TRES’ POV:
Ang weird ng pangalan niya kasi sa akin Tres tapos sa kanya Inches? Pakiramdam ko pinagtapo kaming dalawa bilang maging matalik na kaibigan.
Ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi ang naglalarong kalokohan sa aking isipan at saka binitawan ang kamay ni Inches.
“Anong ginagawa mo rito?” sa tingin ko magka-edad lang kaming dalawa at tila may lahi itong banyaga dahil sa ganda ng kutis at mga mata nito na kulay ginto.
“I should be the one to ask you that. What are you doing here in the garden of our house?” seryoso lamang ang mukha nito habang sinasambit iyon at tila labag sa kaniyang kalooban an tumuntong ako sa kanilang teritoryo.
“A-Anong sabi mo? Pasensya na hindi kasi ako maalam sa salitang banyaga.”
Umirap ito sa akin na akala mo ay isa akong ignoranteng nilalang ngunit masyadong limitado ang kaalaman ko at isa pa hindi pa ako nakakatungong ng hayskul para mapag-aralan ng mabuti ang salitang ginagamit niya.
“I said, anong ginagawa mo rito sa aming hardin?”
Napatango ako at ngumiti sa kanya. “Ah, iyon pala. Inutusan ako ng Inay na manatili muna rito dahil abala sila sa pagluluto sa loob at isa pa pinakiusapan ako ng Mayor a pumunta rito sa kanilang mansion.”
Umangat lamang ang isang kilay nito at saka tumungo sa gazebo kung saan ako nakaupo kanina at siya na ngayon ang pumalit sa ginagawa ko kanina sa pagmamasid sa koi fish na lumalangoy sa ilalim ng gazebo. Ngayon ko lang nakita ang batang ito at mukhang siya ang batang sinasabi ni Mayor na samahan ko sa paglilibot sa buong Buenavista. At mukhang wala itong balak na makipag-usap sa akin kaya hinayaan ko na lamang ito at saka ako umupo sa damuhan at pinagmasdan ang mga bulaklak na sumasayaw sa hangin.
Minsan ko na ring pinangarap na magkaroon ng ganito kagandang hardin ngunit masyadong malamig ang ugat sa kamay ko kaya bawat halaman na itatanim ko ay namamatay agad kaya sumuko na ako. Kahit naman may taniman kami ng gulayan sa bukid, si Inay lang ang nagtatanim niyon kasama si Kuya Uno at Kuya Dos dahil sila ang pinagpala ng may magaan na kamay.
Sana lahat katulad nila na literal na pinapalad no? Samantalang ako ay walang maiambag bukod sa galling ko sa pagbibilang ng numero kaya kapag nagtitinda kami ni Nanay sa palengke ay ako ang kasama niya pag marami siyang ititinda pero kung kaunti lang naman ay siya na lamang mag-isa.
“What’s your relationship with the Mayor?” napaigtad ako nang may bumulong sa tainga ko aat paglingon ko ay ang seryosong mukha ni Inches iyon.
“H-Huwag mo nga akong ginugulat,” singhal ko rito bago ko hawakan ang aking tainga kung saan ramdam ko pa rin ang init ng kanyang hininga. “Ano ba iyon?”
Bumusangot ang mukha nito dahil sa reaksyon ko at saka ito naupo sa tabi ko nang hindi alintana ang putik na pwedeng kumapit sa mamahaling damit nito.
“Tinatanong ko kung anong relasyon mo sa Mayor? Anak ka ba niya sa labas?” ginaya nito ang pwesto ko na nakatiklop ang tuhod habang yakap-yakap koi to at nakapatong ang aking baba sa ibabaw niyon. Pareho na kaming nakatitig sa mga bulaklak ng rosas na siyang nasa harapin namin.
“Baliw, hindi. Umalis ang tatay ko noong sanggol pa lamang ang bunso kong kapatid at isa si Mayor sa mga tumutulong sa amin at isa pa malapit talaga ang loob ko sa kanya dahil hindi niya ako itinuturing na iba. Paano ko ba sasabihin?” napatitig ako sa carpet na siyang kinauupuan namin at inisa-isa kong bunutin ang dahon niyon bago muling nagsalita. “Sa bayan kasing ito na ako lumaki at nasilayan ko na ang pamamalakad ni Mayor Buenavista at mabait talaga siya sa mga tao rito sa baryo. Hindi naman gaanong malaki ang baryo namin kaya sa tuwing magpapatawag ang Mayor para humingi ng asitensiya namin ay agad naming pinauunlakan. Kumbaga give and take ang tawag nila. Inilagay namin si Mayor sa kanyang posisyon para tulungan ang mahihirap at siya naman ay humihingi ng pabor sa amin kapag kailangan niya ang lakas ng taong bayan.”
“Hmm… your place is kind of interesting. Anyway, ilang taon ka na?”
“Sampu. Ikaw ba?”
“Labing-isa. Uh, do you want to go inside the house, I mean gusto mong sumama sa akin sa loob?” tugon pa nito bago itinuro ang pintuan papunta sa loob ng mansion kung saan abala ang mga tao.
“Huwag na. Makakaabala lang tayo sa kanila tyaka ang bilin sa akin ng aking Inay ay manatili lamang rito sa hardin dahil tiyak na hahanapin niya ako pagkatapos ng kanyang trabaho.”
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at akala ko nakatulog na ito habang nakaupo sa tabi ko ngunit nanatiling dilat ang mga mata nito at tila may malalim na iniisip kaya naman hindi ko mapigilang magtanong.
“Kung hindi mo mamasamain, anong relasyon mo kay Mayor? Ang totoo niyan, pinapunta ako rito para samahan ko raw ang pamangkin niya na gumala sa buong Buenavista. Ikaw ba iyon?”
May dumaang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata ngunit agad rin itong nabura at saka tumingin sa akin.
“Pamangkin ako ng Mayor at oo, ako nga ang tinutukoy mo na sasamahan sa paglilibot sa buong Buenavista. Although, hindi ko naman ng alalay para gumala dahil hindi naman ako interesado sa paglilibot.”
“Ano ka ba!? Maraming magagandang tanawin sa Buenavista at mamamangha ka dahil sagana kami sa biyaya ng kalikasan. Kahit ayaw mong gumala ay isasama pa rin kita dahil ako naman ang malilintikan kay Mayor kapag hindi ko siya sinunod.”
“Sa hindi nga ako interesado. Mas gusto ko pang bumalik sa lugar kung saan ako nanggaling kaysa manatili rito ngunit wala na akong babalikan sa bansang iyon.”
Nakaramdam naman ako ng lungkot ng biglang gumaralgal ang kanyang boses at parang ilang segundo lang ay iiyak na ito kaya naman hinawakan ko ang kanyang balikat.
“Huwag kang mag-alala, Inches. Ako ang bahala sa’yo at sisiguraduhin kong magugustuhan mo rito sa Buenavista.”
Pagsapit ng gabi, magkasama na kaming dalawa ni Nanay at siya ay tumutulong sa pagsisilbi ng mga pagkain sa mga bisita at ako naman ay tahimik lang sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga taong nakasuot ng magagarang damit.
Mula sa mamahaling chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng bahay ni Mayor Buenavista, ang engrandeng staircase nito na tila masarap gawing slide at ang mga pagkain na pinaghirapan ng mga taga-Buenavista.
“Good evening to all of you. I just want to thank you for accepting the invitation of our good Mayor for this hall where he wants to introduce us to his nephew as part of their family. Please welcome, Mayor Romualdo Buenavista together with his wife Mrs. Risa Buenavista and Inches Dihumaba.”
Sumabog ang masigabong papalakpakan sa buong paligid kaya pati ako ay nakipalakpak na rin habang bumababa ng magarbong hagdanan ang mag-asawang Buenavista kasunod ang may seryosong mukha ni Inches.
Bagay sa kanyang maging anak mayaman katulad ni Mayor Buenavista ngunit pamangkin lamang ito ng Mayor at ang maging kapamilya lamang nito ay isa nang prebilihiyo.
“Maraming salamat sa pagpunta ninyo at sa maiinit na pagtanggap sa aking pamangkin na si Inches. Enjoy the night, everyone.” Kahit isa ay wala akong naintindihan sa mga sinsabi nila bukod sa pagsasabi ng salamat kaya nagkibit balikat na lang ako bago ako lumapit kay Nanay.
Kinulbit ko ang braso ni Nanay kaya naman napalingo ito sa akin at bumaba ang kaniyang mukha sa akin.
“Bakit Tres?”
“Nagugutom na po ako, Nay. Hindi pa po ba tayo kakain?” Sa katunayan, kanina ko pa tinitiis ang gutom ko dahil ilang oras na kaming nanatili na Nanay dito at isa pa naghihintay sa amin ang mga kapatid ko at nakalimutan ko na ring maglalaro pala kami dapat ng saranggola sa burol kaninang hapon ngunit inabot na nga ako ng gabi rito sa bahay ng mga Buenavista.
“Pwede ka namang kumuha ng plato at kumain sa isang sulok o kaya doon sa gazebo? Sige na, kumuha ka na ng plato.”
Sinunod ko ang utos ni Nanay at saka ako kumuha ng plato at ibinigay sa kanya. Silang dalawa na mismo ni Aling Cecile ang nagsalok ng pagkain ko na may kasama pang panghimagas na banana sundae kaya naman agad na kinuha ko ang plato at saka tahimik na tinahak ang bakuran ng mga Buenavista at doon ako tahimik na kumain.