CHAPTER EIGHT

2387 Words
Kabi-kabila na ang mga planong nabubuo sa isip ko ngayon. Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago? Magtatago ba ako? Hahanapin ba nila ako kung sakaling hindi na ako magpakita? Huli na ba para magpa-transfer ng ibang school? Namumutla akong humilata sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto ko. "Paano ko siya haharapin niyan kung may kasalanan na naman ako sa kanya?" bulong ko sa sarili bago muling bumuntong hininga. "Paano ko siya haharapin kung narinig niya yung sinabi ko kahapon?" Hindi ko tuloy nagawang pigilan ang sarili ko na sisihin si Nathalie. Kung hindi lang niya ako dinramahan kahapon, e 'di sana ay walang mangyayaring ganito. Kung umiyak na lang siya nang mag-isa, e 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede niya akong kausapin, bakit kahapon pa? Hindi ba uso sa kanya ang emails? Bakit kaya hindi niya na lang naisip na padalhan na lang ako ng text message, o kaya ay kausapin niya na lang si Lucas at sa kanya na lang ipadala lahat ng hinanaing niya tungkol sa akin. Hindi ba siya nag-iisip? At bakit naman kasi biglaan kung sumulpot si Travis? "Hindi ba siya tinuruan ng parents niya na dumistansya kapag may nakitang nag-uusap nang pribado?" singhal ko sa sarili bago muling dumapa mula sa pagkakahiga. "Hindi ko alam na mas lalo lang masisira ang buhay ko sa lugar na ito," dagdag ko pa bago sumimangot. "Empress Faye, nandyan ka ba?" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-isip ng mga paraan na maaari kong gawin upang kahit na papaano ay makatakas pa ako sa mga kasalanan ko sa kanya. May posibilidad kaya na sumama ang loob niya sa akin? Paano na lang kung mas lalo niya lang akong ayawan nang dahil sa ginawa ko? "Nakakabwisit..." "Empress Faye!" "Ano ba?" sigaw ko pabalik. Nang dahil sa labis na pag-iisip, ni hindi ko na namalayang kanina pa pala tumatawag mula sa labas ng kwarto ko si Kuya Lucho. Mas lalo lamang akong nairita nang muli ko na namang narinig ang paulit-ulit niyang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. "Ano bang kailangan mo, Luchianno?" muli ko na namang sambit habang pinapakinggan ang paulit-ulit niyang pagdamba sa pintuan ng kwarto ko. "May pasok ka, hindi ba?" muli nitong sambit dahilan upang pabagsak ko muling inihiga ang sarili ko sa kama kasabay ng pagbalot ng sarili ko sa comforter. "Wala ka bang balak na pumasok? Anong oras na, Empress Faye!" "Hindi ako papasok!" sigaw ko sa kanya pabalik. "Hinding hindi na ako babalik sa university na iyon! Hindi na ako papasok! Babalik na lang ako sa Barcelona!" "Nag-usap na tayo, hindi ba?" singhal niya sa labas ng pintuan na hindi ko sinagot. "May problema ba, Faye? May problema ka ba sa school?" Oo. Isang malaking problema. Ni hindi ko nga alam kung paano kong bibigyan ng solusyon yung problemang iyon. Sa tuwing maaalala ko yung mukha ni Travis kahapon, hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. Natatakot ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Tama lang ba na matakot ako sa kanya gayong wala naman akong ginawa na pwede niyang ikagalit? Oo, may nasabi ako sa kanya kahapon pero... Masama bang magsabi ng totoo? Totoo namang hindi ko siya ginusto, ah? Hindi ko siya gusto. Hindi mo siya gusto, Faye. Nararamdaman mo lang ang lahat ng ito dahil... dahil infatuated ka sa kanya! Nagkakagusto ka lang sa kanya dahil... dahil matalino at arogante siya! Iyon lang naman ang dahilan hindi ba? At... totoo namang masama ang ugali niya, ah? Ano bang ine-expect niyang sasabihin ko? Na mabait siya at marunong siyang makitungo sa ibang tao? Kung hindi nga lang dahil sa akin ay hindi mapapansin ng mga kaklase namin yung presensya niya, ano! Tama. Tama ka, Faye. Dapat nga ay magpasalamat siya sa 'yo dahil... dahil kung hindi dahil sa 'yo, e 'di sana ay nobody na lang siya sa school ngayon? "Binu-bully ka ba sa school?" muling tanong ni Kuya Lucho mula sa labas. "Sabihin mo nga sa akin, Faye Binu-bully ka ba?" "Hindi," sagot ko na lang upang pabulaanan lahat ng nasa isip niya ngayon. "Walang nangangahas na b-um-ully sa akin doon." "Then, why?" tanong niya na hindi ko muling sinagot. "Sabihin mo sa akin ang problema, Faye. Parang kahapon lang ay enjoy na enjoy ka sa pagpasok, ah? Bakit bigla ka na lang nagkaganyan?" "Wala," sagot ko na lang. "Mag-aayos na ako. Hintayin mo na lang ako sa baba," dagdag ko pa bago nagdesisyong umalis sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo upang doon maligo. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nanatili sa loob ng bathroom. Tila ba magulo ang isip ko sa kung paano kong pakikisamahan si Travis mamaya. Paano ko siya haharapin niyan? Magbabago pa ba ang... pagtingin niya sa akin nang dahil sa sinabi ko kahapon sa kanya? "Eh ano naman ngayon?" asik ko sa sarili bago padabog na nagtungo sa baba. Kunot noo akong pinagmasdan ni Kuya Lucho magmula ulo hanngang paa. Wala naman akong nagawa kung hindi ang taasan siya ng kilay. Ang buong akala ko ay kukwestyunin niya pa ako sa mga whereabouts ko sa school, pero mabuti na lang at nanatili lang tikom ang bibig niya. Dapat lang dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya sa oras na magtanong siya. Hindi naman ako pwedeng umamin sa kanya dahil natitiyak kong makakaabot sa parents namin ang mga ginagawa kong kalokohan sa school. Baka nga paulit-ulit niya pa akong asarin sa oras na malaman niyang naghahabol ako sa isang lalaking never naman akong ginusto. Speaking of Travis... paano ko kaya siya kakausapin mamaya? Dapat lang ba na kausapin ko siya o manatili na lang na tikom ang bibig ko? Galit siya kahapon sa akin at naramdaman ko iyon. Ang hindi ko lang ay alam ay kung bakit siya nagagalit sa akin nung sinabi kong hindi ko naman siya ginusto? Ano bang gusto niyang marinig? Na ginusto ko siya? Ang akala ko ba gusto niya akong layuan siya? Ngayon nilalayuan ko naman siya, siya naman itong nagagalit sa akin? "Ni hindi ko na alam kung saan ako lulugar," reklamo ko pa sa sarili habang naglalakad sa pathway. Agad akong natigilan sa paglalakad nang bigla na lamang humarang sa daanan ko ang tatlong babaeng estudyante. Hindi maayos ang pagkakalagay ng necktie nila. May colored shirt din silang suot sa ilalim ng uniform nila kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng asiwa. "Ikaw ba si Empress Faye?" tanong ng babaeng nakatayo sa gitna. Taas kilay niya akong nilingon magmula ulo hanggang paa bago siya ngumisi at lumingon sa mga babaeng nasa gilid niya. "Ito na pala iyon? Ang akala ko ba chika babes 'to?" "Baka niloloko lang tayo ni Jenny," bulong ng isa dahilan upang bahagya pang mapaangat ang kilay ko. "Sino ba kayo?" kuryoso kong tanong dahilan upang makuha ko ang atensyon nila. "May kailangan ba kayo sa akin?" "Meron," sagot ng nasa gitna bago humalukipkip. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo?" Anong ginagawa ko? Of course, alam ko kung anong ginagawa ko. Nasa tama akong katinuan kaya nasisigurado kong alam ko ang mga ginagawa ko. Hindi ko lang maintindihan kung anong sinasabi niya ngayon. "Anong sinasabi mo?" natatawa kong tanong bago umismid sa kanya. Nang nagdesisyon akong umabante ng isang yapak, mabilis silang humarang sa harap ko na naging dahilan kung bakit marahan pa akong napaatras sa kinatatayuan ko. "Ano bang kailangan niyo sa akin?" singhal ko. "At pwede bang bilisan niyo sa pagsagot? Kanina pa ako late sa class ko." "Alam mo ba kung anong ginawa mo?" sagot ng babaeng nasa gilid dahilan upang mangunot ang noo ko. "Kahapon pa iyak nang iyak si Jenny nang dahil sa 'yo!" Jenny? Sinong Jenny? Girlfriend ni Lucas? "Ano naman ngayon?" singhal ko sa kanya dahilan upang bahagya pang umangat ang labi niya. Marahil siguro sa paghanga sa sinabi ko. "Kung umiyak siya, wala akong pakialam. Anong tingin niyo sa akin? Nanay niya? Nanay niya ba ako?" Isang irap pa ang ginawa ko bago ako nagdesisyong lagpasan sila, pero bago pa man ako makatakas sa grupo nila, may agad nang humila sa braso ko dahilan upang bahagya pa akong mapabalik sa kinatatayuan ko kanina. "Ang sabi ko late na ako sa class!" sigaw ko bago tinanggal ang pagkakahawak nila sa braso ko. "Kakausapin ka lang namin," saad ng isa bago sila nagtawanan. "Bitawan niyo nga ako!" Agad silang nagtawanan nang makita nila ang iritasyon sa mukha ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umatras sa kinatatyuan ko habang patuloy sila sa paglalaro sa buhok ko. Mas lalo lamang sumama ang mukha ko nang bumangga ang likuran ko sa bakal na nasa likuran ko. "Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo?" tanong ng nasa gitna dahilan upang marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Inagaw mo si Lucas sa kaibigan namin!" "Bakit ako?" tanong ko sa kanya habang nakaduro sa sarili. "Wala akong inaagaw sa kanya! Isaksak niya pa sa baga niya si Lucas. At isa pa, pwede bang lumayo kayo ng kaunti? Amoy kayong tilapya!" "Gago ka, ah?" Agad akong napapikit nang bigla niyang inangat ang kamay niya upang gawaran ako ng isang sampal. Hindi ko man lang ito naramdamang dumapo sa pisngi ko kaya naman agad akong nag-angat ng tingin. "T-Travis?" saad ng isa sa kanila. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang likod ni Travis sa harapan ko. Siya ngayon ang nakaharap sa babaeng muntik nang sumampal sa akin. Agad akong lumingon sa direksyon nila at halos mapanganga ako sa gulat nang makita ko ang kamay ni Travis na nakahawak sa kamay ng babaeng iyon. "Anong ginawa niya sa 'yo?" mahinang tanong ni Travis habang nakatingin sa babaeng ngayon ay nanginginig na rin sa takot. "Did she hurt you?" Agad na umangat ang kilay ko nang itinanong niya iyon sa babae. "Bakit siya yung tinatanong mo, eh, hindi ko nga kilala iyan?" sagot ko na hindi man lang nila kinibo. Agad kong tinulak ang babaeng nasa gilid bago pumagitna sa dalawang ngayon ay matalim nang nakatitig sa akin. "Talagang masamang tao ang isip mo sa akin, ano? I'm not hurting anyone, Travis! I will never hurt someone pwera na lang kung may ginawa sila sa akin! Hindi ko siya sinaktan! Mukha ba siyang may sugat, huh?" Sa halip na sumagot sa akin, kunot-noong lumingon si Travis sa babaeng ngayon ay nagbaba na ng tingin nang makita niya ang madilim na titig ni Travis sa kanya. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang suminghal. Hindi ko alam pero tila ba dismayado ako sa sinabi ni Travis. Mukha ba akong masama para sa kanya na kayang manakit ng ibang tao? Really, Travis? Really? "Hurt her again, ako ang makakalaban niyo," saad niya bago ko naramdaman ang marahas niyang paghawak sa kamay ko bago niya ako kinaladkad palayo sa lugar na iyon. Nang makarating kami sa school garden, mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahilan upang bahagya pa kaming matigil sa paglalakad. "Wala akong sinaktan sa kanila, Travis..." Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang ngumisi na halos ikasama ng titig ko sa kanya. Base sa mukha niya, tila ba natutuwa siya sa narinig mula sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay lihim niya na akong kinukutya ngayon. Na ang bobo ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya kanina. "You don't believe me—" "Gusto mo bang tigilan ka ng grupong iyon?" tanong niya dahilan upang bahagyang umangat ang kilay ko. "Wag kang pumasok sa relasyon ng iba nang hindi na maulit ito." "Pumasok sa relasyon ng iba?" natatawa kong asik na hindi niya kinibo. "For your information, Lucas and I were just a friend. He's a brother to me. At... pumasok sa relasyon ng iba? Wala akong pakialam sa relasyon ng iba! Sinabi ko na sa kanila na wala akong kinalaman sa kung anong pinag-awayan ng dalawa. Ni hindi ko nga alam na break na pala sila!" "Even so," saad niya dahilan upang mas lalo lamang bumilis ang paghinga ko nang dahil sa labis na frustration. "Layuan mo si Lucas kung ayaw mo nang maulit 'to." "No way!" Wala akong nagawa kung hindi ang sarkastikong tumawa sa harap niya na ikinaangat lang ng kilay niya. Marahil ay nagtataka na siya ngayon sa kung ano nga ba ang ikinakatawa ko rito. "Kaibigan ko si Lucas, so don't expect na iiwasan ko siya," sagot ko sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin habang nananatili pa ring kunot ang noo niya. "First of all, kung wala kang kaibigan, pwes ako meron. Pangalawa, huwag mo ngang nililimitahan lahat ng kilos ko! We're not even friends kaya wala kang karapatang limitahan lahat ng kilos ko." Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin habang patuloy sa pakikinig sa mga rants ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang limitahan lahat ng kilos ko! Sino ba siya? "Why? Are you jealous? Nagseselos ka ba dahil... kaibigan ko si Lucas at close kaming dalawa?" taas kilay kong tanong sa kanya dahilan upang matalim siyang lumingon sa akin na bahagya ko pang ikinatawa. "Are you jealous, that's why you're acting like this?" "Isn't it obvious?" tanong niya na hindi ko agad nakuha. "Mas kinakailan, tanga ka," dagdag pa niya bago umismid at tuluyan akong iniwan doon. Nalaglag ang panga ko nang dahil sa sinabi niya. "At ako pa talaga ang tanga ngayon?" hindi makapaniwala kong saad habang nakaduro sa sarili. "Sa ating dalawa, ikaw ang mas tanga! Tanga ka, Chester Travis! Always remember that, fucker!" "Pareho lang kayong tanga," saad ng isang boses sa gilid ko dahilan upang taas-kilay ko itong nilingon. Halos mangunot ang noo ko nang makita si Nathalie na ngayon kunot noong nakatitig sa akin magmula ulo hanggang paa. Nakahalukipkip siya habang panay ang titig sa akin at nang sandaling magkrus ang mata naming dalawa, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umirap. "Pareho lang naman ng nararamdaman sa isa't isa, nagtataguan pa," makahulugan niyang saad bago ako tinalikuran. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang dalawang maglakad patungo sa building namin. Ano bang problema nila? As far as I know wala naman akong ginawang masama sa kanila na pwede nilang ikagalit sa akin. Bakit nga ba sila nagagalit? Inaano ko ba sila? Ano bang problema ng mga tao ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD