CHAPTER NINE

2217 Words
Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Nathalie. Ni wala nga akong ideya sa kung bakit ganito na lang ang lumalabas sa bibig nila. Para bang sa oras na masira ang araw nila, para bang ako ang dahilan. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Hindi ko na pinansin kung ano pa ang sinabi ni Nathalie. Instead of asking her, agad na lamang akong tumakbo patungo sa corridor upang maabutan ko si Travis. Katulad nga ng palagi kong nasasaksihan sa tuwing dadaan siya sa corridor, kabi-kabila na ang nakikita kong mga mata ng mga estudyanteng may paghanga sa kanya. Sino ba namang hindi nagkakagusto sa kanya? Matalino. Gwapo. Malinis sa katawan. Bookworm. Halos lahat na yata ng magandang ugali ng isang lalaki, nasa kanya na. Alam kong lahat halos ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa Southville ay may lihim na gusto sa kanya. Iyon nga ang isa sa hindi ko maintindihan. Bagay naman kaming dalawa, hindi ba? Halos pareho lang naman kami. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tila ba asiwang asiwa siya sa akin kahit na wala naman akong ibang ginagawang masama. Oo palagi kong sinisira ang araw niya, pero hindi naman siguro mako-consider iyon na... masama, hindi ba? "Travis!" tawag ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Travis!" Minsan hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ako pinapalayo kay Lucas? Bakit pati best friend ko, dinadamay niya? Wala ba siyang nagawang maganda sa buhay niya at bakit pati buhay ko ay pinapakialaman niya? He told me na nagseselos siya. For what, then? Ang akala ko ba wala siyang gusto sa akin? "Travis!" sigaw ko pa. "Anong sinasabi mo kanina? Anong... ang tanga ko?" Ginagawa niya ba ang lahat ng ito dahil gusto niya talaga ng pinapaikot ako? Nabubuo ba ang araw niya kapag pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi naman ako tanga at mas lalong hindi naman ako ignorante para hindi maintindihan ang sinabi niya kanina. Oo, medyo slow learner ako pero... parte naman siguro ng buhay iyon, hindi ba? Alam ko ang pagkakaiba ng mga taong nagsasabi ng totoo at sabmga taong nagsisinungaling. Madali lang namang makita kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo sa hindi. Base sa mukha niya kanina, alam kong nagsasabi aiya ng totoo at hindi talaga siya nagsisinungaling. May parte sa akin ang nagsasabing huwag maniwala sa kanya, pero may parte rin naman sa akin ang umaasa na sana totoo ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba may nag-uutos sa akin na habulin siya, o komprontahin, o tanungin siya tungkol sa sinabi niya kanina. Hindi ko alam pero tila ba naniniwala ako sa sarili kong kailangan ko siyang kausapin upang mabigyan ng linaw ang lahat. Hindi naman sa umaasa ako. Gusto ko lang namang lusawin yung mga bagay na naglalaro sa isip ko ngayon na pwedeng gumulo sa akin mamaya, o bukas, o sa mga susunod na linggo. Gusto ko lang namang malaman kung may nararamdaman ka sa akin. Aminin ko man o sa hindi, gusto ko nang mag-move on sa 'yo. Palagi mo na lang sinisira ang araw ko sa tuwing iignorahin mo ako. Gusto kong... malaman kung worth it ba lahat ng pagpapapansin ko sa 'yo. Gusto kong malaman kung para saan yung mga mixed signals na ipinapakita at ipinaparamdam mo sa akin dahil... sa totoo lang napapagod na ako. Pagod na akong umasa sa wala. Gusto ko ng assurance. Gusto ko ng pag-amin mo dahil sa totoo lang, nagsasawa na rin ako sa paghahabol sa 'yo. Ni hindi ko nga alam kung worth it nga ba ang lahat ng ito. "Travis, ano ba!" sigaw ko. Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay dahilan upang bahagya pa siyang natigil sa paglalakad bago kunot noong bumaling ng tingin sa akin. Hindi tulad kanina, wala ng gaanong estudyante rito sa gawi namin kaya naman kahit na papaano ay naging kampante ako. "Anong sinabi mo kanina?" May pag-asang mababakas sa boses ko nang tinanong ko iyon. "Sa totoo lang, hindi kita maintindihan. Hindi ko maintindihan lahat ng ipinapakita mo." Ikaw ba naman bigyan ng mixed signals. Hindi ka ba mawawala sa sarili mo? Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Siya na rin ang kusang nagtanggal ng kamay ko sa braso niya kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso bago lumingon sa kanya. "Kung hindi mo naintindihan, wag mo nang intindihin," saad niya. "Wala akong planong ulitin sa 'yo ang lahat, at mas lalong wala akong interes na ipaliwanag pa sa 'yo lahat ng sinabi ko kanina. Kung hindi mo naintindihan, hindi ko na problema yon." Agad na bumagsak ang balikat ko nang dahil sa dismaya. Hindi ko na rin naman siya napigilan nang bigla na lamang siyang pumasok sa klase namin. Wala siyang interes na ipaliwanag sa akin ang lahat? "Hindi naman ako slow learner," saad ko sa sarili bago ko naramdaman ang paghaba ng nguso ko habang nakatanaw sa kanya sa loob. "Sadyang hindi ko lang narinig nang maigi yung sinabi mo kanina, Travis." I'm not rejected, right? Still. I'm not rejected. Iyon lang ang importante sa ngayon. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay hindi niya na ako muling pinansin pa. Sa tuwing mapapagawi ako sa direksyon kung nasaan siya, siya na ang kusang umiiwas sa akin kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng awa para sa sarili ko. Really, Empress? Ganiyan ba talaga ang ugali ng mga lalaking gusto mo? Yung ipinagtatabuyan ka na lang na parang hindi importante para sa kanila ang presensya mo? Maawa ka naman sa sarili mo, Empress! Never in my entire life na darating sa point na ako rin ang hahabol sa isang tao. All my life, ako ang palaging hinahabol ng mga taong nagkakagusto sa akin. Karma na nga bang natatawag ito? Masakit para sa akin ang nangyari. Alam mo ba kung bakit? Naniwala kasi ako sa lahat ng sinabi niya. Pinanghawakan ko iyon. Pinanghawakan ko yung sinabi niyang nagseselos siya. Hindi naman siya direct na pag-amin, but then... the eagerness of his face that time... Nababaliw na ba ako? "Long time no see, Empress!" Agad akong nag-angat ng tingin kay Lucas na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso bago nagpatuloy sa pagkain. Malawak ang ngiti niyang umupo sa bakanteng silya na nasa harapan ko. "May isang linggo rin kitang hindi nakita." "Kasalanan mo yan," asik ko sa kanya na tinawanan niya. "Kung hindi ka lang nakipag-away kila Bryan, e 'di sana hindi ka rin na-suspend tulad nila." "Kasalanan ko ba kung pikon sila," natatawa niya pang sambit na hindi ko na sinagot. "Nabanggit sa akin ni Nathalie na nag-usap daw kayo ni Travis last week." Nathalie? Kailan pa sila nag-usap? "Anong... pinag-usapan niyong dalawa?" "Kailan pa kayo nagsimulang mag-usap ng babaeng iyon, Lucas?" Nang dahil sa tanong ko bahagya pa siyang natawa kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng pagkapikon sa kanya. Kung hindi ko lang siguro ito kaibigan, baka kanina ko pa tinusok ng chopstick ang mga mata nito. "Hindi na importante iyon, Empress. Ang tanong ko ang sagutin mo," sagot niya na inismiran ko na lang. "Nag-usap daw kayo ni Travis. Tungkol saan ang pinag-usapan niyong dalawa?" "Simple misunderstanding lang. Hindi na rin naman importante iyon lalo na ngayon," sagot ko sa kanya habang inaalala ang pag-iwas niya sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi na alam kong napansin ni Lucas. "Nga pala. Hindi mo man lang nabanggit sa akin na hiwalay na pala kayo ni Jenny?" Nang dahil sa tanong ko ay hindi niya naiwasang mapangiti na ikinataas lang ng kilay ko. "May one week pa lang kaming hiwalay and mutual naman ang decision naming dalawa." "Mutual?" tanong ko bago sarkastikong tumawa sa narinig. "Mutual pala. Bakit ako sinugod ng mga kaibigan niya kung mutual pala ang decision niyong dalawa?" Nang dahil sa sinabi ko ay hindi niya naiwasang itaas ang kilay nang dahil sa kuryoso. Marahil ay hindi rin nakarating sa kanya yung balitang pagtugis sa akin ng mga alipores ng ex-girlfriend niya. Mutual pala pero bakit may pasimpleng reinforcement sila, at ako talaga ang target, ah? "Maybe... they're jealous. She's jealous of you." "Jealous of me? Anong nakakainggit sa akin?" natatawa kong saad na ikinangiwi niya. "Tell your ex-girlfriend's friends not to meddle with my life. Ayaw ko nang marinig kay Travis na nanghihimasok ako sa relasyon niyong dalawa." "Travis?" tanong niya na inismiran ko lang. "Anong sinabi niya sa 'yo?" "He told me that nanghimasok daw ako sa relasyon niyong dalawa ng babaeng iyon, which is not true anyways, hindi ba?" Singhal ko sa kanya na hindi niya sinagot. "Pasalamat na lang sila dahil kahit na hindi kami magkabati ni Travis that time, nagawa niya pa ring akong ipagtanggol." Nagpatuloy lamang ako sa pagkukwento ng kung ano-ano sa kanya habang siya naman ay walang ibang ginaw ma kung hindi ang makinig sa mga kwento ko sa kanya. Tila ba interesadong interesado siya sa mga kwento ko kahit na alam ko namang walang kainte-interes sa mga kwneto ko sa harapan niya. Hindi niya na rin naman ako tuluyang nilubayan kaya naman kahit na gusto kong lumapit kay Travis, hindi ko rin naman magawa. Speaking of Travis, hindi ko alam kung anong mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Kung ano man ang huli naming pinag-usapan last week, yun na rin ang huli naming pag-uusap sa buwang iyon. Hindi ko alam kung ano nga bang mayroon sa akin at bakit ayaw niya sa akin. Para bang iritado siya sa tuwing nasa paligid niya ako. Pakiramdam ko tuloy may sakit akong dala kaya naman ganito na lang siya kung umiwas sa akin. "Wag ka ngang lapit nang lapit sa akin, Lucas!" singhal ko sa kanya bago siya pabirong tinulak palayo sa akin. Wala naman siyang ibang nagawa kung hindi ang umakbay na mas lalong ikinaasiwa ng mukha ko. "Ang sabi ko, lumayo ka sa akin, Lucas!" "Dito ka lang sa tabi ko. From now on, hinding hindi na kita lulubayan, Empress," aniya na hindi ko na kinibo. "Para mawalan na rin siya ng rason na makalapit sa 'yo." I don't know what's with him. Pakiramdam ko, mas lalo lamang siyang naging protective nang sinabi ko sa kanya yung tungkol sa grupo ni Jenny. Hinfi na rin naman ako ginulo ng mga iyon dito sa campus kaya naman hindi ko alam kung bakit ganito na lang ka-protective sa akin si Lucas. Mabilis na lumipas ang linggo at buwan. Kung gaano ko kadalang na makita at makasama sa iisang lugar si Travis, ganoon ko naman kadalas na makasama si Lucas. Pakiramdam ko ay never niya na akong hiniwalayan simula ng mangyari ang lahat. Habang tumatagal ang araw, mas lalo ko lamang na-aappreciate ang lahat. Kahit na hindi man kami gaanong nagkakausap ni Travis, kahit na papaano ay nagpapasalamat pa rin ako, lalo na ngayong nasa tabi ko si Lucas at si... "Empress!" Halos mabali ang leeg ko nang bigla na lamang tumalon si Nathalie pasalubong sa akin. Mabuti na lamang at nandyan si Lucas upang umagapay sa likod ko dahil kung hindi ay baka kanina pa nabali ang spinal cord ko nang dahil sa ginawang pagyakap ni Nathalie sa akin. "I really missed you so much, Empress Faye!" natatawa niya pang dagdag bago niya pinisil ang mga pisngi ko. "Alam mo bang marami akong chika sa inyong dalawa ni Lucas?" dagdag niya pa. Siguro nga ay may relasyon talagang nagsisimula sa away. Karibal ang tingin ko kay Nathalie noon at isa iyon sa mga dahilan kung bakit inaayawan ko siya noon. Hindi ko rin alam kung paanong nagsimula ang friendship naming dalawa. Nagising na lang ako isang araw na... close na kami. Na magkaibigan na kaming tatlo nila Lucas. "Siguraduhin mo lang na maganda yan, huh?" sabat ni Lucas bago umakbay sa aming dalawa ni Nathalie. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin. Ang mga taong inakala kong kaaway noon, magiging kaibigan ko rin pala sa pagdating ng panahon. So, sa ganito pala nag-uumpisa ang isang matibay na samahan, ah? "Of course. Anong tingin mo sa akin?" singhal niya kay Lucas bago siya bumaling sa akin. "Remember yung time na sinabi kong may brunch kami with my ate's friends?" "Oh?" "Hindi ko ine-expect na kapatid pala ni Travis si Ate Chessa," dagdag niya pa patungkol sa kaibigan ng ate niya. Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. So, ibig bang sabihin no'n, kasama niya si Travis sa brunch na tinutukoy niya? "Yan na ba yung chika mo?" singhal ni Lucas sa kanya na inismiran niya. "Napaka informative naman niyan, Nathalie." "Hindi pa ako tapos sa big twist kaya maghintay ka," sagot niya rito bago lumingon sa akin nang may malapad na ngiti sa labi. "Travis and I had a talk, and alam mo ba kung anong sinabi niya?" "What?" "He was asking for you," saad niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin no'n, Empress? He's looking for you. Palagi niya akong tinatanong kung saan ka nagbakasyon... something like that." "Pwede bang wag na muna nating pag-usapan ang lalaking iyon?" tanong ni Lucas bago niya kami hinila palayo sa corridor. "Nag-brunch pala kayo with the Bonifacio's, nararapat lang pala na ilibre mo kami ngayon, Nathalie." Nagpatuloy lang ang dalawa sa asaran habang ako naman ay nananatiling tahimik sa gilid. Travis was looking for me? But why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD