TRES' POV: "T-Tres sigurado ka ba talaga? Ikaw ang aakyat sa kawayan na 'yan?" Namumutlang tanong ni Inches nang ianunsyo ng tagapag-salita ng patimpalak na sisimulan na ang palaro kaya naman agad kaming pumwesto sa kani-kaniya naming kawayan. May mga bata at matatanda na kasali ngunit iba-iba ang kategorya. Lugi naman kung isasali kami sa matatanda pero mas challenging sana 'yon para masukat ko kung hanggang saan ang kakayahan ko sa palaro na 'to. "Bakit ba natatakot ka? Baka nakakalimutan mong ako ang mas mabilis umakyat sa atin ng puno." Sambit ko sa kaniyang habang kinakaluskos ang manggas ng luma kong damit na galing pa kay Kuya Uno. "Paano kapag nasa tuktok ka na tapos nabali yan? Tres ang taas ng babagsakan mo." Nilingon ko si Inches at tinapik ang kaniyang balikat. "Alam mo ak

