Kabanata 4:

1457 Words
TRES’ POV: “Hindi ko akalain na maganda palang pagmasdan sa mataas na parte ang madilim na kalangitan na may kasamang kinang ng mga bituin at bilog na buwan?” basag ko sa katamikan naming dalawa dahilan para mapatingin din si Inches sa langit na puno ng bituin. “Ito rin ang unang beses na pagmasdan ko ang bituin na iba ang kasama mula ng mamatay ang mommy ko. Alam mo bang paboritong pagmasdan ni Mommy ang kalangitan dahil sabi niya, ang mga bituin ang siyang gabay niya rito sa mundong ibabaw habang nabubuhay siya ngnuit hindi ko inaasahan na siya na mismo ang titingalain ko sa langit kasama ang milyong-milyong bituin na iyan.” Bakas ang lungkot sa mga mata ni Inches at doon ko napagtanto ang totoong dahilan kung bakit paiba-iba ang kanyang emosyon dahil wala na pala siyang kasama sa buhay. “Ikinalulungkot kong marinig iyan, Inches. Kaya ba iniuwi ka rito ni Mayor dahil wala nang mag-aalaga sa’yo?” Kumuha ng lumpia si Inches at kumagat doon bago nagsalita. “Ang totoo niyan, kaya ko namang mabuhay sa ibang bansa na ako lang mag-isa ngunit dumating si Mayor at nagpakilalang Tito ko siya at handa niya akong kupkupin kaya narito ako ngayon sa poder niya,” “Buti nga sumama ka papunta rito edi sana hindi mo ako nakilala?” Pagak na tumawa si Inches sa aking tinuran. “Oo nga. Kung hindi ako pumunta rito baka hindi ako makakilala ng taong tulad mo sa Amerika. Ang totoo niyan, ikaw ang una kong kaibigan, Tres,” “Edi maging matalik na magkaibigan na lang tayong dalawa? Magkasama tayo hanggang tumanda.” “Mukhang matatagalan nga ang pananatili ko rito at gusto kong masasaksihan ang uri ng pamumuhay rito sa Pilipinas na hindi ko naranasan sa ibang bansa.” Buong gabi ay nagkwentuhan lang kaming dalawa ni Inches na tila sarili naming ang mundo at sa maikling oras na iyon ay unti-unti kong nakikilala si Inches. Hanggang sa magising na lang ako kinaumagahan na nasa kama ni Inches at tulog rin ito sa tabi ko at tuloy pa rin sa pagsasalita ang telebisyon dahil hindi naming natapos ang pinapanuod namin. Nakita ko sa digital clock niya na alas tres pa lang ng umaga at sanay akong gumising maaga dahil sa ganitong oras ay nag-iigib na kami ng tubig at mag-aani ng gulay. Marahan akong bumaba sa kama ni Inches bago ko pinatay ang telebisyo at saka kinuha ang platong pinagkainan naming dalawa at tahimik na lumabas ng kwarto. Todo ingat pa ang paghakbang ko dahil baka pati sina Mayor ay magising ko. Nakakahiya naman kung maisturbo ko sila lalo na’t nakikitulog lang ako sa mansion nila upang samahan si Inches. Pagdating ko sa kusina, gising na rin ang mga kasambahay lalong-lalo na si Aling Amalia kaya naman lumapit ako sa kanya. “Aling Amalia,” tawag ko. “Oh Tres? Saan ka galing?” takang tanong nito bago niya kinuha ang plato at baso na hawak ko. “Sa kwarto po ni Inches. Nakatulogan po namin ‘yong palabas sa telebisyon na pinapanuod namin.” “Ganoon ba? Mabuti na lang at nagkasundo kayo ni Sir Inches. Mula ng dumating siya, wala siyang makausap dito dahil ibang lenggwahe ang ginagamit niya, iyon pala ay kaya naman niyang magsalita gamit ang wika natin,” inilapag ni Aling Amalia ang plato at baso sa ibabaw ng lababo bago ito muling humarap sa akin. “Pagpasensyahan niyo na po si Inches, naninibago ho kasi siya rito sa lugar natin at isa pa mabait naman po siya.” Napatango-tango si Aling Amalia, “nakikita ko nga at mukhang ikaw lang ang kinakausap niya. Ang rinig ko eh namatay raw ang kanyang ina kaya kinupkop na lamang ni Mayor. Ay siya, may kailangan ka ba?” “Ah, magpapaalam ho sana ako na uuwi na dahil mag-iigib pa ho ako ng tubig sa batis at mag-aani po ng gulay na ibebenta sa bayan bago ho ako bumalik dito para samahan si Inches,” “Ganoon ba? Paano kung hanapin ka ni Sir Inches paggising niya?” “Sabihin niyo na lang ho na babalik din naman ako ng mga bandang alas otso ng umaga.” “Sige, sasabihin ko na lang.” Bago pa ako makalabas ng mansion, pinabaunan ako ni Aling Amalia ng mga natirang ulam at panghimagas na inihanda kagabi kaya malaki ang ngiti sa aking labi habang tinatahak ang daan pauwi sa aming bahay. Gising na rin naman ang mga tao dahil bukod sa maaga talaga kaming gumigising, wala kaming ibang gagawin kundi ang magtrabaho sa aming mga bukirin upang may makuhang pagkain. Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si Nanay na hinahanda ang kanyang batya na paglalagyan ng gulay habang si Kuya Uno at Kuya Dos naman ay may hawak nang timba. “Tres, saan ka galing?” takang tanong ni Kuya Dos habang inaayos nito ang timba na dadalhin nito sa batis upang magsalok ng pangligo at gagamitin namin sa pagluluto at paghuhugas ng plato. “Sa bahay po nina Mayor, doon po ako pinatulog para samahan ang pamangkin nito. May dala po pala akong pagkain, binigay po ni Aling Amalia,” itinaas ko pa ang dalawang supot na dala ko upang ipakita sa kanila. “Bali-Balita nga na dumating ang pamangkin ni Mayor ngunit hindi ko inaasahan na pati sa pagtulog niya ay kailangang kasama ka?” ani ni Kuya Uno. “Bakasyon naman po, ayos lang iyon. Kumain muna tayo bago magtrabaho, Nay at mga Kuya,” nauna akong pumasok sa bahay at naramdaman kong sumunod sila sa akin. Tanging gasera lang ang ilaw naming na hindi katulad sa bahay nina Mayor na napaka modern ng datingan. Hindi pa kasi nasaskop ng modernesasyon ang aming baryo ngunit masaya kami sa handog na kalikasan. Simple man an gaming pamumuhay, sagana naman kami sa mga prutas at gulay. Matapos naming kumain at ipagtabi ng agahan si Quatro, Sinco at Sais dahil mga tulog pa ito, kaming tatlo lamang nina Kuya Uno at Kuya Dos ang pumunta ng batis upang mag-igib. Nakasanayan na naming magkakapatid na kailangan ay tulung-tulong kami sa gawaing bahay lalo na’t mag-isa lamang kaming iginagapang ni Inay upang mabuhay. Ang pagbebenta ng prutas at gulay ang isa sa mga hanap-buhay namin at kung papalarin tuwing may okasyon sa bahay ni Mayor ay ipinapatawag ang aking Nanay upang tumulong sa pagluluto. Nang marating namin ang batis, tag-iisang timba kami at gallon upang lagyan ng tubig. Si Kuya Uno ang nakatoka sa pagsasalok ng inumin habang kami naman ni Kuya Dos ang sa pang ligo at panghugas ng plato at ibang gamit sa bahay. Ilang beses kaming nagpapabalik-balik sa batis hanggang sa mapuno nag naglalakihang banga upang pag-imbakan namin ng tubig. Sa pagsilip ng haling araw, panibagong gawain ang aking inatupag at iyon ay ang magsibak ng kahoy habang si Kuya Uno at Kuya Dos naman ay naghahanda na para sa kanilang pagpasok bilang construction worker. Sapat lang din sa aming pamilya ang kinikita nilang dalawa at malaking tulong na rin iyon para sa pang-araw-araw naming pamumuhay. “Tres, mauuna na kami,” sigaw ng aking Nanay mula sa loob ng kusina at mukhang sasabay na ito sa aking mga nakatatandang kapatid papunta sa bayan. Binitawan ko muna ang hawak kong palakol at saka ako tumakbo papasok ng bahay hanggang sa madatnan ko sila sa tapat. “Mag-iingat po kayo, Nay, Kuya Uno at Kuya Dos,” Lumingon si Nanay sa akin habang nasa kanyang ulo ang batya na puno ng iba’t-ibang klase ng gulay. “Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay at sa mga kapatid mo ha?” habilin nito. “Eh nay, sasamahan ko pong maglibot si Inches sa buong Buenavista,” Napasiamgot si Kuya Uno sa aking tinuran. “Tres, mas importante ang mga kapatid mo kaysa sa ibang tao pero kung matigas talaga ang ulo mo, isama mo na lang sila bunso kung gusto mong makipaglaro sa ibang bata.” Napakamot na lang ako sa aking pisngi. “Sige po, Kuya. Masusunod po.” “Sige, mauuna na kami.” Hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng bahay, tinanaw ko na lamang ang kanilang mga papalayong pigura at naramdaman ko na lamang na may yumakap sa aking braso at nang tignan ko ito, ang inaantok na mukha ni Sais ang nabungaran ko. Agad koi tong binuhat at muli kaming pumasok sa loob ng bahay. “Tulog pa ba ang Kuya Quatro at Kuya Sinco mo?” tanong ko sa batang si Sais at saka ito marahang tumango sa akin. Ibinaba ko siya sa bangko at saka ako pumasok sa kanilang kwarto at ginising ang dalawa na pupungas-pungas ang kanilang mga mata na sumunod sa akin papuntang kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD