CHAPTER THREE
THIRD POINT OF VIEW
Sobrang dilim ng buong paligid. Naramdaman ng batang si Erin ang sakit at hapdi sa buong katawan niya na tila ba binugbog siya habang natutulog. The only good news here is that she is not blindfolded nor chained. Sa nanginginig na mga binti, sinubukan niya pa rin na tumayo para hanapin ang exit.
"Tulong!" she screamed as if someone will hear her.
Her sultry voice echoed all over the place. She heard hard metal being dragged on the floor, nearing to her direction.
"Help! Help!"
Erin's swollen eyes were then fixed to a small light coming from her left side. Without hesitation, she ran towards it. The bright light made her close her eyes for seconds before she found herself in a room where other captives were being held. The lights flickered, and lifeless bodies are lying on the floor as other captives are helplessly crying silently.
Her tears fell. Where are we? Who kidnapped us? She asked to herself. Her body is not in good shape and she knows that she is very vulnerable right now. Her knees trembled in fear.
"Mama! Papa!" With tears streaming down on her face, she looked at the other victims and felt the urge to vomit. Blood was splattered on the floor.
"P-Please don't make noise anymore. S-She will come back and torture us again," one of them pleaded.
Erin can't control her breathing. In that moment, someone grabbed her hair and dragged her to the other side of the room.
"NOOOO!!! Get off me!! Help! Mama! Papa!" She was struggling so hard but was weakened when a punch landed on her stomach. "AAACCKK!"
"Kapag hindi ka pa tumigil, gigilitan na kita ng leeg!" her stone cold voice sent shivers down Erin's spine.
But who cares how frightened Erin is right now? She wants to get out of there!
"Please let me go. If you want money, just name the price!" she begged while trying to maintain her consciousness. The pain on her stomach is unbearable.
"Hindi madadaan sa pera ang lahat ng bagay. Manahimik ka at hintayin mo na lang kung kailan kita kikitilan ng buhay!"
Umiling nang sunod-sunod ang batang si Erin. Ibinalibag siya sa loob ng kwarto ng kidnapper at kinuha ang isang pliers. Nanlaki ang kanyang mga mata. Iniinda pa niya ang sakit nang lumapit ang babaeng kidnapper sa kanya at hawakan ang kanyang mukha. Bahagya niyang pinisil ang magkabilang pisngi ni Erin kaya umawang ang bibig niya.
"NO! NO! PLEASE DON'T!" Mas lalong bumuhos ang mga luha ng kawawang si Erin. How could she do this to this helpless child? What did she do wrong to her?
"Alisin na natin iyang dila mo para hindi ka na makasigaw," nanggigigil na untag ng kanyang kidnaper at sinundan niya iyon ng isang nakakapanindig-balahibong tawa.
It was so close. She's on the verge of pulling out Erin's tongue...
"NOOOOOO!!!"
Nightmare. That was a nightmare. That nightmare is hunting Erin's down until now.
ERIDETH'S POV
Agad akong napabalikwas ng higa. Tagatak ang pawis at ang mga mata ko'y lumuluha na. Humikbi ako at napayakap sa aking mga binti. What the hell. Why am I dreaming about that now? Maingay ang alarm sa buong kwarto ko para i-alerto ang kung sino.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at sunod-sunod ang pagpasok ng mayordomo at ang ibang kasambahay namin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang makitang wala na ako sa bangungot na iyon. Hindi nga lang natigil sa paghikbi.
"Hija! Dali, Marian! Kumuha kayo ng tubig at ang gamot ni Erin!"
Nana Tetra sat beside me. I hugged her tightly and pour my fear as I cry on her arms. Hinagod niya ang likod ko. Agad naman na nawala ang ingay ng alarm.
"Sshh, you're safe. You're safe, Hija," alo nito sa akin.
"She tried to cut my tongue! She tried to cut my tongue!" I cried harder as I keep repeating those words.
We stayed like that for about seven minutes. Nanginginig ang katawan ko at hindi ko magawang iangat ang aking tingin sa mga kasambahay namin. For the first time after three years, ngayon ulit nila ako nakitang ganito. Malamang ay naninibago pa ang iba.
"Hush now." Hinalikan ni Nana Tetra ang noo ko at sinikop ang buhok ko para itali ito.
Kumalas ako sa yakap nang dumating si Marian dala ang tray na may isang basong tubig at gamot pampakalma. Agad ko itong ininom. Our maids surround me while keeping me accompany to divert my attention and assure me that I am really safe. I am relieved.
"Miss Erin, hindi ka namin iiwan kaya huwag ka pong matakot," ani Gelai na pinakabata sa lahat ng katulong namin. Nginitian ko siya.
I was more relaxed now. Umipekto na ang gamot at nararamdaman ko na ang pagbaba ng aking mga talukap na para bang hinihile ako sa pagtulog. But I am trying to stay conscious because I am afraid another fragment of that nightmare will hunt me on my dream.
Bakit ngayon pa? Hindi naman ito nangyari sa akin noong napanood kong resolbahin nina Iggy at Inspector Moral ang kaso ni Brianna Alistair? Dahil ba hindi ko naman naabutan ang bangkay ng naunang biktima? O dahil ba sa nakita ko kahapon?
Nakahiga na ulit ako sa kama. Inayos ni Nana Tetra ang kumot ko at hinaplos ang pisngi ko.
"Alas tres na ng oras sa umaga. Tinawagan ko si Iggy dahil kabilin-bilinan nun na tawagan siya kung may mangyaring ganito. Pupunta na iyon dito, Hija. Mapapanatag iyon kapag nakita kang nagpapahinga kaya sige na, matulog ka na ulit."
"Nana Tetra sana po hindi ito makarating kina mama at papa. Ayoko pong mag-alala sila."
Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. That means she has informed them. Napabuntong-hininga ako. Baka umuwi sila agad.
"Mas ayokong ilihim sa kanila ang lahat. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo, Erin. Alam mo bang gagawin nila ang lahat para lang sa kabutihan at kapayapaan mo?"
I nodded. I know. I am loved and spoiled but I am a grown-up woman. Hindi ko kailanman naramdaman na pinapabayaan ako, binibigay lang ang mga bagay na makapagpapagaan ng loob ko pero hindi nila kailanman ipinaramdam na iyon ang paraan nila para ipakitang mahal nila ako at punan ang mga oras na hindi nila ako kasama. I am both spoiled with materials, attention and love. Kasi ako lang din naman ang nag-iisang anak.
"I can't wait to heal fast," I whispered silently as I fell asleep.
Nakatulog ako nang mahimbing at hindi na ulit dinalaw ng masamang mga panaginip. Nagising ako sa marahang haplos ni mama kaya dumilat akong may ngiti sa aking mga labi. I know what her caresses and embrace feel like.
"Mama," tawag ko sa kanya.
"Honey, how are you?"
Inalalayan niya akong umupo sa kama. Kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto ko. Nginitian ko siya para sabihing ayos lang ako.
"Mama bakit po kayo umuwi? Hindi naman ako naaksidente o ano..."
"Kahit na. Natakot kami ng papa mo masyado. Baka maulit iyong dating nangyari sayo." Hinaplos niya ang buhok ko.
I stared at my mama with pure adoration. She gave me her worried look as her eyes watered.
"I-I'm sorry, Erin," her voice broke.
Napaluha ako. "Mama wala po kayong kasalanan."
She shook her head. "Kung naagapan agad ang nangyari sayo noon hindi ka na sana nakakaranas ng ganito."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Wala silang kasalanan ni papa. Pareho kaming lumuluha nang bumukas ang pinto at pumasok si papa. Agad niya kaming nilapitan.
"There's no need to worry about," my mama said warningly while looking at my papa. Magrereact na naman ng malala si papa kaya inunahan na ni mama.
"Are you okay?" tanong ni papa sa akin.
Napairap kami pareho ni mama sa tanong ni papa. Kapag nagtanong iyan ng ganyan susundan niya na dapat na tumawag ng doctor dahil hindi siya naniniwala pag sinabi kong ayos lang ako.
Four weeks had passed and I got busy with school until our marching is coming two days from now. Ga-graduate na ako at hindi na ako makapaghintay na makapagtrabaho bilang isang architect. I will be twenty-two next month! Plano ko na rin agad na tapusin ang master's degree ko. Nasa school bench kami ng mga kaibigan ko para tapusin ang ibang bagay.
"Magpapasa ba kayo ng resume?" tanong ni Rose habang isa-isang tinitignan ang laman ng mails na natanggap niya.
"Sa susunod na," sagot ni Valerie na ang totoo'y sa kompanya rin naman nila ang bagsak niya. Sa kanya ipapamana ang isang branch ng Esperanza Holdings kaya wala siyang poproblemahin. "Siya nga pala, narinig ko kay Tim na natanggap si Mitch sa kompanya kung saan sila nag internship. Katabi pa naman nun ang building ng isang branch namin."
"Naku kapag hindi pa nagbago ang inggretang iyon baka masakal siya ng CEO nila," naibulalas ni Rose.
Napailing na lang ako. Nag-focus ako sa bagong design na ginawa ko kagabi para paghandaan ang interview namin sa susunod na linggo. Agad ko nga lang pinatay ang laptop ko nang mamataang papalapit ang grupo nina Mitch sa gawi namin.
"Speaking of the devil." Valerie rolls her eyes.
"Oh, hello there, tres ducklings!" panimula ni Mitch.
Umirap pareho ang mga kaibigan ko. Ako naman ay pilit na ngumiti. Ayokong magkaroon ng gusot ang pangalan ko kaya palagi akong nakikitungo sa iba nang mabuti. Ga-graduate na kami at maghihiwa-hiwalay rin naman kami. We know Mitch is a b***h. She is a warfreak and anyone who gets in her way will face her ruthless attitude.
Pumait nga lang ang ngiti ko nang balingan na niya ako. At sa lahat talaga ng babae sa campus, ako ang palagi niyang pinag-iinitan. Kung hindi lang ako marunong magtiis baka naingudngod ko na sa lupa ang pagmumukha niya.
"Alam mo, Miss Sullivan. Naiinis talaga ako sa tuwing nakikita ko iyang pagmumukha mo. Ang kapal ng mukha mong gayumahin si Denise!"
"Excuse me?" Parang iba ata ang narinig ko. I don't even know how to use black magic.
"Kasi kung hindi mo siya ginayuma bakit ka naman niya nagustuhan!?" bulyaw niya sa akin.
Valerie stood up and pushed her away from me. Napaatras si Mitch nang malakas pero agad naman na nasalo ng kanyang mga kaibigan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko talaga ng away. Hinilot ko ang sentido ko. Tumayo naman si Rose at nilapitan ako.
"Grow up, Mitch! Hindi na tayo mga bata! Bakit ba apektadong-apektado ka? Gusto mo siguro si Denise pero naiinis ka kay Erin kasi siya ang gusto niya! Insecure ka lang sa kaibigan namin!" bulyaw rin ni Valerie sa kanya.
"What!? Eww! Bakit ako ma-e-insecure sa payat na walang kalaman-laman na babaeng iyan?! I have matured body! I got boobs, I am sexy, I am exceptionally beautiful! Pero iyang kaibigan niyo parang ipinaglihi sa buto!" she spat rudely while looking at me full of insult in her eyes. She looks so disgusted as she scans me head to foot.
Napatingin ako sa katawan kong payat. Yes I am slim and my paper white skin is not a good combination of how small I am. I look like a malnourished child but all of this happened because of a big reason. My blood boiled. She's insulting me. Hindi niya alam kung bakit hindi nakabawi ang katawan ko pagkatapos ng matinding paghihirap ko noong labing limang taong gulang ako.
Bago ko pa siya masugod ay naunahan na ako ni Rose at Valerie. Rose looks so mad as her right hand landed on Mitch's face for a raw and painful slap. Masakit iyon, dahil rinig na rinig namin. Valerie grabbed her hair. Napangiwi ako, masakit manabunot si Valerie, alam namin iyon. Walang magawa ang kanyang mga kaibigan nang pagbantaan sila ni Valerie.
"Val, Rose! Tama na." Hinigit ko silang pareho.
Hindi pa maawat si Valerie pero nang makitang naiiyak na ako ay agad siyang nagpaawat.
"Apologize to her! You body-shamer!" Rose gritted her teeth.
Nang makabawi si Mitch ay tinawanan lang kami. Sinamaan niya nga lang ng tingin ang kanyang mga kaibigan na maamong nakatayo sa gilid. Takot iyang mga 'yan kay Valerie dahil lahat ng pamilya nila'y stock holder ang kuya ni Valerie at malaki ang share niya sa mga kompanya nila. Natatakot lang sila na isumbong sila ni Valerie at baka ma-bankrupt sila.
"Why would I apologize? Argh, losers! Let's go, girls!" They walked out.
They walked out without apologizing. Pinilig ko ang ulo ko para hindi maapektuhan masyado. Hinagod ni Rose ang likod ko nang magsimula akong umiyak. I hate her so much!
"Shh, tahan na. Hayaan mo makakabawi rin tayo. Makakarma iyang impaktang iyan eh," alo ni Rose.
I cried for about ten minutes. Gumaan ang pakiramdam ko nang lumabas kami para kumain. Inis na inis si Valerie dahil sa nangyari kanina pero sinabi kong hayaan na muna si Mitch.
"Remember I have no insecurities," amin ko sa kanila.
"Dapat lang! Maganda ka, Erin! Inggit lang talaga si Mitch sayo. Ano ngayon kung nagmamayabang siyang malaki ang boobs niya eh wala naman siyang puso. Her heart has shrunk because of her attitude kaya lumubo iyong dede niya!" Natawa kami sa sinabi ni Rose. Sinaway ko nga lang sila dahil may mga nakakarinig sa amin.
After Mitch has ruined our mood, we still ended our day with a smile and satisfaction on our faces. Busog kaming lahat pagkatapos kumain sa Starbucks. Nagtagal pa kami roon para magchikahan tungkol sa iba't-ibang bagay at kung saan namin planong magvacation. Hanggang sa nakatanggap ng tawag si Rose. Tahimik lang kaming nakikinig ni Valerie.
"I am with my kabet right now," sarkastikong sambit ni Rose. Mukha siyang inis na inis habang kausap ang kung sino sa cellphone niya.
"Who's that?" Valerie mouthed.
Nginuso ako ni Rose. Agad naman naming nakuha pareho ang punto niya. Sabi na eh! May LQ lang sila ni Iggy.
"Oh ede tignan mo dito sa Starbucks nang makita mo!" Rose looks like an idiot, trying to look angry when she can't completely suppress her sly smile.
Napangiti ako. I am sure Iggy is irritated right now. Binabaan siya ng tawag ni Rose. Ilang minuto lang ay ang cellphone ko naman ang tumunog.
"Tumatawag si Iggy," sabi ko nang mabasa kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito at pinigilang hindi mapahalakhak. Si Rose lang talaga ang nakakapagpainis sa kanya ng sobra.
"Erin, where are you? Kasama mo ba si Roseanne?" agad na bungad ni Iggy sa akin.
I bit my lower lip to suppress my smile before I put my phone in a loud speaker.
"Ha? Hindi kami nagkita ni Rose ngayon eh. Nasa bahay ako. Bakit mo hinahanap ang kaibigan ko?" pigil-tawa kong tanong.
"We had misunderstandings again."
"Bakit kayo magkakaroon ng misunderstandings? Kayo na ba, Iggy? Kayo na ng kaibigan ko?" galit ko kunong untag.
Bumuntong-hininga si Iggy sa kabilang linya na para bang namroblema na. Pinandilatan ako ng mga mata ni Rose para iparating na sekreto nila iyon ni Iggy. Sekreto pang nalalaman eh buking na!
"Do you know where she is right now?" Sinagot din ako ng tanong ni Iggy.
"Starbucks, perhaps?" Tinakpan ko ang bibig ko para hindi mapahalakhak. Nagpipigil din ng tawa ang dalawa. Bumungisngis nga lang ng medyo malakas ni Rose kaya mukhang narinig ni Iggy sa kabilang linya.
"Erin, you are with your friends? I just heard Roseanne giggled…" Oh wow! Pati ang bungisngis ni Rose nakilala niya!
"Damn woman you are giving me hard time." Naputol ang tawag pagkatapos iyon sabihin ni Iggy.
Nanlaki ang mga mata ko. Baka napikon na iyon. Lagot na.
"Ang haba ng hair mo, Marimar!" Valerie joked. "Buti hindi ka natatakot na pikunin si Detective Iggy? Erin pektusan mo nga!"
Bumungisngis kaming tatlo. Natahimik nga lang kami pareho ni Valerie nang makitang nakatayo si Iggy sa likod ni Rose. Tumatawa pa si Rose at inaayos ang kanyang mahabang buhok. Nagulat akong nahanap niya kami agad. Mukhang stress ang pinsan ko habang pinupukol ng masamang tingin ang kaibigan ko.
"Wala ba kayong planong umuwi? Mukhang uulan ng malakas eh," pagpaparinig ni Valerie at sinikop ang mga gamit.
Tirik na tirik ang araw sa labas. Pero sinabayan ko siya at tumayo na rin. Nakaupo pa si Rose at hindi pa nakikitang nakatayo na si Iggy sa likod niya. Nagsimulang maglakad si Valerie kaya sumunod ako.
"Uy hintayin niyo ako!" Agad na tumayo si Rose at kinuha ang mga gamit pero napaupo ulit siya.
Sa nanlalaking mga mata, napatingala si Rose kay Iggy. Tumingin naman sa akin si Rose na para bang nanghihingi ng tulong. Nag-iwas naman ako ng tingin at nagkunwareng hindi siya naintindihan.
"Ayan, titiklop din naman pala kapag nasa harapan na ni Iggy," natatawa kong ani.
Tinanaw namin ang dalawa mula rito sa labas. Mukhang batang pinapagalitan si Rose habang nakangusong nakikinig sa kung anong mga sinasabi ni Iggy. Valerie took her phone out, probably to text their driver.
"Sign na ito na kailangan ko ng mag-boyfriend." Tinapik ni Valerie ang balikat ko. "Oplan hanap boyfriend na kasing kisig, kasing gwapo, kasing talino, at kasing seryoso ni Iggy! Game ka, Erin?" She looks so determined.
I shook my head. "Wala sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon."
"Sigurado ka? Paano kung maagang panain ni Kupido iyang puso mo? May magagawa ka pa ba?"
"Hindi iyon mangyayari." Hindi ako sigurado nang sabihin ko iyon.
"Kahit gwapo hindi ka matitinag?"
"Kahit gwapo hindi iyon sapat para pumasok ako sa isang relasyon."
"Kahit seryoso sayo?"
"Kahit seryoso kung hindi naman niya kayang tumagal sa akin."
"Kapag seryoso kaya kang dalhin sa altar."
"What-evah!" Ayokong makipag-debate. I-enumerate niya lang sa akin kung bakit kakailanganin ko pa ring magpakasal.
Pareho lang din kaming natawa ni Valerie sa reaksyon ko. I wandered my eyes to the street when a familiar face caught my attention. There… on a branded car parked near to Iggy's Aston Martin, Inspector Moral is leaning on his car looking so serious while staring intently at me. Nanindig bigla ang balahibo ko. Mukhang pinag-aaralan niya ang bawat expression ko habang hindi ako nakatingin kanina.
I thought we won't cross path again. It's been more than three weeks since the last time we saw each other. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang ala-ala kung paano niya halikan ang mga babae niya. No matter how good looking he looks in my eyes, that thought would always ruin his image in my mind. It's like he is likable yet he deserves to be hated. His hooded eyes look so dangerous as I fight the urge to look away to not look defeated. He's like a hawk preying on me. Napaawang ang bibig ko sa tindi ng mga titig niya. Kung makatingin siya ay para bang alam niya ang pinakatago-tago kong sekreto.
"Erin, nandito na ang sundo ko. Pakisabi na lang kay Rose na nauna na akong umuwi sa inyo, okay?" sabay beso ni Valerie sa akin. Mukhang hindi niya na nakita pa si Inspector Moral sa gilid.
"Ingat ka, Val." Kumaway ako pagkalarga ng sasakyan nila.
Huli na nang mapagtanto kong mag-isa akong nakatayo sa tapat ng glass window ng Starbucks. Kung saan-saan ko naibaling ang tingin ko nang makita sa peripheral vision ko na balak akong lapitan ni inspector. Oh please, wag kang lalapit! Baka kagagaling niya lang sa date nila ng isa sa mga girlfriend niya or worst, tatlo ulit ang dinate niya ngayong araw!