Kabanata 3:

1503 Words
TRES’ POV: Akala ko magiging matiwasay na ang paglantak ko ng pagkain ng biglang lumitaw si Inches dahilan para mabilaukan ako at inihit ako ng ubo. Binitawan ko muna ang hawak kong plato at saka dinamba ang dibdib ko upang mawala ang bara ngunit inabutan lamang ako ni Inches ng tubig at walang pagdadalawang isip na tinungga ko yon hanggang sa maubos. Naiiyak na binitawan ko ang basong ibinigay niya sa akin at saka siya hinarap. “Bakit ba lumilitaw ka na lang bigla? Ano bang kailangan mo?” “Ang sabi mo sa akin, ikaw ang bahala sa pananatili ko rito sa Buenavista kaya kahit saan ka magpunta ay dapat naroon ako. Akala ko umuwi ka na at nang tanungin ko ang isa sa mga nagsisilbi sa mesa ay sinabi niya sa akin na nandito ka,” aniya gamit ang malamig na boses nito dahil wala man lang kaemo-emosyon. “Sinabi ko nga pero hindi ibig sabihin niyon sisimulan ko na ngayon. Para sa’yo ang gabing ito pero nandito ka sa harapan ko? Bakit hindi mo harapin ang mga bisita mo at makipagkilala ka sa kanila?” padabog na umupo si Inches sa tabi ko at saka ito humalukipkip at napanguso. Hindi ko alam kung bipolar ba ang isang ito may ito o may topak lang talaga? Haharapin niya akong walang emosyon ang mukha tapos makalipas lamang ang ilang sandali ay nagmamaktol na ito. Ganito ba ang mga bata sa ibang bansa? “Hindi ko bisita ang mga iyon at ikaw lang kasing edad ko ang nandito. Sa tingin mo sino ang gaganahang makipag-usap sa matatanda kung ang alam lang nila ay pera, negosyo at politiko?” Napaisip ako, “Sabagay, may tama ka naman. Baka gutom lang yan, tara kumain na lang tayo.” Inilagay ko sa gitna namin ang plato na mayroon iba’t-ibang uri ng pagkain at akala ko mag-iinarte pa ang isang ito ngunit agad naman ako nitong sinaluhan at naghihiraman kami ng kutsara dahil isa lang naman ang dala ko. Hindi ko naman inaasahan na magsasalo kami sa iisang plato. Hanggang sa matapos kaming kumain, isang malakas na dighay ang binitawan ni Inches at napatakip pa ito sa kanyang bibig. “S-Sorry,” nahihiyang sambit nito at namumula rin ang kanyang tenga ngunit nginitian ko lang ito. “Nagugutom pa ako. Pwede kayang kumuha ulit doon?” hindi pa ako nabubusog dahil mas marami ang nakain ni Inches kaysa sa akin at mukhang hindi rin ito kumain mula nang dumating sila sa bayan ng Buenavista. “Tara? Mayaman naman si Mayor. Hindi naman kawalan sa kanya kung marami tayong kakainin at isa pa sabi mo nga ay para sa akin ang gabing ito?” Natawa na lang ako sa tinuran ni Inches at saka kami magkasamang pumasok ng bahay at nadatnan naming abala nga ang matatanda sa pag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay hanggang sa mamataan ako ni Mayor Romualdo. “Tres,” magiliw na pagtawag nito sa akin bago iniwan ang mga kausap nito at lumapit sa aming dalawa ni Inches, “Nagkakilala na pala kayo nitong pamangkin ko?” Inakbayan pa nito si Inches at kahit isang emosyon ay wala na naman akong mabasa sa kanyang mukha. “Ah, opo. Kaninang hapon lang ho doon sa gazebo. Siya ho ba iyong tinutukoy ninyong sasamahan ko habang nananatili siya rito sa Buenavista?” “Uhm, oo Tres. Kung okay lang sana sa’yo? Bakasyon naman mula sa eskwela hindi ba?” “Opo. Mabait naman po si Inches tyaka nagkakasundo naman po kaming dalawa. ‘Di ba, Inches?” baling ko sa kanya. “Yeah.” Natawa na lamang si Mayor dahil sa tipid na sagot ni Inches. “Anyway, eat whatever you want at pakiusap ko sana sayo na kung pwede mong samahan si Inches sa kwarto niya at doon na kayo manatili? I mean, pwede kang matulog rito sa bahay.” Napangiwi ako. Hindi ko alam kung may ideya ba si Mayor sa kasarian ko ngunit tumango na lang ako sa kanya at isa pa baka gusto nga ni Inches ng makakasama kaya pumayag na lamang ako. “Sige ho, magpapaalam na lang ho ako sa nanay ko.” “Great. Iiwan ko na kayong dalawa, ha? Please, enjoy.” Iniwan na kami ni Mayor Romualdo at napatingin ako kay Inches nang bumalik sa malamig na pakikitungo ang kanyang mukha kaya naman sinilip ang kanyang mga mata. “Bakit tila malamig ang pakikitungo mo sa iyong Tito? Ayos ka lang ba?” Naging malambot muli ang ekspresyon ng mukha ni Inches, “Ayos lang ako. Tara na? Doon na lang tayo sa kwarto ko dahil maingay rito. Maglaro na lang tayo ng computer games doon o kaya manuod ng action movies.” Hindi ko alam kung anong tinutukoy niyang computer games at action movies dahil wala naman akong ideya sa mga ganoong bagay. Nagkibit balikat na lang ako at saka kami naglakad papunta sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang iba’t-ibang klase ng pagkain at saka ako lumapit sa aking Inay. “Inay,” tawag ko dahilan para mapalingon ito sa akin. Bakas na sa mukha ni Nana yang pagod ngunit hindi pa siya makakaalis hanggat hindi pa natatapos ang pagtitipon na ito. “Pwede po bang humingi ulit ng pagkain tapos pakidamihan na lang po kasi kakain din po si Inches,” Napatingin si Nanay kay Inches na abala na palang sinisipat ang mga panghimagas. “Nagkakilala na pala kayo ng pamangkin ni Mayor? Mukhang mabuting bata naman ang isang iyan.” “Opo Nay, kaninang hapon lang ho doon sa gazebo. Ito po iyong plato, Nay,” kinuha ni Nanay ang plato na nasa kamay ko at saka niya sinimulang lagyan ng kanin at ulam. “Nga pala Nay, nakiusap ho si Mayor na kung pwede ko raw po bang samahan si Inches sa kwarto niya? Gusto po ni Mayor na dito po ako matulog sa bahay nila,” Napalingon si Nanay sa akin, “sigurado ka ba anak? Paano kung hanapin ka ni Sais?” “Eh pansamantala lang naman po Nay tyaka sayang rin ho ang maiipon ko habang sinasamahan si Inches hindi po ba? Malaking tulong din po yon sa atin. Dalawang buwan lang naman po.” "Kung iyan ang gusto mo ikaw ang bahala. Ito na ang pagkain. Anong panghimagas ang gusto mo?” “Uh, excuse me. Can you bring this leche flan inside my room? Pakisamahan na rin ng juice at dalawang baso.” Rinig kong sambit ni Inches kay Aling Amalia na ngarag na kaya naman napalingon ito sa gawi namin. “A-Ano raw?” Napabuga ako ng hangin at saka nilapitan si Inches, “hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng wikang ginagamit mo, Inches. Pasensya na.” “It’s fine,” aniya bago muling tumingin kay Aling Amalia. “Pakipadalhan na lang nitong panghimagas sa aking kwarto at isang pitsel ng juice, kung maaari sana?” “A-Ah, sige po. Masusunod po.” Lumingo sa akin si Inches at saka ako nito sinenyasan na aakyat na kami ng hagdan upang pumunta sa kanyang kwarto kaya naman sumunod na ako sa kanya kasama ang platong puno ng pagkain para sa aming dalawa. Habang tinatahak namin ang napakagarbong hagdan ay inusisa ko si Inches. “Inches, galit ka ba?” hanggang sa marating namin ang pinaka dulo ng ikalawang palapag, lumingon si Inches sa akin. “Hindi. Bakit naman ako magagalit?” “Uh, kasi pinangaralan kita dahil sa lenggwahe mo? Pasensya na hindi ko sinasadya. Ito kasi ang unang beses na makarinig at may makausap kaming nagsasalita ng ibang lenggwahe.” Nakaramdam ako ng hiya bigla dahil baka natatapakan ko na ang paniniwala ni Inches lalo na sa lenggwaheng kinamulatan nito. “Hindi, ayos lang. Nakakapagsalita naman ako ng tagalog. Nasanay lang talaga ako magsalita ng wikang ingles dahil sa Amerika ako lumaki ngunit sinanay ako ng Mommy ko na magsalita sa wikang Filipino hanggang sa masanay ako.” Binuksan ni Inches ang isang pinto na nasa pinakadulo ng pasilyo na siyang tinatahak namin at bumulaga sa akin ang malawak na kwarto na doble yata ang laki ng bahay namin. Niluwangan ni Inches ang pagkakabukas nito nag pinto at saka niya ako hinintay na makapasok bago niya muling isinara ang pinto at nanginig ako nang gumapang ang lamig sa loob ng kanyang kwarto. “Bakit ang laming ng kwarto mo? May yelo ba rito?” Sumilay ang ngiti sa labi ni Inches na ngayon ko lang nasilayan sa buong maghapon na magkasama kaming dalawa. Ang ganda ng ngiti niya na umabot sa kanyang mga mata. “Dala lang ng aircon yan. Doon tayo sa terrace.” Nauna itong maglakad at saka binuksan ang isang sliding door at bumulaga sa akin ang milyon-milyong bituin sa kalangitan. Naupo si Inches sa isang silya bago nito tinanggal ang suot niyang coat at isinampay sa kanyang upuan na gawa sa bakal kaya naman sumunod ako sa kanya at naupo sa kanyang harapan bago ko inilapag sa mesa ang platong dala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD