TRES' POV: MATAPOS naming mag-igib at mag-agahan ni Kuya Uno, Nanay at mga kapatid namin, agad na kaming nagkani-kaniyang alis sa bahay at tanging naiwan na lamang ay sina Quatro, Sinco at Sais dahil ayaw naman nilang makisali sa mga palaro dito sa aming baryo. Tinahak ko ang daan patungo sa bahay ni Mayor upang sunduin si Inches at umaga pa lang ay abala na agad ang mga tao sa mansyon ng Buenvista. Nakasalubong ko pa si Aleng Amalia na hindi magkandaugaga sa paroo't-parito sa kusina ngunit agad ko siyang hinarang kaya nahinto ito sa pagiging ngarag. "Si Inches ho, gising na ba?" tanong ko kay Aleng Amalia. "Naku, Tres, hindi ko alam kung gising na ba si Sir Inches. Marami kasing bisita ang pumupunta rito sa mansyon at ang ilan sa kanila ay natutulog sa guest room. Baka pwedeng puntaha

