TRES’ POV:
BALOT ng pawis ang buo kong katawan habang nakikipag-laro ako ng habulan sa mga batang kasing edad ko rito sa Buenavista. Bakasyon na kasi mula sa ekwela at ito na ang panahon para magbabad kami mula sa ilalim ng sikat ng araw. Ang bakasyon mula sa eskwela ang isa sa mga pinaka-hihintay naming dahil bukod sa makakapag-pahinga kami mula sa bunganga n gaming guro, makakapagpahinga rin kami mula sa araw-araw na pakikipagsapalaran upang makapasok lamang sa eskwela.
Ako nga pala si Tres Encarnacion, sampung taong gulang na namulat sa hirap ng buhay na tanging kasama na lamang ay an gaming Ina na si Linda Encarnacion at ang mga kapatid ko na si Kuya Uno, Dos, Quatro, Sinco at Sais. Hinango ang mga pangalan naming sa numero dahil grade 2 lang ang tinapos ni Nanay at maaga rin itong nabatak sa trabaho upang punan ang pagalin nilang mag-anak araw-araw at hanggang ngayon ay dala ni Ina yang paghihikahos dahil iniwan kami ng Itay matapos akong ipanganak si Sais. Halos taon lang ang agwat naming magkakapatid at pitong taong gulang pa lamang si Sais. Dapat nag-aaral na rin ito tulad naming ngunit masyado kaming kapos sa pera. Isang kahig isang tuka na nga lang ang siste naming mag-anak ngunit sa awa ng Diyos ay nakakaroas naman kami kahit papaano.
“Taya!” sigaw ni Centi nang mahabol ako nito kaya ako na ngayon ang taya. Tumigil ako mula sa pagtakbo bago ko tinanggal ang aking tsinelas na pudpod na sa kakalaro at inilay koi yon sa magkabila kong siko bago ako kumaripas ng takbo at hinabol ang iba naming kalaro rito sa kalsada.
Ang ingay naming ang siyang bumubuhay sa kalsada mula umaga hanggang gabi at tila hindi kami nakakaramdam ng ano mang pagod basta ba alam naming masaya kaming lahat. Hinabol ko si Banding na isa sa mga kalaro naming malusog at dahil sa katabaan niya ay mabagal itong tumakbo kaya siya ang nahabol ko.
“Taya!” marahang palo ko sa kanyang likuran dahilan para mapanguso ito at huminto sa pagtakbo habang habol ang kaniyang hininga.
“Ang daya mo naman, Tres! Dati ka bang may makinarya sa katawan mo at ang bilis mong tumakbo?” reklamo nito sa akin.
Inayos ko muna ang tsinelas na nakapaloob sa aking braso at saka tinignan si Banding.
“Mabagal ka lang talagang tumakbo dahil diyan sa katabaan mo. Mag-ehersisyo ka naman kahit minsan?”
“Ginagawa ko naman ngunit mas masarap pa rin ang kumain lalo na kong may pagkaing nakahain sa hapag kainan.”
Napangiwi ako. “Edi ikaw na ang maraming pagkain, ako na ang hampas lupa. Tumakbo ka na bago pa sila magsiuwian at hindi na bumalik pa. Tumbang preso naman ang lalaruin natin mamaya kapag nataya mo si Jobert,” utos ko kay Banding na agad nitong sinang-ayunan at hihingal-hingal na hinabol so Jobert.
At dahil nataya na ako, pumwesto muna ako sa ilalim ng puno ng manga na nagkalat dito sa kalsada upang magpahinga. Hinubad ko ang suot kong damit at pinunasan ang aking mukha, leeg at dibdib maging ang maikli kong buhok na basa na rin ng pawis ay pinunasan ko na hanggang sa matanaw ko si Nanay na hawak-hawak ang palanggana na pinaglagyan nito ng gulay kaya naman isinampay ko ang damit na hinubad ko sa aking balikat at patakbong nilapitan ang aking Ina.
“Nay, naubos niyo na po agad ang paninda? Maaga pa po ah?”
Nagsalubong ang kilay ni Nanay sa akin. “Diyos ko kang bata ka, magdamit ka nga!”
“Basa na po ng pawis ang damit ko at isa pa ako naman po ang maglalaba nito, Nay. Ayaw ko po kayong mahirapan.” Akmang kakaltukan ako ni Nanay sa ulo ngunit agad akong nakaiwas kaya natigil sa ere ang kamay nito.
“Puro ka rason, edi sana nagdala ka ng damit pamalit mo kung gusto mong maglaro buong magdamag hindi iyong basta kan lang maghuhubad ng damit!”
“Nay, lalaki naman ako kaya ayos lang na alisin ko ang damit ko.”
Puro lalaki rin kasi ang mga kapatid ko kaya nakikisabay ako sa kanila sa uso. Wala namang masama kung magtatanggal ako ng damit hindi ba? Mas masama ay iyong hahayaan kong matuyo ang pawis sa likuran ko dahil sa kakalaro.
Inakbayan na lang ako ni Nanay bago ko nilingon ang mga kalaro ko.
“Oy! Uwi muna ako ah? Kita na lang tayo mamayang hapon sa burol. Dalhin ni’yo ‘yong mga saranggola ninyo,” sigaw ko.
“Sige Tres, kitakits na lang mamaya.”
Tinanguhan ko na lang sila bago ako hinila ni Nanay palayo sa mga kalaro. Mukha lang kaming magkapatid ni Nanay lalo na’t nakapag-asawa siya sa edad na tatlumpong taong gulang. Tinahak naming ang daan pauwi sa aming bahay nang makasalubong naming si Aling Amalia; isa sa mga katiwala n gaming butihing Ama ng Buenavista – si Mayor Ricky Buenavista.
“Oy Linda, sakto nakasalubong kita.”
Huminto si Nanay upang harapin si Aling Amalia kaya pati ako ay napahinto rin habang hubad baro at nasa balikat ko pa rin ang aking basing damit.
“Amalia, bakit?” tanong ng aking Inay.
“Magkakaroon kasi ng salu-salo sa bahay ni Mayor mamayang gabi at gusto ko sanang tumulong ka sa amin sa pagluluto? Babayaran ka naman at isa pa ipinakiusap din ni Mayor na kung pwede ay isama mo si Tres,” bumaba ang tingin sa akin ni Aling Amalia kaya nagtaka ako.
“Bakit daw ho?”
“Darating kasi ‘yong pamangkin ni Mayor at gusto niya samahan mo ito sa paglilibot sa buong Buenavista. Ang rinig ko eh galing sa ibang bansa ang batang iyon kaya ipagkakatiwala ni Mayor ito sa’yo, Tres. Papayag ka ba?”
Napatingin ako kay Inay at ganoo din ito sa akin kaya nagkibit-balikat ako. Bakasyon naman at isa pa wala namang masama kung tutulong ako sa kapwa lalo na’t paglilibot lang naman sa Buenavista ang gagawin namin.
“Kung hindi naman ho, nakakaabala ay ayos lang po sa akin.”
“Naku, salamat. Magkita na lang tayo sa bahay ni Mayor mamayang tanghali, Linda. Mamalengke pa kasi ako at nauna na ang sasakyan ni Mayor doon. Alam mo namang mahihilohin ako sa byahe kahit malapit lang. Sige, mauuna na ako sa inyo.”
Tinalikuran kami ni Aling Amalia matapos niyang magpaalam sa amin ni Inay at kami naman ay tinungo ang kasalungat na direksyon.
“Sigurado ka ba sa desisyon mong sumama sa akin mamaya para makilala ang pamangkin ni Mayor?” untag sa akin ni Nanay habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay at natatanaw ko na si Sais na tahimik na naglalaro sa aming bakuran kasama si Quatro na siyang bantay niya.
“Oho, Nay. Minsan lang naman makiusap si Mayor at isa pa eh bakasyon naman ho.”
Nang tuluyan kaming makarating sa bahay, agad kaming sinalubong ng mga kapatid ko bukod sa dalawa pa naming nakatatandang kapatid dahil abala ang mga ito bilang construction worker sa kabilang bayan. Pumasok na kami sa loob ng bahay kasama si Sais at Quatro kaya naman dumiretso ako sa kwarto naming ni Nanay para kumuha ng pamalit dahil maliligo ako mamaya bago kami pumunta ni Inay sa mansion ng mga Buenavista. Nakakahiya naman kung dugyot akong pupunta hindi ba? Baka itakwil ako agad ni Mayor edi iyak ako sa gilid.
ANG marangyang bakuran ng mga Buenavista ang siyang bumungad sa amin ni Inay nang pumasok kami sa kanilang balwarte at kumakaway sa amin ang fountain sa harapan ng kanilang mansion. Kahit ilang beses na akong nakakapasok dito at tila bago pa rin sa paningin ko ang lugar na ito. May halong Spaniard at Victorian era ang bahay na ito na may kaonting modernasisyon dahil sa Maynila nananatili ang pamilya ni Mayor pero kahit ganoon pa mana, mababait ang mga anak nito at hindi sila katulad ng sabi-sabi sa kwento na mga mapangmataas bagkus nakikisalamuha sila sa amin na tila kasing level lang kami ng kanilang pamimuhay.
Dumiretso kami ni Nanay sa malaking kusina ng mga Buenavista at nadatnan naming doon sina Aling Amalia na abala na nga sa pagluluto at halos magkandaugaga ang mga tao rito sa kusina dahil mukhang maraming tao ang darating mamayang gabi.
“Amalia,” tawag ng aking Inay sa Ginang na siyang kumausap sa amin kanina.
“Salamat sa Diyos at nandito ka na, Linda,” bakas sa mukha ni Aling Amalia ang pagiging ngarag kaya naman tumayo ako sa isang sulok dahil ayaw ko namang makaabala sa kanila.
“Ano bang maitutulong ko?” rinig kong tanong ng aking Inay.
“Kung pwede sana sa’yo ko ipagkakatiwala ang pagluluto ng mga ulam? Alam kong magaling ka roon kaya sigurado akong hindi mo ako bibiguin.”
“Masyado mo namang pinapagaan ang loob ko, Amalia. Sige, ako na ang bahala.” Bumaling sa akin si Inay at sumenyas ito sa akin na lumapit sa kanya kaya naman agad koi tong sinunod.
“Pumunta ka na muna sa hardin, Tres. Hintayin mo na lamang ako roon.”
Marahan akong tumango kay Inay at saka nilisan ang kusina upang pumunta sa hardin ng magandang asawa ni Mayor Buenavista. Sa totoo lang, kabisado ko ang pasikot-sikot ng bahay na ito dahil pumupunta kami rito tuwing may okasyon, hindi bilang bisita kundi kasama sa mga gagawa ng handa para sa bulwagan.
Nang marating ko ang hardin, tinungo ko ang gazebo at doon ako naupo habang pinagmamsdan ang koi fish sa ilalim nito. Elevated ang gazebo at gawa lamang ng tao ngunit maganda ang kinalabasan nito lalo na’t napakaaliwalas ng hardin.
Minsan ko na ring pinangarap na manirahan sa ganito karangyang buhay ngunit hindi na ako naghangad pa ng mas angat sa kung ano ang meron ako ngayon. Kontento na ako na kasama ko si Inay at ang mga kapatid ko.
“Who the hell are you and what are you doing here?”
Nawala ang paninitig ko sa mga isda at iniangat ang aking mukha at tumambad sa akin ang bulto ng isang bata na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang.
“Alien ka ba?” wala sa sariling tanong ko.
“What?”
“’Cause you alien my mind,” matigas na sambit ko sa wikang banyaga.
Umalis ako mula sa aking kinauupuan at hinarap ang bata at mukhang ito na ang sinasabi nilang pamangkin ni Mayor.
“Ako nga pala si Tres Encarnacion,” inilahad ko ang kamay ko sa kanyang harapan bilang tanda ng pakikipagkilala. “Ikaw? Anong pangalan mo?”
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit kalaunan ay tinanggap nito ang aking kamay. “Inches Dihumaba.”