CHAPTER ELEVEN

2252 Words
"Sa 'yo galing ang bagay na iyon, Empress Faye?" Halos manliit ako sa posisyon ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingala sa kanya. Alam kong nakikita niya na ang takot na bumabakas sa mga mata ko. Hindi ko rin naman ito nagawang itago dahil, para saan pa gayong alam ko na rin naman kung saan hahantong ang lahat ng ito, hindi ba? Travis, Travis, bakit kasi ang hirap mong abutin? "Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko bago siya hinawakan sa dibdib upang itulak palayo sa akin. Ni hindi man lang siya umatras sa ginawa kong panunulak sa kanya kaya naman ako ang bahagyang napaatras sa kinatatayuan ko. Hindi ba siya natatakot? Baka may estudyanteng bigla na lamang lumusot dito sa school garden at baka makita kami nang ganito? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nagkataon? "Sa 'yo galing ang bagay na iyon," aniya. Ni hindi na nagtunog pangunguwestyon ang sinabi niya! "A-Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko pa bago napasandal sa bench na nasa gilid ko. "Pwede bang lumayo ka sa akin? You're invading my personal space!" "Ano bang tawag sa ginagawa mo ngayon?" tanong niya na hindi ko sinagot. "Empress Faye, kailan ka ba magma-matured?" "Ano ba kasing sinasabi mo?" "Stop acting like you don't know what you did!" singhal niya na ikinatikom ko ng bibig. "Sa 'yo nanggaling ang bagay na iyon, tama?" "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Travis! And please, stop accusing me for the things na hindi ko naman ginawa! Hindi lang ako ang may gusto sa 'yo, okay? Anong tingin mo sa akin? Obsess sa 'yo?" singhal ko sa kanya bago umismid. "I don't know what you're talking about!" "That pipitchuging boxer shorts," saad niya sabay duro sa building kung saan kami nanggaling kanina. "That is what I'm talking about, Empress Faye! Sa 'yo nanggaling ang pipitchuging boxer short na iyon—" "That's not pipichugi and don't call it pipitchugi!" singhal ko sa kanya na bahagya pang ikinakunot ng noo niya. "Ginamit ko ang allowance ko para lang mabili ang boxer short na iyon. Alam mo ba kung saan ko pa pinahanap iyon? Galing pa sa States iyon! Class A ang tela no'n at stretchable iyon! Don't call it pipitchugi dahil elastic ang waist band no'n. No matter what size your peni—" "Shut up," namumula niyang sambit na ikinatikom ng bibig ko. "So, sa 'yo nanggaling ang boxer short na iyon, Empress Faye?" Wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang beses ko nang p-in-ractice ang lines na ito pero bakit... bakit nga ba hindi ko maiwasang magsinungaling kapag siya na ang kaharap ko? Gusto ko lang naman siyang bigyan ng regalong alam kong hinding hindi niya makakalimutan. "Sa harap mismo ng klase, Empress?" "Wala akong magagawa dahil wala ka namang interes na makipag-usap sa akin, Travis." "At kasalanan ko pa talaga?" singhal niya na lihim kong inismiran. "This is too much, Empress. Kailan ka ba talaga magma-mature?" Anong tingin niya sa akin immature? Minamahal ko lang naman siya, ah? Masama ba talagang magmahal? "Bawal na bang magbigay ng gift sa 'yo Travis?" "Hindi regalo ang tawag doon, Empress Faye! Pinahiya mo lang ako. Pinahiya mo lang ang sarili mo," singhal niya dahilan upang agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "I can't believe you. Ang buong akala ko matured ka, hindi ko naman inaasahan na mas matured pa pala sa 'yo si Nathalie." "Pwede bang wag mo akong ikumpara sa kanya?" "At bakit hindi?" tanong niya bago humalukipkip sa harap ko. "Empress, unang saway ko lang kay Nathalie, sumunod na siya sa akin..." "Dahil sunod-sunuran siya sa lahat ng gusto mo—" "That's because she's matured!" aniya na hindi ko na pinansin pa. "Ni hindi ko man lang siya pinilit na lubayan ako dahil siya na ang kusang lumayo sa akin. Sobrang layo mo sa kanya. Gusto mo ba talagang masaktan bago ka magtanda?" "Bakit? Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" tanong ko sa kanya bago nagtaas ng kilay at tumingala sa kanya. May ngiting nakaukit sa labi ko nang makita kong umarko ang kilay niya sa narinig mula sa akin. "Para akong linta, Travis. Kapag ginusto ko ang isang bagay, hinding hindi ako magsasawang lapitan iyon hanggang sa makuha ko... lalo na kung tao." Hindi roon natapos lahat ng kabaliwan ko. Sa tuwing may free time ako, wala akong ibang ginagawa kung hindi ang gumawa ng regalo para sa kanya. Minsan nga ay nagtataka na rin si Kuya Lucho sa mga ginagawa ko. Mabuti na lang talaga at never niya akong kinuwestyon kaya naman kahit na papaano ay nakakaramdam pa rin ako ng kampante. Sa kabilang banda, palagi kong nakikita si Travis na para bang wala palagi sa mood. Madalas ko siyang makasama sa isang grupo every time na may presentation sa class. Minsan nga ay hindi na ako nakakapag-focus sa pag-aaral ko dahil para sa akin, mas importante siya. Siya palagi ang una sa listahan ko kaya naman hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako na lang palagi ang hinuhuli niya. O yun ay kung nasa listahan ba talaga ako ng mga priorities niya o wala. Kailan nga ba siya nagkaroon ng interes sa akin? Buong buhay ko, ngayon lang ako ni-reject ng lalaki at hindi ko matanggap ang bagay na iyon. Palagi kasi ay ako ang nangre-reject sa mga suitors ko kaya naman hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng awa para sa sarili. Gusto kong huminto pero hindi ko talaga magawa. Ganito na ba talaga ako ka-obsess kay Travis, or obsession ba talaga itong matatawag? Really? Isang Empress Faye Tyler ang obsess sa isang lalaki? I can't believe myself! "Come one, Empress. It's already six o'clock!" reklamo ni Nathalie habang nakahalukipkip sa harapan ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maggupit ng cardboard para sa last gift ko para kay Travis bukas. Alam kong magugulat siya sa surpresang hinanda ko para sa kanya bukas kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng excitement! Sumali si Travis sa varsity at may game sila bukas. It's a good thing at intramural bukas kaya naman natitiyak kong bukas lang ang chance ko. Ilang buwan na lang ay malapit nang magpasko at nakarating sa akin yung balitang mag-a-out of town daw ang family niya kasama siya. Paano kung umalis na lang sila nang biglaan ng wala man lang akong kaalam-alam, hindi ba? Kahit na sa pluto man sila magbakasyon ng pamilya niya sa pasko, magiging perpekto rin ang lahat kapag nakita niya na itong inihanda kong surpresa para sa kanya. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong ni Nathalie na animong atat na atat sa tinatapos ko. "Malapit na akong matapos sa ginagawa ko, Nathalie..." "Hindi yan ang ibig kong sabihin, Empress," aniya dahilan upang kunot noo akong mag-angat ng tingin sa kanya. "Jusko, Empress. May isang taon ka nang naghahabol sa kanya. Hindi ka pa rin ba natatapos sa kahibangan mo?" "Hindi ito kahibangan, Nathalie." "Anong tawag mo dyan kung ganoon? Past time?" singhal niya na hindi ko na kinibo. Umupo siya sa sahig habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. "Mahalin mo naman ang sarili mo, Empress. Hindi mo ba napapansin? Iritadong iritado na sa 'yo si Travis kulang na lang ay magbayad siya ng marksman para ipaligpit ka." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay nagbibiro siya, pero mukhang seryoso siya sa sinabi niya lalo na't hindi ko man lang nakita ang ngiting umukit sa labi niya habang nakatitig sa akin. "Nathalie, alam ko ang ginagawa ko," sagot ko sa kanya ngunit nanatili lang ang pagkakakunot ng noo niya sa akin. "Ito lang ang nagiging inspirasyon ko sa pag-aaral kaya hayaan mo na lang ako, okay?" "Ito rin ang sumisira sa 'yo mentally, Empress," sagot niya bago umayos sa pagkakaupo at marahan akong pinagmasdan. "Puro ka na lang Travis, Travis, Travis. Hindi mo ba napapansin na iritado na siya sa 'yo?" "Napapansin," sagot ko sa kanya na inismiran niya. "I already told you, he's a dork." "No he's not," singhal ko sa kanya na inismiran niya lang. "Sinasabi mo lang iyan dahil masama ang loob mo sa kanya." "At alam mo ba kung bakit masama ang loob ko sa kanya, Empress? Dahil arogante siya," aniya na ikinanguso ko na lang dahil mukhang may punto naman siya sa part na iyon. "Mayabang siya kaya tumigil ako. Paulit-ulit niyang ipinamukha sa akin na may gusto siyang iba. Na wala akong pag-asa. Na tigilan ko siya." "Sinabi niya sa 'yo na may gusto siyang iba?" kunot noo kong tanong na marahan niyang tinanguan. Tila ba may kuryenteng bumuhay sa puso ko nang dahil sa sinabi niya. Si Travis may nagugustuhang iba? Ibig bang sabihin no'n ay may nakapasa sa taste niya? Sino kaya ang babaeng nagugustuhan niya ngayon? Mas maganda ba siya sa akin? "S-Sino?" tanong ko dahilan upang marahan siyang bumaling ng tingin sa akin. "Sino yung nagugustuhan niya? Maganda ba siya? Mayaman din ba tulad niya? Matalino? Mas maganda ba sa akin?" "Kumuha ka ng salamin," aniya na ikinakunot ng noo ko. "Tapos itanong mo sa sarili mo lahat ng iyan," dagdag pa niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Nathalie!" "Pwes, hindi rin ako," sagot niya sa akin bago niya pinitik ng daliri ang noo ko na bahagya ko pang ikinapikit. "Tumigil ka na sa mga kagaguhan mo, Empress Faye. Magpakatotoo ka na lang sa sarili mo. Kung hindi ka niya gusto, e 'di humanap ka ng iba. Maraming nagkakagusto sa 'yo dyan na hindi mo man lang magawang lingunin." "Wala akong pakialam sa ibang tao, Nathalie. Ang importante siya!" "Talagang baliw na baliw ka sa kanya, ano?" angil niya na tinawanan ko. "Ano? Hindi ka pa ba tapos dyan sa kabaliwan mo?" "Malapit na ako," sagot ko sa kanya bago muling yumuko at idinikit sa poster lahat ng kailangang idikit. "Kung uwing uwi ka na, pwede ka ng mauna." "Sa tingin mo gagawin ko iyon?" reklamo niya na tinawanan ko. Para maging mabilis na matapos ang ginagawa ko, nagdesisyon na rin si Nathalie na tulungan ako. Sa tuwing makikita niya ang mukha ni Travis sa poster, hindi niya naiwasang makaramdam ng asiwa lalo na sa tuwing mapapadako ang mga mata niya sa parteng iyon. "Nakakadiri ka, Empress," singhal niya na ikinatawa ko na lang. "Hindi naman ako against sa lahat ng ginagawa mo, Empress. Ang sa akin lang, huwag mo namang ibigay lahat ng atensyon mo sa lalaking iyon. Promise, he's not worth it. Maraming lalaki dyan sa tabi. Nandyan si Kelvin. Si Damon. Si Elijah—si Lucas!" Bahagyang nagliwanag ang mukha niya nang binanggit niya ang pangalan ni Lucas kaya naman wala akong ibang ginawa kung hindi ang umirap na lang habang nagpatuloy sa ginagawa ko. "Halata naman kay Lucas na may gusto siya sa 'yo. Bakit nga ba hindi mo makita iyon?" tanong niya pa. "Imagine, he's always there for you. Sa tuwing may problema ka, nandyan siya hindi tulad ni Travis na walang pakialam sa 'yo. Kapag nagugutom ka, nandyan si Lucas para hatiran ka ng pagkain." "Ginawa na rin ni Travis yan dati," sagot ko sa kanya na ikinakunot niya ng noo. "Sinabayan niya akong kumain ng lunch before." "The real question is naulit ba?" tanong niya dahilan upang bahagya pa akong mapanguso sa sarili ko. "Ginawa niya lang iyon dahil naaawa siya sa 'yo. Walang ibig sabihin iyon para sa kanya, Empress." Tila ba saksak ng kutsilyo lahat ng sinasabi niya ngayon. Talagang ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang magbago ang pagtingin ko kay Travis, ano? Pwes nagkakamali siya ng iniisip kung iyon ang plano niya! "Masyado ka lang talagang manhid para i-consider ang feelings sa 'yo ni Lucas." "He's not my type," saad ko na ikinangiwi niya. "Paano kung ganyan din ang isinasagot ni Travis sa mga kaibigan niya?" tanong ni Nathalie na bahagyang nagpaisip sa akin. "Paano kung tinatanong din siya ng mga kaibigan niya kung anong real score sa inyong dalawa pero itinatanggi ka lang niya? Bahagya akong napaisip sa sinabi niya? Paano kung totoo nga ang sinasabi niya? Paano kung may point si Nathalie sa mga sinasabi niya? Siguro titigil lang ako kapag may valid reasons na. Tama, Empress. Tumigil ka lang kapag siya na mismo ang tumulak sa 'yo palayo. Kung siya na mismo ang kusang tumulak sa akin palayo, then fine, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang makalayo sa kanya If that's what he wants, then fine, ako ang lalayo. "Ano sa tingin mo ang oras ngayon, Empress?" kunot noong tanong ni Kuya Lucho nang pabagsak akong naupo sa sofa. "It's already eight o'clock, Empress Faye! Dapat five o'clock ng hapon nandito ka na! Ano na lang ang sasabihin nila Mommy kapag nagkataon?" "So what?" singhal ko sa kanya na inismiran niya. "Come on, Kuya. Nung nasa Barcelona ako, aminin mo man o sa hindi, gabi rin ang uwi ko. Don't worry dahil alam ko ang sarili ko, Kuya. Hindi naman ako gagawa ng mga bagay na pwede mong ikagalit kaya chill ka lang dyan. Pwede ba?" "Sabihin mo yan sa parents natin kapag sila ang tumawag mamaya," aniya na ikinakunot ng noo ko. Umupo siya sa gilid ko bago marahang nagbuntong hininga. "Kailangan ni Kuya Lienzo ng kasama sa pag-handle ng business and they want you to train with him. Gusto nilang bumalik ka ng Espanya, Empress." Bumalik sa Espanya? Ibig bang sabihin no'n ay hindi na kami magkikita ni Travis pag nagkataon? Yes, gusto kong bumalik pero... narito ang buhay ko sa Pilipinas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD