TRES' POV: "BAKIT niyo ho ako ipinatawag?" tanong ko kay Mayor Romualdo isang araw matapos ang pista sa aming baryo. Kasalukuyan akong nasa silid-aklatan ng kanilang bahay at hindi alam ni Inches na narito ako dahil isinama siya sa Maynila sa hindi ko malamang dahilan. "Gusto ko sanang i-extend ang pakiusap ko sa'yo, Tres. Kung ayos lang sa'yo?" ani ni Mayor habang nakaupo ito sa kaniyang swivel chair at ako naman ay nakatayo lamang sa harapan ng kaniyang mesa. "Pero ang sabi niyo ho sa akin ay sasamahan ko lang si Inches hanggang sa masanay ho siya sa pamumuhay rito sa Buenavista?" Ayos lang naman sana sa akin na samahan ulit si Inches dahil kaibigan ko naman siya ngunit pinagsabihan na ako ni Kuya Uno na tigilan ang pakikipag-kaibigan kay Inches dahil napapabayaan ko na ang mga kapa

