Ako? Uuwi ng Barcelona para sa kapatid ko at sa business namin ng parents ko? Of course, not! Why would I do that, eh, masaya na ako rito ngayon?
"Kaya na ni Kuya Lienzo yan, Dad!" saad ko habang tinititigan silang tatlo sa screen ng laptop na nakapatong sa binti ko.
Pasado alas dos na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinatantanan! Bukas na ang game at kailangan ko rin ng sapat na energy bukas para sumigaw sa pangalan ni Travis. Alam ko at kahit na hindi niya ipakita sa akin, alam kong hinahangad niya ang presensya ko sa game. Palagi akong present sa mga game at training niya last week kaya naman natitiyak kong madi-disappoint ko siya kapag nagkataong hindi ako naka-attend mamaya sa game.
Natatakot naman akong ma-disappoint siya. Alam niyang sa lahat ng babaeng magchi-cheer sa kanya mamaya sa game, ako ang pinaka-energetic sa lahat. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na napuyat ako nang dahil lang sa parents ko at sa walang kwenta nilang ideya.
Bakit pa ako babalik sa Barcelona kung masaya na ako rito?
"Tama si Empress, Dad," sagot ni Kuya Lienzo sa kabilang linya na ikinanguso ko. " I can handle this thing at isa pa, masyado pang bata si Empress para dito. Ni hindi pa nga nagde-debut iyan pagkatapos ay isasalang niyo na kaagad sa business?"
"Oo nga, hindi pa nga siya nagt-twenty-one, isasalang niyo na kaagad," sabat naman ni Kuya Lucho sa tabi ko na ikinaangat ng kilay ng mga parents ko, lalong lalo na ako.
"Anong twenty-one, Lucho? Eighteen ang age ng debut para sa babae," pagtatama ni Mommy.
"Ah, babae pala siya. Akala ko lalaki," biro pa ni Kuya Lucho dahilan upang pabiro ko siyang sabunutan.
Nagpatuloy lamang kami sa biruan nang sandaling iyon hanggang sa muli na namang naging seryoso ang usapan namin.
Bandang huli, wala na silang nagawa nang ako na mismo ang umayaw sa kagustuhan nila, na hindi na rin naman kataka-taka sa kanila.
Sa aming magkakapatid, ako lang yata ang walang interes sa business. I don't know why, basta hindi ko lang nakikita ang sarili kong nagtatayo ng sarili kong negosyo. Yes, lumaki ako sa luho pero hindi naman ibig sabihin no'n na kung ano na lang ang tinapos ng magulang ko, iyon na lang ang ipagpapatuloy ko. Gusto kong bumuo ng sarili kong pangalan sa industriya. Ayaw kong manatili na lang ng pang habambuhay sa anino ng mga magulang ko.
Hindi naman sa hindi ko kino-consider ang pinaghirapan nila. Sadyang hindi lang talaga ako interesado sa mga bagay na nasimulan na ng iba.
"Kung iyan ang desisyon mo, Anak, wala na kaming magagawa," pagsuko na lang ni Mommy.
Ilang sandaling kamustahan pa ang ginawa namin bago nila tuluyang pinatay ang tawag. Pasado alas tres na nang matapos ang conversation namin about random things. Hindi na rin ako nakatulog ng umagang iyon dahil sa pinaghalong excitement at takot.
Excitement para sa gagawin ko at takot para sa magiging reaction ni Travis.
Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita niya na kung anong ginawa ko para sa kanya? Magagalit ba siya tulad ng ginawa ko sa kanya noon, o matutuwa ba siya dahil kahit na may ilang buwan na ang nakalilipas simula nang makita ng mga kaklase namin yung boxer short, hindi pa rin ako nagbabago? Siguro madi-disappoint siya dahil ine-expect niya na magma-matured na ako pagkatapos niya akong sigawan? Pwes, nagkakamali siya.
Bakit ako magmamatured kung dahil lang sa pagiging childish ko, doon niya lang ako napapansin, hindi ba?
Maaga akong umalis ng araw ring iyon upang magprepara. Wala pang gaanong tao sa gymnasium nang magtungo kami roon ni Nathalie. Katulad ng nakagawian ko na, mukha na namang wala sa mood si Nathalie habang tinutulungan niya ako sa pagpeprepara.
Well, kailan ba siya nagkaroon ng magandang mood kapag ako ang kasama niya?
"Tingin mo gagana ito, Empress?" kunot noo niyang tanong habang hawak ang party poppers na ibinigay ko sa kanya kanina.
Nasa plano naming dalawa na kapag nanalo ang team ni Travis, agad na naming papaputukin ang party poppers. Ganoon din ang magiging plano namin kung sakali mang matalo ang team nila. Well, that's impossible dahil part ng team si Travis, so imposible na matalo sila!
"Of course," sagot ko kay Nathalie na hindi niya na kinibo.
Ilang sandali lamang ay narinig na namin ang tawag ni Lucas mula sa malayo. Malaki ang ngiti niya nang nagdalakad siya patungo sa bleachers kung nasaan kami. Mabilis na nangunot ang noo niya sa kuryoso nang makita niya ang poster na nakatupi at ang mga party poppers na binili namin ni Nathalie kanina.
"Bakit ang aga niyo ngayon?" kunot noo niyang tanong bago lumingon sa amin. "Alas nuebe pa ang game, Empress, Nathalie. Bakit ang aga niyo yata rito?"
"Ito kasing best friend mo, patay na patay kay Travis," saad ni Nathalie dahilan upang kunot noong lumingon si Lucas sa kanya. "Nagbabalak siyang—aw!"
Mabilis na nakagat ni Nathalie ang dila niya nang marahas ko siyang siniko sa tagiliran. Wala namang nagawa si Lucas kung hindi ang kunot noo kaming pagmasdan magmula ulo hanggang paa. Nang makita niya ang poster, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang tumango na lang.
"Ikaw ang naka-assign sa pagpapaputok ng party poppers, Lucas," bilin ko sa kanya bago sapilitang ipinahawak sa kanya ang isa. "Hintayin niyo ang signal ko kapag..."
"Really, Empress?" kunot noo niyang singhal na ikinatawa ni Nathalie sa gilid niya. "Bakit ko gagawin ito? Hindi ba't ikaw dapat ang mag-effortpoara dyan sa crush mo?"
"Please, Lucas. Pa-birthday mo na lang sa akin, oh?" pamimilit ko pa sa kanya na kunot noo niya na lang na tinanguan. "Thank you so much. The best ka talaga, Lucas!"
Katulad nga ng sinabi ni Lucas, pasado alas nuebe na nang magsimula a g game. Marami ng estudyante sa gymnasium ang paulit-ulit na sumisigaw para sa team nila Travis. Mga juniors ang kalaban nila ngayon. Kahit na medyo maliliit ang kalaban nila, hindi rin naman iyon ang naging dahilan upang matalo nila ang kabilang team.
"Oh, f**k. Isang puntos na lang sana!" singhal ni Nathalie bago sinipa ang bote na nasa gilid niya. "Go, Travis! Ilampaso mo silang lahat!"
Nagpatuloy lamang ang lahat sa sigawan hanggang sa unti-unti na ngang nakabawi ng puntos ang team nila Ttavis. Nang nag-second quarter ang game, doon lang nagkaroon ng chance si Travis na makainom ng tubig. Dahil nga sa medyo malayo ang bleachers na naupuan namin, hindi ko na siya nagawang abutan ng tubig. Mabuti na lang at may baon siyang tubig para sa sarili niya.
Pinanood ko siyang lumagok sa bote ng tubig habang nakatingala sa mga bleachers. Sa paraan pa lang ng paggalaw ng mga mata niya, alam kong may hinahanp siya sa mga bleachers. Bahagya pa siyang natigil sa paglagok ng tubig nang magkrus ang mata naming dalawa.
Ngumiti ako sa kanya pero sa halip na ibalik sa akin ang ngiting iyon, inismiran niya lang ako. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sumimangot.
"Nathalie, samahan mo nga akong mag-cr," saad ni Lucas.
Agad na umarko ang kilay ni Nathalie nang dahil sa narinig mula kay Lucas.
"Bakit pa kita sasamahan? Ano namang gagawin ko?" reklamo niya. "Hahawakan ko yang german sausage mo habang umiihi ka?"
Agad na bumulalas sa tawa ai Lucas nang marinig niya ang sinabi nito. Wala naman akong nagawa kung hindi ang ngumiwi habang pinapakinggan ko ang pagtatalo nila sa gilid ko.
"Paano mo nalamang german sausage 'tong akin? Nakita mo na ba?"
"Bumabakat dyan sa—"
"Samahan mo na nga lang," asik ko sa kanilang dalawa na ikinatawa nilang dalawa. "Bilisan niyo, ah? Malapit nang matapos ang game. May gagawin pa tayo!"
"Okay, fine. Dadalian namin," pangako pa ni lucas bago niya hinawakan sa braso si Nathalie at tumakbo palayo sa bleachers.
Hindi ko alam kung ilang minuto silang nawala sa tabi ko. Patapos na't lahat-lahat ang game ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Kaya ko bang gawin ang lahat ng ito nang ako lang ang mag-isa?
Nang matapos ang game, wala ng nagawa ang kabilang team kung hindi ang makipagkamay sa team na idineklarang panalo sa game na iyon. Malaki ang puntos ng team nila Travis kaya naman naging mahirap para sa kabilang team ang makahabol, kaya ang nagwagi ay ang team nila Ttavis.
Nang mapalingon si Travis sa direksyon ko, doon na ako nagpasyang tumayo sa kinauupuan ko kasabay ng pagbukas sa poster na ginawa ko kagabi.
Nakuha ko ang atensyon ng lahat, lalong lalo na ni Travis na ngayon ay walang ibang ginawa kung hindi ang kunot noong tumitig sa akin.
"Marry Me, Travis!" paulit-ulit kong sigaw habang nakahawak sa poster.
Agad na naghiwayan ang lahat. Ang ilan sa kanila ay bumulalas ng tawa nang makita ang poster ko, at kabilang na roon ang team ni Travis at ang team ng mga kalaban nila kanina.
Paulit-ulit kong iwinagayway ang poster na iyon habang paulit-ulit sa pagsigaw ng katagang iyon. Wala namang ibang laman ang poster na gawa ko kung hindi ang mukha ni Travis na nakapatong sa mukha ng isang pornstar. Nakasuot ng red boxer shorts ang katawan ng pornstar na ginamit ko habang ang mukha naman ni Travis na nakapatong sa mukha ng katawang iyon ay nanggaling naman sa isa sa mga photos na nasa social media account niya.
Edited lang iyon, but it looks real for me. Dapat lang dahil mahal ang bayad ko sa pagpapagawa nito.
Umalingawngaw ang tawanan sa buong gymnasium na ikinalawak ng ngiti ko. Agad din namang nalusaw iyon nang makita ko si Travis na ngayon ay naglalakad na papunta sa gawi ko. Masama ang titig niya sa akin at natitiyak kong kung ano man ang ginawa ko, alam kong malilintikan ako.
Agad na napaawang ang bibig ko sa gulat nang bigla na lamang niyang hinablot mula sa kamay ko ang poster na ginawa ko bago niya ito pinilas sa harapan ko. Mas lalo lamang umalingawngaw nang tawanan sa paligid nang makita nila ang gulat kong reaksyon. Ang buong akala nila, nakikipagbiruan lang ako pero ang hindi nila alam ay napipilas na rin ang puso ko sa ginagawa ng lalaking nasa harap ko.
Pagkatapos niyang punitin iyon at tapak-ptapakan sa harap ko, mariin siyang tumitig sa akin.
"T-Travis...." usal ko na may halong pangibgilid ng luha sa mata.
Hindi ko na nagawa pang sundan ang sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong hinawakan sa braso at pakaladkad na hinila palayo sa lugar na iyon.
Ito na ba yung sinasabi ni Nathalie?