TRES' POV: NAGPATULOY ang laro sa palosebo hanggang sa matapos ngunit kaming dalawa ni Inches ay nanatili sa isang sulok kaya naman bumalik na sa aming pwesto sina Banding, Jobert at Ron-ron. "Mamayang hapon raw gaganapin ang kadang kadang. Kaya mo bang sumali, Tres?" tanong ni Ron-ron sa akin. "Oo nga Tres. Mataas pa man din ang pagkakahulog mo kanina kung hindi lang namin nakita si Inches na sasaluhin ka ay baka tuluyan ka ng nabalian," ani naman ni Banding. Ngumiti ako sa kanila. "Salamat sa pag-aalala at sa pagsalo sa akin kanina. Oo, sasali ako sa laro mamaya. Nandito na rin lang naman tayo lubos-lubusin na natin." Nagulat ako nang tumayo si Inches sa kaniyang kinauupuan at basta na lang itong naglakad palayo kaya tinanaw na lang namin siya. "Galit ba si Inches?" baling sa akin

