Kabanata 5:

1392 Words
TRES’ POV: Pagsapit ng alas-otso ng umaga katulad ng ibinilin ko kay Aling Amalia, bumalik ako sa mansion ng mga Buenavista kasama ang mga kapatid ko dahil wala silang kasama sa bahay. Ayaw pa sana nilang sumama ngunit ako na ang nagpumilit dahil paano nila mararanasan ang masayang bakasyon kasama ang mga kalaro naming kung mabuburo lang sila sa bahay, hindi ba? Ako, na umuuwing pawisan araw-araw samantalang ang tatlo ko pang kapatid ay naiiwan sa bahay upang hintayin ang aming pagdating kung may dala ba kaming pasalubong na pagkain para sa kanila. Pagpasok namin sa kusina, nagtataka ako dahil tila namomroblema si Aling Amalia nang madatnan ko ito kaya naman agad ko siyang nilapitan at inusisa kung ano ang kaganapan. “Aling Amalia, bakit mukha po kayong pinagbagsakan ng langit at lupa?” marahas na napalingon si Aling Amalia sa akin at tila nagliwanag ang mukha nito nang makita ako kasama ang mga kapatid ko. “Mahabaging Diyos, Tres, mabuti naman at nandito ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Sir Inches kasi ayaw niyang lumabas ng kaniyang kwarto upang kumain ng agahan. Malapit na rin magtanghalian.” Nagsalubong ang aking kilay dahil tila tinotopak na naman si Inches. Ikalawang araw pa lang namin bilang magkaibigan ngunit nahuhulaan ko na agad kung ano ang ikinapuputok ng kanyang butse dahil katulad siya ng kapatid kong si Quatro na nagmamaktol agad kapag hindi nakukuha ang gusto o may nangyari ng hindi namin alam. “May nangyari po ba?” Nakusot ni Aling Amalia ang suot nitong uniporme bilang kasamabahay dito sa mansion bago ito napatingin sa b****a ng kusina at muling bumaling ang atensyon sa akin. “Nagkasagutan kasi si Mayor at Sir Inches kaninang umaga sa hindi namin malamang dahilan. Alam naman namin na naninibago pa lamang ito at isa pa hindi kami nakakaintindi ng ibang lenggwahe at base sa tono ng kanilang boses ay galit na galit si Sir Inches kay Mayor,” “Ganoon ho ba. Nasaan ho ang pagkain na para kay Inches? Ako na po ang magdadala at kung maaari ho sanang ipagpaalam ko na isasama ko ho ang mga kapatid ko sa kwarto ni Inches?” Tila nakahinga ng maluwag si Aling Amalia sa aking tinuran. “Naku, Tres maraming salamat. Hulog ka talaga ng langit.” Agad na naghanda si Aling Amalia ng pagkain na para kay Inches at binigyan niya rin kami ng pagkain upang saluhan si Inches. Sinamahan rin kami ni Aling Amalia dahil sa dami ng pagkain na aming dala at pagkarating namin sa tapat ng pintuan ni Inches, kumatok ng tatlong beses si Aling Amalia. “Leave me alone will you!? How many times do I have to tell you not to disturb me if Tres is not with you!” Nagkatinginan kami ni Aling Amalia dahil bakas nga ang galit sa boses ni Inches. Kahit wala akong naintindihan sa sinabi niya. Lumapit ako sa pinto at nagsalita. “Inches, aking kaibigan. Ako ito, si Tres. Kasama ko ang tatlo ko pang kapatid, maaari ba kaming pumasok sa iyong silid? May dala kaming pagkain at alam kong hindi ka pa nag-aalmusal.” Nakarinig ako ng kalabog sa loob ng kwarto hanggang sa tumunog ang seradura at bumulaga sa akin ang mukha ni Tres na may namumulang mga mata dahil sa pag-iyak at ang pisngi nito na basa pa ng luha. Akala ko itataboy kami ni Inches ngunit bigla na lamang ako nitong dinamba nito ng yakap at umiyak sa aking balikat. “Tres, I don't want to be here anymore. I want to go home to America where my Mommy is.” Ramdam ko ang bigat na kanyang nararamdaman kaya naman napatingin ako kay Aling Amalia at bakas sa kanyang mukha ang awa doon para kay Inches. Iniangat ko ang aking braso at gumanti ng yakap sa payat na katawan ni Inches. “Wala na ang Mommy mo, Inches. Kung gusto mo ng kausap o kalaro pwede mo naman akong ipatawag hindi ba? Pasensya na kung umalis ako kaninang madaling araw nang hindi nagpapaalam sa’yo. Huwag ka nang umiyak.” Hinayaan ko si Inches hanggang sa tuluyan itong kumalma at kasalukuyan na kaming nasa terasa ng kanyang kwarto. Kasama na rin namin ang mga kapatid ko at pinagsisilbihan kami ni Aling Amalia upang mapakain si Inches lalo na’t malapit na ring magtanghalian. Hanggang ngayon ay sumisigok pa rin si Inches ng iyak at mukhang malaking away ang naganap sa pagitan nilang dalawa ni Mayor Romualdo. Hindi ko rin nakita ang presensya ng Mayor maging ang asawa nito na si Mrs. Risa. “Kuya Inches, kain ikaw,” tumayo mula sa kinauupuan niya si Sais bago ito lumapit kay Inches at binigyan niya ito ng pagkain. Pinunasan ni Inches ang kanyang mga mata na may bahid ng luha at saka nginitian ang kapatid ko bago kinuha ang pagkaing binigay sa kanya. “S-Salamat, uhm…” tumingin si Inches sa akin kaya naman napabuga ako ng hangin. “Siya ang bunso kong kapatid na si Sais at ito naman si Quatro at Sinco. Mga nakababata kong kapatid,” pagpapakilala ko. “Why is your name a number?” aniya na tila nahihiwagaan sa mga pangalan namin. “Dahil hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral ang aming Inay lalo na’t maaga itong nakapag-asawa at maaga ring iniwan.” Muling sumilay ang lungkot sa mga mata ni Inches at akala ko ay iiyak na naman siya ngunit nakatitig lamang ito sa tinapay na hawak niya. “Mabuti ka pa at mayroong mga kapatid na makakasama sa buhay samantalang ako ay mag-isa na lamang.” “Pwede ka naman po namin maging kapatid kung gugustuhin mo po. Masaya po sa loob ng isang tahanan na marami ka pong kapatid tulad namin,” sabat ni Quatro. “Maaari ba? Gusto ko ring maranasang magkaroon ng maraming kapatid." Nagliwanag ang mukha ng mga kapatid ko at sabay-sabay silang sumagot. “Pwedeng-pwede po.” Dahil sa presensya ng mga kapatid ko, nanumbalik ang sigla ni Inches at tila nakalimutan nito ang dahilan kung bakit siya umiiyak kanina kaya naman nang sumapit ang hapon ay sumama si Inches sa aming bahay at imbes na maglibot kami sa buong baryo, mas gusto niyang kausap at kalaro ang mga kapatid ko kaya hinayaan ko na lamang siya dahil nakikita ko naman ang saya sa kaniyang mga labi at mga mata. Mukhang tama si Kuya Uno sa desisyong isama ko ang mga kapatid ko dahil sa kanila, nagkaroon muli ng buhay ang mga mata ng isang Inches Dihumaba. “Kuya, bakit Inches po ang pangalan mo?” biglang sabi ni Sais habang nakatingala kay Inches. Magkahawak kasi sila ng kamay habang kaming tatlo naman nina Quatro at Sais ay nasa likuran nilang dalawa. “Hmm? Yon kasi ang palayaw na binigay sa akin ng aking Ina.” “Eh ano po ang totoo mong pangalan?” Napalingon si Inches sa gawi ko bago ito muling bumaling ng atensyon sa bunso kong kapatid. “Hindi ko pwedeng sabihin eh. Baka sa tamang panahon kaya ko nang gamitin ang pangalan na iyon pero sa ngayon ay Inches muna ang makikilala mo.” Hindi na umimik pa ang kapatid ko at napatango na lamang hanggang sa makasalubong naming ang iba pa naming kaibigan na may mga dalang saranggola at tumakbo si Banding at Jobert sa gawi ko. “Tres, hindi ka na bumalik kahapon ah? Sabi mo maglalaro tayo ng tumbang preso at saranggola?” ani ni Banding. Napakamot ako sa aking batok. “Eh, ipinatawag ako ng Mayor sa kanilang mansion kahapon kaya hindi na ako nakabalik. Siya nga pala, siya si Inches, ang pamangkin ni Mayor Romualdo,” sabay na napatingin si Banding at Jobert kay Inches na nanatiling nakahawak sa kamay ng bunso kong kapatid. Maging ang iba pang bata na hindi nalalayo ang edad sa amin ay napatingin kay Inches. “Oh? Siya pala yung napapabalitang dumating kahapon? Ang balita ko eh galing daw iyan sa Amerika?” bulong ni Banding sa akin. “Siya nga ngunit nakakaintindi at nakakapagsalita naman siya ng wika natin,” tinawag ko si Inches na agad namang sumunod at huminto sa tabi ko. “Inches, ito nga pala si Banding, Jobert, Rica, Ron-Ron, Baloy at Meg. Sila ang mga kaibigan ko rito sa Buenavista.” “Ako nga pala si Inches,” pakilala naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD