TRES' POV: "ANG PAGSUSULIT ay nasusukat doon kung hanggang saan ang kakayahan mo kung pwede kang tumuntong sa unang baitang o hindi." Mahinahong paliwanag ko kay Sais. "Mahirap po ba 'yon?" Nginitian ko siya. "Hindi. Alam kong kaya mong sagutin 'yon dahil tulad namin nina Kuya Uno, Dos, Quatro at Sinco, alam naming matalino ka kaya may tiwala kami sa'yo." Niyakap na lang ako ni Sais at saka siya nagpaalam na makikipaglaro sa kaniyang Kuya Quatro at Kuya Sinco habag ako naman ay dumiretso na sa kusina upang magsaing para sa aming tanghalian. Pagpasok ko sa kusina, nadatnan ko si Kuya Dos na nasa harapan ng kalan at abala ito sa pagpapaypay. "Akala ko ba mamamahinga kayong dalawa ni Kuya Uno, bakit naging abala kayo bigla rito sa loob ng bahay?" sambit ko bago ako lumapit sa mesa at na

