinuwestyon ang dahilan ko sa kung bakit nga ba ang bilis magbago ng isip ko. Alam kong gusto niya na ring bumalik dahil nag-usap-usap na kami ng mga magulang namin. Nagkasundo sila na hanggat wala pa ako sa legal age, si Kuya Lucho ang sasambot sa lahat ng trabahong ako dapat ang gagawa. Nagulat din ang parents ko nang dahil sa desisyon ko kaya naman alam kong malaki ang benepisyo nito sa kanila. Pagdating ko sa legal age, doon ko pa lang mararamdmaan ang tunay na laban lalo na't ako ang tutulong sa mga kapatid ko kapag nagkataon. "Hindi ako tatakas, Nathalie." "Hindi ako tanga, Empress," saad niya sa kabilang linya dahilan upang mapatigil ako sa kaka-mop sa sahig. "Alam kong tatakas ka sa ginawa mo. Don't tell me nahihiya ka? Natatakot ka? Really, Empress? Ikaw ba talaga iyan?" "Isipin mo na kung anong gusto mong isipin Nathalie." "Talaga!" aniya na hindi ko na kinibo. "Binalaan na kita sa kanya, Empress, pero sa halip na makinig ka sa akin, nagpatuloy ka pa." "E 'di ikaw na." "Lumulusong ka pa lang, paahon na ako." "Sobrang linis naman ng tingin mo sa sarili mo, Nathalie," singhal ko na ikinalahakhak niya sa kabilang linya. "Parang hindi ka naghabol sa kanya, ah?" "Hindi naman talaga dahil hindi ako katulad mo," aniya na mas lalo kong ikinahiya. "Hinarap ko siya, Empress. Kahit na mahirap para sa akin, hinarap ko siya. Hindi ako tumakas tulad ng ginagawa mo ngayon." Nang dahil sa kawalan ng sasabihin, wala na akong nagawa kung hindi ang ngumuso at muling nagpatuloy sa pagma-mop ng sahig habang nakikinig sa mga paulit-ulit niyang rants sa kabilang linya. "Ewan ko ba. Empress ang pangalan mo pero hindi ako nai-impress sa ugali mo," dagdag pa niya bago niya pinatay ang tawag. Bukas na ang flight namin ni Kuya Lucho kaya naman kinagabihan pa lang ay nakahanda na ang lahat. Tahimik lamang akong naghahapunan sa dining table nang bigla na lamang akong sinamahan ni Kuya Lucho. "Duda talaga ako sa biglaan mong desisyon," panimula niya dahilan upang bahagya pa akong natigilan sa ginagawa ko. Nang sinabi ko sa kanyang gusto ko nang bumalik sa Barcelona, ni minsan, hindi niya man kinuwestyon ang desisyon ko. Never siyang nagtanong sa akin kung ano nga bang problema ko at biglaan na lang akong nagdesisyon nang ganoon. Kuryoso siyang lumingon sa akin habang nakatitig ako sa kanya. Nagpatuloy lang din naman siya sa paghahanda ng cereal sa mangkok niya at nang matapos siya sa ginagawa niya, saka pa lang siya nag-angat ng kilay sa akin. "Anong nangyari at bakit nagpapauwi ka?" Bahagya pa muna akong huminga nang malalim. "Gusto kong magliwaliw. Nami-miss ko na ang Barcelona." Siminghal siya sa narinig mula sa akin kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso. "Ang sabihin mo, gusto mo lang makita si Pablo." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "Of course, gusto ko siyang makita! He's my f*****g best friend, Kuya, kaya normal lang na ma-miss ko yung tao. Wala ka sigurong kaibigan kaya mo palaging pinagtitripan si Pablo." "Hindi ko siya pinagtitripan, Empress. Protective lang ako sa 'yo dahil kaisa-isang babae ka sa 'ting magkakapatid. If Kuya Lienzo's here, baka nga mas protective pa iyon sa 'yo." "Pwes, Kuya. Wala kayong dapat na ikabahala. Pablo's gay, okay?" "Gay my ass," saad niya bago umismid na inirapan ko na lang. Kinabukasan ay maaga akong gumising. Maaga ang flight namin ng araw ring iyon. Medyo mahaba ang biyahe papunta ng Barcelona. Ang sabi pa niya, dadaan daw muna kami sa Madrid dahil may kailangan daw siyang puntahan doon. Boring sa bahay kaya naman kahit na labag sa loob ko ang sumama sa kanya, wala na rin akong nagawa. "Ngayon daw ang flight niyo?" mahinang tanong ni Lucas sa kabilang linya nang tumawag sila ni Nathalie sa numero ko. "Bakit biglaan naman, Empress?" "Para mas mabilis makalimot?" natatawa kong biro na hindi niya ikinatuwa. "Hayaan niyo na ako, Lucas. Ito na lang ang nakikita kong way para... makalimutan ko kung anong nangyari sa amin." Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso na lang. Nandito na kami sa airport. Gaya ng nakagawian, naroroon na naman ang mga biyaherong makakasama namin sa eroplano. May ilang turista akong nakita at ang ilan naman sa kanila ay mukhang babalik na sa kanya-kanyang trabaho. Sampung araw na lang bago magpasko kaya hindi na ako nagtaka sa dagsa ng tao. "He was looking for you," saad ni Lucas pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa linya namin. "Pero katulad ng sinabi ni Nathalie, wala kaming ibang binigay na impormasyon tungkol sa 'yo, Empress. Wala siyang ideya sa pagbalik mo sa Barcelona. We played empty-headed tulad ng sinabi niya sa akin. Sorry, Empress, but katulad ng sinabi ko sa 'yo nung nakaraan, hinding hindi ko siya mapapatawad. He was the reason why you wanted to quit. I couldn't help myself but to blame him for everything." "Hayaan niyo na, Lucas. Siguro, ganito talaga ang... buhay." "You don't have to do this, Empress," mahina niyang sambit sa kabilang linya na ikinanguso ko. "Kaya mong umiwas sa kanya. Tutulungan ka namin ni Nathalie. Hindi mo kailangang bumalik ng Barcelona para lang... iwasan yung tukmol na iyon." "Hindi ko kailangan, pero gusto ko," sagot ko sa kanya na hindi niya na sinagot sa kabilang linya. "Pasensya na kayo ni Nathalie sa 'kin. Pasensya na kung... kailangan kong gawin ang bagay na 'to." "It's okay, Empress," sagot niya na lang. Mula sa malayo, kitang kita ko ang pagbaling ni Kuya Lucho sa akin. Kunot noo niyang pinagmasdan ang mukha ko bago siya lumingon sa cellphone na nasa tenga ko. Nang makita ko ang mapaglarong ngiti na umukit sa labi niya, hindi ko naiwasang mapanguso lalo na nang makita ko ang paglapit niya sa direksyon ko kasama ng mga bagahe niya. "Kailangan ko nang umalis, Lucas." "Mag-iingat ka doon, Empress," bilin ni Lucas sa kabilang linya. "Hihintayin ka namin ni Nathalie." Isang singhap na lang ang ginawa ko bago ko tuluyang pinatay ang tawag. Ngumiwi naman si Kuya Lucho nang makita niya ang ginawa ko. "What are you looking at?" "Relax, baby," natatawa niyang sambit na inirapan ko. "Nagbago na ba ang isip mo?" Sa halip na sagutin siya, umirap na lang ako at tuluyang kinuha ang maletang nasa gilid ko. From now on, ibabaon na kita sa alala ko, Travis. Hinding hindi na kita haharapin pa at hinding hindi na rin ako babalik sa bansang ito. Sa bansang makakapagpaalala sa akin sa ginawa mo sa 'kin noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD