Episode 1: Bumb Into You
Cairo POV
I'm currently walking around at the University kung saan ako papasok bilang first year college student. I apply for scholarship dito sa Haven University at nakapasa naman ako, isang private university ito at mayayaman lamang ang may afford ng tuition fee dito.
Mayaman naman ang family ko, but then hindi nila ako suportado since senior high school pa, I started to become an independent person when I was 16 years old. Nag part time job ako para magkaroon ng allowance at pambili ng gamit, pambili narin sa mga projects sa school. Nahirapan ako sa pagbubudget minsan pero nagagawan ko rin ng paraan.
Sa bahay naman ako umuuwi ng mga time nayun, Isang Businessman ang tatay ko at isa namang Engineer ang nanay ko. May dalawa akong kapatid, si kuya Carlo isang police at si ate Camelle na siyang umaalalay kay dad sa negosyo dahil isa itong Business Ad graduate. Malayo ang loob nilang apat sakin, kapag nasa bahay sila ay pinapahirapan nila ako, marami silang inuutos at pinapaggawa sakin eventhough may mga maid naman kami sa bahay. Namanhid na nga ang likod ko sa daming beses akong nilatigo ng tatay ko kapag may nagagawa akong mali, ni minsan hindi ako kinampihan ng nanay ko o ng mga kapatid ko kapag sinasaktan ako ni papa. They hated me in the family because of being gay, masyado silang close-minded.
Nagsimulang mag iba ang pakikitungo nila sakin after I come out. Pinagkasundo kasi nila ako doon sa anak ng business partner ni papa. I was in my last year as a junior high school that time, they arranged everything para sana sa gaganaping engagement party, balak kasi sana nilang i-engage muna kami at ipapakasal nalang after college.
Naguluhan ako sa mga nangyayari that time at alam ko rin na I'm not into girl kaya nagdecide akong mag come out sa family ko before the engagement party. After kong sabihin sa kanila nagalit ng husto si dad at mom pati si kuya at ate. They even told me to choose to be straight, I just answer them that I can't and then my sufferings started. They think that being gay is like an illness that after you take medicine you will be cured. Tsk, napapangiti nalang ako ng mapait kapag naaalala ko yun. Hindi na natuloy ang engagement dahil umayaw din kasi yung anak ng business partner ni papa.
Maraming nagbago after ng come out ko, hindi na nila ako sinasabay sa pagkain at kapag magbabakasyon sila, they just only gave me 10 thousand pesos every month as allowance, compared sa monthly allowance ng mga kapatid ko ay nasa 10% lang yun.
Napilitan akong mag-aral noong nag senior high na ako sa public school na malayo sa bahay namin, hindi yun alam ng family ko ang alam kasi nila nagtratrabaho ako that time at busy then silang apat sa mga trabaho nila. Nag open din ako ng bank account at doon ko nilalagay yung 10k allowance na binibigay ni dad sakin, hindi ko binawasan ni sinko yung perang yun. Sabihin niyo ng mapride ako. Nag apply ako bilang part timer sa isang cafe na malapit sa school para naman may panggastos ako. Full time hour ako every weekend at pati holidays at vacation hanggang ngayon ay nagtratrabaho padin ako doon, actually malapit lang din iyon dito sa Haven University, walking distance lang.
Two months naring wala akong balita sa family ko, after kasi sa isang pangyayaring nagpagising sakin sa katotohanan na wala talaga silang pakialam sakin ay nagdecide akong bumili ng isang condo unit malapit sa cafe na tinatrabahuan ko gamit yung perang binigay sakin ng family ko, compensation fee siguro. Malaki rin kasi yun eh, 500k gamitin ko raw pambili ng gusto ko or magbakasyon raw ako. Tinanggap ko yun, deserve ko yung pera nayun dahil sa ginawa nila sakin.
Balik na tayo sa present, let the past be in the past na muna, eventhough it still pains me parin kapag naaalala ko yung mga nangyari.
Fashion Design ang kinuha kong kurso, gusto ko kasi talagang maging isang fashion designer.
Sa mahabang hallway ng Haven University ay maraming estudyante ang naglalakad tulad ko. Tumingin ako sa cellphone na hawak ko at tiningnan ang schedule ng klase ko na kinunan ko ng litrato kanina doon sa bulliten na nakapaskil malapit sa entrance ng school.
Dahil sa cp ko ako nakatingin at hindi sa daan ay may nabangga ako, nabitawan ko yung notebook na hawak ko mabuti nalang at yung cp ko ay hindi nalaglag, nauntog din ang ulo ko matigas na dibdib ng isang lalaki, paano ko nalaman na lalaki siya? sa uniform niya. So ganun na nga, napaatras ako ng konti at di na tiningnan ang mukha niya, humingi nalang ako ng sorry at mabilis na naglakad paalis.
First day ko to bilang college student, ayokong masangkot sa gulo tulad sa mga nangyayari sa mga napapanood at nababasa ko.
Naging maayos naman ang unang araw ko maliban nalang don sa banggaan kanina, nakalimutan ko kasing pulutin yung notebook ko na nahulog kanina. Hindi ko narin binalikan kasi sigurado sa dami ng tao doon, kung hindi nila kinuha ay sira nayun dahil sa daming aapak non.
Introduce yourself lang naman yung ginawa namin kanina kaya hindi ko rin kinailangan ng notebook para magtakedown notes.
Mula 8am to 11am tas sa hapon naman ay 1pm to 4pm ang klase ko, monday to friday yun. 5pm to 9pm naman ang duty ko sa cafe kaya may one hour pako para makakain ng hapunan, nakakagutom din kasi magtrabaho lalo pa at 9pm pa ang out ko at hindi ko rin pwedeng pabayaan ang sarili ko dahil baka atakihin na naman ako.
Umuwi na ako sa condo at naligo, kumain narin ako, 20 minutes before 5pm nung umalis ako sa condo at pumunta sa cafe.
Bumati ako sa mga kasamahan ko at pumunta sa employee's room para magpalit ng damit, may designated polo shirt na kulay blue kasi yung cafe na nagsisilbing uniform ng mga nagtratrabaho dito at nakatuck in dapat yun sa pants at yung pants naman kami na daw ang bahala wag lang daw magshorts. May apron din naprovide din ng may ari ng cafe, doon nakalagay yung logo at pangalan ng cafe, isang computer made cup na may usok yung logo at sa ibaba nito nakalagay ang "Your Cafe" na siyang pangalan ng cafe na pinagtratrabahuan ko.
Nagsimula na kong mag serve, taga serve kasi ang trabaho ko dito. Apat lang ang regular employee dito at isa nalang akong natirang part timer dito dahil pasukan na kaya umalis na yung ibang part timer, open to hire narin ito para sa magpapart time dahil mas dadami raw ang costumer dahil pasukan na at asahan na naman namin daw ang pagdagsa ng costumers. Matagal nako dito mahigit 2years na kaya alam ko narin yun. Tatlo ang nakapwesto sa counter at dalawa nalang kami ang tagaserve. Kinakaya ko naman kahit papano kahit nakakapagod narin.
Mga 8pm narin at maliit nalang ang tao sa cafe ng may tatlong lalaki ang pumasok, napansin ko ang uniform na suot nila ay uniform iyon sa Haven University. Kung titingnan ang mga mukha nila ay sa tingin ko ay senior ko sila at mas ahead sila sakin, siguro nasa third year o fourth na. Dumiretso sila sa counter para mag order. Pinagpatuloy ko narin ang trabaho ko. Di nagtagal tinawag ako ni ate Kakai na pumunta sa counter.
"Ito Cairo, iserve mo don sa tatlong gwapong estudyante sa table 5." nakangiting sabi sakin ni ate Kakai.
"Sege po ate." sagot ko naman sa kanya at binuhat ko na yung tray na may laman na tatlong baso ng kape. Nagpunta na ako sa table 5.
"Here's your ordered coffee, mga sir." sabi ko sa tatlong estudyante kanina, hindi ko narin kailangan piliin ang pagbibigay nung order nila kasi pareho namang kape amerikano yung order nila. Inisa isa ko na lagay sa mesa yung tatlong baso. Nag bow ako at nag thank you sa kanila, natigil sila sa pag uusap, nag uusap kasi sila kanina, Pagtaas ko ng ulo ay saktong nakatingin sakin ang lalaki sa gitna nilang tatlo, nagtama ang mga mata namin at nakitaan ko siya nang pagkagulat dahil lumaki ng konti ang mata niya na para bang sinasabing nagkita na kami.
Nagbow nalang ulit ako para di maging awkward at umalis na pagkatapos, hindi ko naman kasi siya kilala eh.