CHAPTER FOUR
ERIDETH'S POV
Just what I had expected, inspector drew near me. My eyes squint quickly at his sudden approach and I flinched an inch subconsciously. He stood in front of me, leaving us some space. Agad niyang nahanap ang tingin ko kaya wala akong nagawa kundi ang tingalain siya at batiin siya na kunwari'y nagulat akong makita siya rito.
"Inspector Moral, nandito ka pala?" I asked in a quick voice accompanied by my nervous laugh. He raised his eyebrow.
Bahagya kong niyakap ang bag ko kung saan nakalagay ang laptop ko. My heart beats fast and my breath quicken as I move my eyes in any direction. I feel uncomfortable. Oh god, I feel uncomfortable around him. Maybe because just awhile ago I was thinking ill of him. I pursed my lips, enough for someone to notice my deep dimple on my right cheek.
"I'm with your cousin," sagot nito sa tanong ko.
I tried to look at him. He is so tall standing in front of me! He gave me that amused look as if he just noticed something about my gestures. Nagtagal ang tingin ko sa peklat niya sa kaliwang pisngi niya na hugis kidlat. Saan niya kaya nakuha iyon?
"I heard you will be graduating on Wednesday. That's two days from now, right?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Maybe Iggy or papa mentioned about it.
"Uh… yup!"
"Congratulations then."
"Thanks."
Gosh this feels so awkward. I bit my lower lip. I scoop my hair and put it on the my left shoulder. Pinaglaruan ko ang dulo nun. My hair is naturally wavy. Napatingin siya sa ginagawa ko bago muling ibalik ang mga mata sa akin.
"Did I offend you in some way?" maingat niyang tanong sa akin.
"Huh?"
"You feel uncomfortable, aren't you?" I was taken aback by his sudden question. Masyado ba akong obvious?
"H-Hindi naman!" tumaas ang boses ko.
Napataas ang kilay niya na para bang hindi niya pinaniniwalaang komportable ako. I felt my face reddened. Nakakahiya naman pag nalaman niyang hindi ko siya gusto kasi ampanget ng unang impression ko sa kanya.
"You feel uncomfortable, there's no doubt," he said seriously.
"How can you say so?" hamon ko sa kanya para panindigang komportable ako.
"You flinched and winced the very first time I drew near you then you hugged your bag to emphasize a gesture of blocking me. Nervous laugh, unfixed gazes, your breath quickened, quick answer, face reddened, and you are trying to make yourself feel comfortable by playing with your hair. Those are signs that you feel uncomfortable. You can't deny it and I am hundred percent sure that I have offended you in some way."
Halos masamid ako sa haba ng kanyang sinabi. He's an inspector alright! My goodness Erin you are too obvious. Hindi ako nakapagsalita agad. Nahiya ako bigla. I didn't deny it kasi nalaman naman din niya. Hindi ko nga lang aaminin na kaya ayaw ko sa kanya ay dahil sa playboy siya.
"I'm sorry. I don't know what happened at hindi ko alam kung anong nagawa ko para ma-offend ka," he sounds so sincere.
Ngumiwi ako. "No it's okay! Ganito lang talaga ako sa mga taong hindi ko pa gaanong ka-close. Normal naman ang magkaroon ng first impression sa mga tao, hindi ba?"
"So you are saying that your first impression of me is not that good?" He raised his eyebrow. I looked away and didn't answer him.
"Let's see... We met at the coffee shop where I dated Patricia." Bahagya niyang inilagay ang kanyang daliri sa baba niya na para bang nag-iisip.
So Patricia is the name of his third girlfriend. At hindi niya talaga dineny na dinate niya nga ang babaeng iyon. Bakit nga naman siya hindi magsasabi ng totoo eh huling-huli namin siya. Nahuli ko rin siyang may ka-date nun sa Jollibee.
"Let me guess, your first impression of me is a total playboy. You also saw me dating Ericka and Lilac." Sigurado-sigurado siya nang sabihin niya iyon. "Am I right, Miss Sullivan?"
Napalunok ako. I heaved a sigh to calm myself. This man is unbelievable. He looks unbothered! Talagang proud siya na nagagawa niyang pagsabay-sabayin ang mga babae niya. Now I hate you more, inspector! I hate your guts!
"Inspector Moral, I have no issue of you dating thousands of girls out there. I just feel uncomfortable around you, that's all," dire-diretso kong sabi at nilagpasan siya para pumara ng taxi dahil hindi ko na mahintay sina Rose at Iggy.
Hindi ko pa natatawagan si Manong Ron at ayokong maghintay ulit. I heard him laughed mockingly. Binalingan ko siya dahil wala pang taxi na dumaan.
"I didn't say you have issues like that. I just deduced why you act this way around me. You feel uncomfortable because you don't like me. You don't like me because I am a playboy. You believed I am a playboy because you saw me dated three girls." He smirked. "Oh! Plus that day in a fast-food chain, you saw me with Orianne." Now he smiled evilly.
Nalaglag ang panga ko. There, you have it! Inis na inis ko siyang inirapan at tinalikuran. Kumukulo ang dugo ko. Ganito pala ang ugali niya! Pero kung sabagay nagsasabi naman siya ng totoo. Bakit ba ako naiinis? Ano bang pake ko kung i-date niya lahat ng babae dito sa Pilipinas? Dahil ba sa lahat ng kilala kong playboy siya lang iyong pinaka worst? O dahil ang panget tignan na ganoon ang reputasyon niya kahit inspector siya?
"Erin!"
I rolled my eyes upon hearing Iggy calling my name. Mukhang tapos na silang mag-usap ni Rose. Hinarap ko sila habang nakabusangot ang mukha.
"Goodness! Drive me home, Iggy!" I tried to sound good but my irritation was very evident on my voice.
"Why do you look upset?" nagtatakhang tanong ni Iggy at pinatunog ang kotse niya.
I didn't answer him and went inside his car instead. Sa likod ako pumasok. Sumunod naman si Rose sa akin sa back seat pero agad ding pinaupo ni Iggy sa passenger seat. Ito na dapat iyong panahong ginigisa ko sa tanong ang dalawang ito ang kaso wala ako sa mood.
"Are you okay? May nang-away ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Rose.
"Wala."
"You were in a good mood kaninang magkakasama tayo. Why the sudden change of mood?"
"Naiinis lang ako sa inspector na iyan." Umirap ako sa kawalan nang makitang nakatingin sa loob ng sasakyan si inspector. I made a face. As if makikita niya kami eh tinted itong sasakyan ni Iggy.
Rose's lips formed a big O with her eyes wide open. Isinara niya nang maayos ang bintana sa tabi niya para hindi makita ni inspector ang repleksyon ko sa side mirror. "Anong ginawa niya sayo? Mabait naman si Inspector Moral ah?"
"Wala siyang ginawa. Talagang ayoko lang sa mga katulad niya."
Humalakhak nang malakas si Rose. Saktong pagpasok ni Iggy na kinausap muna ang playboy na iyon. Binalingan siya ni Rose at binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Playboy ba si Inspector Moral?" Rose asked boldly, probably to confirm something.
Naubo si Iggy pero agad ding nakasagot ng simpleng, "No comment." He also returned her sly smile. Parang nakuha naman agad ni Rose ang ibig niyang sabihin at napapatango-tango pa ito bago ako balingan at bigyan ng tingin na para bang naiintindihan niya kung bakit ako naiinis.
My friends know the exact reason if I hate someone, specifically boys. Hindi naman ako mahilig mamuna pero dahil hindi ko maiwasang maging observant, umaabot na ako sa puntong nalalaman ko agad ang true nature ng isang tao kaya mailap ako. I can't remember when did I start hating playboys. Wala akong experience pagdating sa relasyon at wala akong naging manliligaw na nagustuhan ko't nanloko habang nanliligaw sa akin. I was born this way. I hate playboys because they aren't loyal and they can't respect the feelings of others.
Tumulak na kami't busangot pa rin ang mukha ko. I saw at the rear view mirror that inspector is following us. Susunod din ba siya hanggang sa bahay namin? Nainis ako bigla. Napadako ang tingin ko kay Iggy na tinitignan ako sa rear view mirror habang nakakunot ang noo. He seems to be affected by my expression na bahagya rin siyang napapakunot-noo.
I heaved a sigh. "Stop looking at me. Focus on the road."
"Who pissed you off? Sobrang asim niyang timpla ng mukha mo."
"Random guy. Don't mind me, Iggy. Magmaneho ka lang dyan at iidlip lang ako sandali."
I leaned my back on the backrest and closes my eyes to relax myself. Akala ko mawawala ang inis ko pero halos mapunit na ang inuupuan ko sa higpit ng pagkakahawak ko dahil sumasagi sa isipan ko ang imahe ng walang hiyang inspector na iyon. Galit kong nilingon ang kotse niyang nakasunod pa rin sa amin. Tinted din ang sasakyan niya. Wala naman sigurong nakasakay na babae sa kotse niyang iyan hindi ba? Oh my goodness. Why am I even thinking about that!? Bakit ko naman poproblemahin ang ganong bagay?
"Erin, do you want me to play some good music?" ani Rose sa isang nang-aasar na tono.
I shook my head. Music won't help. I need fresh air. I need his car out of my sight!
Lumiko ang kotse ni Iggy papunta sa ibang direksyon. Hindi iyon ang daan patungo sa subdivision namin kaya nagtakha ako. I told him to drive me home. Huwag niya naman sana ako dalhin kung magde-date sila ni Rose.
"I need to drop an important file on our headquarters," untag ni Iggy na tila nabasa ang iniisip ko.
Tinanaw ko ang tanawin sa labas. Kukunti lang ang mga punong nakatayo dahil makikita na ang nagsisitayugang building sa labas. Karamihan ay commercial building ang makikitang nakatayo sa magkakabilang side. Katabi ng post office ang isang police station. Hindi kalayuan dito ang headquarters nina Iggy. Saklaw ng compound nila ang dalawang commercial building at ang Yamanaka Tower na pagmamay-ari ng isang bilyonaryong hapones. That tower is exclusive for elites. Kaya naman sobrang higpit ng seguridad nila dito.
Iggy parked his car in front of their headquarters. He went out of the car with his briefcase. Nakita namin ang pagsunod ni inspector sa kanya sa loob. Maraming mga empleyado ang nagsisilabas-pasok sa pintuan at ilan sa mga namumukhaan ko ay mga abogadong minsan ko nang nakasalamuha sa mga dinadaluhang party nina mama at papa. Ang iba ay mga mukhang eksklusibong kliyente siguro base sa suot at kung paano sila pakitunguhan ng ibang pulis.
"If you were about to get a project, would you design a skyscraper or just plain houses?" Rose asked while looking at the breathtaking view and design of Yamanaka Tower. It's an almost perfect illusion of a twisted tower yet flawless.
"I don't think I'll get huge project that easily. Magsisimula siguro ako sa mabababang proyekto. Family houses or condominiums would do."
"Who knows… Minsan ka na rin bang nangarap na makapagdesign ng malalaking building?"
Umiling ako. "Most of my planned designs were family houses." I bit my lower lip. One of my designs is my dream family house. Hindi ko iyon naipakita kahit kanino.
Sa aming magkakaibigan, ako lang ang hindi matayog mangarap. Simple ang mga disenyo ko kung ikukumpara sa kanila. Karamihan sa ipinapakitang disenyo ni Rose ay iba't ibang buildings at puro mamahalin ang materyal habang si Valerie naman ay villa, restaurants, at two to three-storey houses. Kung ganap siguro kaming mga arkitekto baka bilyonaryo na itong mga kaibigan ko.
Lumilipad na ang utak ko sa mga bagong ideya na naiisip ko nang bumukas ang pintuan ng driver seat at pumasok si Iggy. Mukha siyang problemado. He started the engine.
"Ayos ka lang?" tanong sa kanya ni Rose na mukhang nahalata rin ang busangot nitong mukha.
"Nawala ang ibang ebidensyang nakuha ko. Someone ruined the tape recorder," Iggy replied while gritting his teeth.
Nagulat kami pareho ni Rose. Kung sino man ang gumawa nun ay napakawalang puso niyang tao. Hindi na kami nakapagtanong ng kung ano-ano pa. Someone knocked on the car window. Ibinaba iyon ni Iggy at bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Inspector Moral. He handed him something na nakalagay sa isang brown envelope.
"There's a mole," ani inspector.
"It's not confirmed yet. But if you found this evidence then maybe I'll reserve my pride and logic on the court," si Iggy.
"Do you want me to help you find the best lawyer?"
Iggy shook his head. Inspector Moral smirked as if they already won the case in court. He glanced at me before his reaction changed. Kunot-noo akong nag-iwas ng tingin. Alright, I know he is helping my cousin. I kind of like this side of him. Nag-imbestiga rin kaya siya para makuha ang ebidensyang iyon o ano?
Hindi nagtagal ang usapan nila ni Iggy dahil tumulak na kami. Naunang ihatid ni Iggy si Rose dahil tinawagan siya ni tito. Mukhang may family dinner sila kaya pinapauwi siya nang maaga. Pagkatapos namin siyang ihatid ay ako naman ang ihinatid ni Iggy. Nagmamadali siyang umalis. Para siguro ayusin ang pangatlong kasong hawak niya. Wala pa sa bahay sina mama at papa nang dumating ako.
Kinabukasan ay bored na bored akong nanonood mag-isa sa sala. Busy si Valerie sa kompanya nila dahil sinisimulan na siyang i-orient ng kuya niya. Pati si Rose ay busy dahil isinama siya ng mama niya sa Cebu para i-meet ang isang importanteng kliyente niya. I can't shop alone, hindi masaya. Hindi ko naman makulit ang mga kasambahay namin dahil lahat sila busy.
"Miss Erin, baka po may gusto kayong ipaluto kay Nana Tetra, pinapatanong niya po," magalang na sambit ni Pat, kasambahay namin.
"Busog na ako, Pat. Pakisabi kay Manong Ron na ihanda ang kotse."
"Saan po ang lakad niyo?"
"Hindi ko alam. I am so bored here." Tumayo ako. Agad naman na umalis si Pat para sabihan si Manong Ron.
Magpapaikot-ikot lang siguro kami ni Manong Ron para may maisip akong i-sketch. O di kaya maglilibot-libot sa mall kahit walang bibilhin, pero mas madali akong mababagot kasi wala akong kausap. Hindi ko lubos maisip na darating ang ganitong araw. I always have Valerie and Rose by my side so I don't always get bored. Iggy would bring me to different places too while handling minor cases. Pero iba na ngayon dahil lahat sila busy.
"Naubusan na ako ng gagawin. Ayoko namang manood ng sine, kanina pa ako babad sa panonood sa sala," reklamo ko kay Manong Ron na napapakamot ng ulo dahil hindi alam kung saan ba ang tungo namin.
"Bakit hindi mo na lang po bisitahin sa opisina ang papa mo?" suhestiyon nito.
"He is probably busy right now. Baka makaabala pa ako sa kanila."
Hindi naman kasi tulad ng opisina ng mga magulang ni Valerie ang opisina nina papa. I've never been to papa's office. Pati sa opisina ni mama ay hindi ko pa napupuntahan. I've never seen them work too.
"Hindi ka naman po mangungulit, Miss Erin. Let's say, you stay inside his office and read brooks there or sketch."
At tulad nga ng suhestiyon niya, napadpad kami sa headquarters nina papa. Sobrang busy lahat ng mga taong naroon. Manong Ron asked the guard to guide us to my father's office. Malapad ang ngiti ng guard sa amin nang marinig na anak ako ni Inspector Eugene Sullivan. Iginiya niya kami agad sa opisina ni papa. Hindi tulad sa iba na nasa cubicle, malaking silid ang opisina ni papa. Hindi nga lang isang table ang nasa loob kundi dalawa.
"Nasa meeting si Senior Inspector Sullivan. Dito niyo na lang po hintayin." He pointed at my father's table. I nodded at the guard's remark.
Inikot ko ang paningin ko sa buong silid. The wide white board on the left side of the room was full of variety pictures, parts of newspapers that were cut out, customized map, pinned notes and such. May isang maliit na table sa gitna na may patong-patong na libro. Katabi ng isang table na pagmamay-ari ng ibang tao ang medium size bookshelf na puno ng makakapal na libro. The room was designed according to my papa's taste. It is a combination of dark blue and white, floored with tiles, and glass wall and glass window without blinds to see the outside perfectly.
"Do you want coffee or juice?" masiglang tanong ng guard.
"A glass of water would do, please."
The guard went out together with Manong Ron. Naiwan akong tahimik na pinapasadahan ng tingin ang bawat bagay na nasa loob ng silid bago umupo. Malinis ang table ni papa pero mas malinis ata tignan ang kabilang table. Walang nakalagay kung kaninong table iyon. Someone is using it because there's a coat on the swivel chair.
"Tell Deputy Esquivel to assign another team. Team Alpha has another mission to finish."
I was busy scanning my father's books and clients record when I heard that familiar voice. Inangat ko ang tingin ko sa labas at nakitang papasok si Inspector Moral sa office ni papa habang may dalang blueprints at may nakabuntot na dalawang pulis. He didn't notice me though. Tumigil ang dalawang pulis sa hamba ng pintuan at agad na nagpaalam para gawin ang sinabi ni inspector.
"Papasukin niyo na ang kliyente," ani inspector bago sila umalis.
I watched him put the rolled blueprints on the side of his table. This is his usual work here? Kumuha siya ng isang libro at pen. He skimmed the book before I saw him marked something. He felt my gazes. I know because he tilted his head to the side and glanced at my way. Napataas ang kilay ko. Umawang ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy. He didn't even greet me. Maybe because he remembered that I don't feel comfortable around him.
A police knocked on the door. "Inspector La Pierre, Miss Vanessa is here," ani nito.
A woman in her black halter top and tight blue jeans entered the room. Her hair was ponytailed beautifully and the sound of her stilletos ring all over the room. Pinaupo siya ni inspector sa harap ng kanyang table. She put her hermes bag on her lap. Mukhang tulad kanina, hindi rin ako napansin ng babae.
"I brought the medical record you asked me yesterday," iyong Vanessa.
Inspector stood in front of her. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Dumating naman ang guard kanina na may dalang baso na may lamang tubig ko. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpatuloy sa pagbabasa ng record ng mga kliyente ni papa. Hindi ko nga lang maiwasang hindi makinig sa usapan nila.
"Ano nga pala ang koneksyon niyan sa kaso ko?" Mukhang clueless ang kliyente niya.
"When is the party?" Sinagot naman siya ni inspector ng tanong.
"Next week."
Sa sobrang bagot ko ay kinuha ko ang pencil ni papa at nag-sketch sa plain bond paper na nasa table ni papa. I sketched an office and putted some details too.
"Give me an invitation then."
"Sure, that's not a problem. I just really hope you'll catch this creepy stalker of mine."
Natigil ako sa aking ginagawa. Mukhang dumadami rin ang mga stalker na agresibo. Natandaan ko dati muntik nang mahulog ang isang kaklase namin sa rooftop dahil hinabol siya ng isang stalker. I got carried away thinking about that moment when Vanessa went out of the room. Mukhang tapos na sila.
"Nice sketch you got there, pretty." Napatingin ako kay inspector na nakalapit na pala sa akin. He is half smiling while looking at my unfinished sketch. My eyes widened. Kailan pa siya nakalapit?