ADORABLE HELPER
03 : GRANT
Zowen P.O.V
“WHEN have you been close to each other?" mama asked us as Grant and I faced each other in a long chair as he taught me how to measure a cup of rice. Because the last time I measured the rice, I almost gave it all to the costumer for only eight pesos. Medyo nagalit si mama dahil doon.
Grant smiled at me and then I smiled at him too. “Hindi naman po kami magkaaway a? Close na close po kami matagal na.” Tugon niya kay mama. Yeah! This guy and I are getting a little closer to each other.
Why not? Grant is really kind and he is sweet to me. So I gave him a chance. He always shows me beautiful and neat things.
The truth is that also because of Grant, Claire and I have also become closer to each other. Kaming tatlo actually. AHAHA! Alam niyo na torpe ako e.
Sa kabilang banda ay iyon nagpatuloy na kami sa pag-measure ng kanin tapos after niyon ay nagtutulungan din kami na isalin ang mga ulam sa kaserola para ilagay sa lalagyan. Nang biglaan naman napaso ang kamay ko noon sa barbiecue-han noong nag-iihaw ako. Request kasi ng mga costumer. Tapos bigla-bigla ay dali-daling tumakbo si Grant sa akin saka niya ako tinanong kung anong nangyari sa akin?
“Napaso 'yung kamay ko.” Sabi ko, pero okay lang. No nope hindi okay. Actually hindi talaga okay, kasi sobrang sakit at hapdi.
Nang manlaki nalang ang mata ko sa pagkagulat noong biglaan niyang isubo ang daliri ko kung saan ako napaso saka niya iyon inihipan. Ay grabe! Natigilan nalang talaga ako sa ginawa niya noong mawala ako sa sarili ko na parang lumilipad ang utak ko tapos hinawakan niya pa ako sa pisngi.
“Sa susunod, Zowen. Mag-iingat ka huh? Para hindi ka nasasaktan.” Makapaglaglag damdamin niyang saad saka lamang ako napatango-tango at nag-oo bago siya umalis at hinabol ko siya ng tingin ko. Iyon naman pala without knowing ay humawak siya sa uling bago sa pisngi ko. DAMN.
Na-aware nalang ako noong nasa banyo na ako para maligo. Kaso hindi ko ba alam? Kung bakit imbes na magalit ako ay natawa nalang ako. Grabe sukat na sukat ang buong print ng kamay niya sa mukha ko.
Tapos naligo na ako at paglabas ko habang naka-topess 'yung tuwalya sa akin naabutan ko siya sa kuwarto. Isinarado ko 'yung pinto saka ko siya hinuli. “G*go ka! Bakit mo ako pinahidan ng uling sa mukha?” niyakap ko siya para hindi siya makawala tapos kinikiliti ko siya sa tiyan nang tawa lang siya nang tawa.
“Bagay mo na naman e!” tugon ba naman niya sa akin? Aba! Mas kiniliti ko pa siya, isinama ko na ang leeg nang sa hindi inaasahan biglaan kaming natumba sa higaan at mapatungan ko siya.
Ilang sandali kami na nasa puwesto na ganoon noong sandaling mapatingin lang ako sa mukha niya. Nakangiti siya sa akin. Bago ay pinakawalan ko na siya nang marinig ko si mama na tinatawag niya si Grant.
Nasapok ko nalang ang sarili ko for what I'm thinking about him.
Pagtapos naming maghanda lahat pumunta na kami sa carinderia at hindi inabot ng tanghali ay maagang naubos 'yung mga ulam at kanin. Mas marami kasi kaming naging costumer kaya naman napaaga din ang pag-uwi namin pare-pareho sa bahay. Nag-arkila nalang si mama ng tricycle para mauna na. Sasakay nalang kami ng cheap bus. Nang bago iyon ay pinuntahan ko mo muna si Claire.
“Grabe! Blockbuster talaga iyang carinderia ng mama mo. Ano? Thankful nga ako na ito ang kinuha naming puwesto banda sa carinderia niyo kasi naaambunan din ako ng dami ng costumer niyo.” Salita niya sa akin noong sabihin ko na maaga kami makakauwi at nakita naman niya kasi magkatabi lang naman kami ng stall. Napatango-tango naman ako.
Actually iyong sinadya ko sa kaniya ay nilakasan ko na ang loob ko na tanungin siya ‘kung may boyfriend na ba siya?’
Biglaan namang nahiya si Claire atsaka umiling-iling. I though magkaka-chance ako pero bigla niyang pahabol na sinabing ‘pero may tao akong ibang nagugustuhan.’ Doon bigla para akong tinirador sa sobrang sakit. Wala na pala akong pag-asa.
Sobrang lungkot ko tuloy niyon. Sobrang sama din kasi talaga ng nangyari. Kung kelan may lakas ako ng loob. Basted naman ako? I have no chance. Pero akala ko ako lang ang nage-emote noong araw na iyon, pati din pala si Grant. Nakita ko siyang nakaupo doon sa buhanginan habang nakatingin sa agos ng dagat. Pupunta sana ako sa kanya para sabihin iyong mga nangyari sa akin pero siya itong nakita ko na mas bagsak na bagsak ang presensiya.
“Anong ginagawa mo dito. Bakit ka malungkot?” tanong ko saka siya napatingin sa akin noong tabihan ko siyang maupo sa buhangin.
Malungkot siya pero pinilit niya paring ngitian ako. “Nage-emote!” salita niya.
Oo nga sabi ko nga e, nage-emote siya.
“Wala ito. Medyo pumasok lang sa isip ko 'yung mama ko.”
Napahinga ako ng malalim. Oo nga pala. Ni-kuwento na sa akin ni mama ang lahat.
“Ang totoo kasi niyan nakakatrauma para sa akin iyon. Parati ko naiisip iyong mga habilin niya sa akin at itsura niya noong magkasakit siya. Kitang-kita ko sa mata niyang pagod na pagod na siyang lumalaban sa sakit niya. Noong makita ko nga siyang naluluha, napaiyak narin ako niyon. Kaya naman kahit sa panaginip ko hina-hunting ako ng alaala niya na hindi ko mabitawan.”
Nagsimula ng umiyak si Grant nang tapik-tapikin ko ang likod niya para pakalmahin siya at punasan ang luha niya. Pagkatapos ay inihiga niya ang sarili sa gilid ng balikat ko.
“Bakit kailangan niya pang mawala sa akin? Napaka-masayahin niya pero traydor ang sakit. Doon ko talaga napatunayan na napaka-iksi lang ng buhay ng tao. Walang may hawak nito. Walang nakakaalam kung kailan ka mawawalay sa mundong ito.” Dagdag niya pa.
---
ABOUT three o'clock in a morning I heard noises outside. That meant mama was awake now to cook for the carinderia so I opened my eyes. When I was surprised kayakap ko na si Grant. Medyo weird lang 'cause I am the one who hugged him. Medyo napainom kasi kagabi kaya hindi na naging klaro sa alaala ko ang lahat. Mababa lang ang tolerance ko sa alcohol. Niyaya niya kasi ako at hindi ko narin siya tinanggihan. Maybe I did this because I am worried about him last night. Parati daw siya inuusig ng masamang panaginip about his mama na siyang napansin kong totoo ang sinasabi niya.
Kailan pa nga ba siya nagsinungaling? Lahat ng sinabi niya sa amin ay napatunayan kong totoo.
Ginising ko na siya matapos ko kuhanin ang kamay ko saka na kami tumulong. Dating gawi lang tapos tumawag si papa during nasa carinderia ako, tungkol ito sa noong nakaraang araw pa namin napag-usapang trabahong open daw kaya ni-grabbed na niya ang oppurtunity so do I.
Pumayag ako.
Kaya sinasabi na niya ngayon iyong mga requirements na kailangan kong asikasuhin. Nagpasama na ako kay Grant para makumpleto ko, kasi siya lang nakakaalam ng mga establishimento dito.
Ilang araw ang lumipas mas naging busy na ako para pag-asikaso sa trabaho ko. May mga ilan parin na requirements na kailangang lakarin. Nakakatulong parin naman ako sa pagluluto at paghahatid sa carinderia kahit paano. May mga time lang talaga na pinapapunta ako sa isang pabrika ni papa, doon ako ide-deploy.
Hindi naman na ako nasasamahan ni Grant kasi walang kasama si mama lalo na kailangan niya ng tutulong sa kanya, kaya naman hindi ko na alam kung anong nagaganap sa carinderia hanggang sa isang araw medyo magtatanghali narin noon papunta ako sa carinderia para makamusta si Grant.
Nang magugulat nalang ako sa nakita ko kasama niya si Claire. And take note ; sweet na sweet silang nagtatawanan sa isat-isa habang sinusubuan pa siya ni Claire nang isang hindi ko na masiyado na nakitang pagkain. Bigla tuloy ako natigilan at nakaramdam ng kirot sa dibdib ko at the same time sobra akong nakaramdam ng inis.
Alam ko namang busted na talaga ako kay Claire at ngayon ko napatunayan na ang taong gusto niya ay si Grant pala. Wala namang problema kung ayaw niya ako.
Pero badtrip! Ano itong nararamdaman ko at bakit ako nagseselos?
Nagbulag-bulagan ako at nagpatuloy. Ayaw ko umatras. Wala naman dapat ako ikagalit saka ikaselos. Tanggap ko.
Nagpanggap ako na parang hindi ko sila napansin pero sila itong nakapansin sa akin nang una.
“Oy Zowen! Mabuti maaga ka napauwi ngayon? Wala si Tita kasi nag-enrolled para sa pasukan ang dalawa. Kumain ka na?” salita agad ni Grant sa akin saka siya mabilis na lalapit sa akin at tatabihan ako sa kinauupuan ko.
“Wala akong gana, ayaw ko kumain.” Malamig ko na sabi biglaan nalang ako umakto sa kanya nang ganoon sabay napabuntong hininga ako at isinandal ang sarili ko sa dingding.
“May problema ba?” tanong niya sa akin mula sa nag-aaalalang tono ng boses niya.
“Okay lang ako. Okay?” tugon ko naman.
Hindi ko aasahan na mag-aact ako nang ganoon na naman sa harapan niya. Talaga bang pinagseselosan ko siya kay Claire? Dahil sa hanggang nasa bahay na kami ay parang gusto ko parati siyang iwasan at makabanggaan ng tingin. Kung itrato ko siya parang may nakakahawang sakit na hindi ko nilalapitan.
Doon ko palang narealize na baka hindi dahil sa pinagseselosan ko siya dahil kay Claire. At mas napatibay iyon nang biglaan akong halikan sa labi ni Grant. Nagagalit siya sa akin noon sinusundan niya ako nang maglakad-lakad ako sa buhanginan tabi ng dagat. Panay tanong siya sa akin kung may nagawa ba siya? Ano bang problema bakit parang umiiwas ako sa kanya? But I always answered him that none. Wala naman at hindi ko siya iniiwasan.
Naupo ako sa isang gilid atsaka siya tumabi sa akin. Napahingang malalim ako noong tanungin ko kung sila na ba ni Claire? I know wala akong karapatan para magtanong nang ganoon. Wala narin akong pake pa kung sila man talaga. But still I am curius.
Kaso hindi ko naman inaasahan na tatawanan niya lamang ako after ko makita sa mukha niya ang gulat at inosente na parang ‘Huh? Wala akong alam?’ iyong tipo ng itatanggi ba niya?
“Seryoso ako!” inis ko na sambit sa kaniya.
“Bakit naman magiging kami?” ako naman ngayon ang tinanong niya. Tini-tricks ba niya ako?
“Because she like you a lot!” diretsahan ko na tugon saka siya napatigil ng tingin sa akin. Senyales lang talaga na hindi na siya makakapag-sinungaling pa kung itatanggi man niya.
“Yes! I know, but—” salita niya na proud na proud pa siya. “But you like her, right? Kaya paano din naman magiging kami, kung sinabi ko na I already like someone else.”
“Huh?” napatingin ako sa kaniya.
“May iba karing gusto? Sino?” tanong ko sabay natawa lang siyang muli. Ang lakas ng trip niya.
“Kanina tungkol kay Claire tanong ka nang tanong. Kaya naisip ko na pinagseselosan mo ako sa kaniya. Kaya ba hindi mo ako pinapansin o kinikibuan man lang? Pero ngayon pati iba ko na nagugustuhan gusto mo malaman. Nagseselos ka ba sa akin o nagseselos ka sa kaniya?”
Inisip ko na biro ang sinasabi niyang ito, pero may impact sa akin. Hindi ko lang talaga maintindihan. Not until he suddenly said I was the person he someone liked. Nasa mahina at nahihiyang tono niyang sinabi iyon pero narinig ko siya. Biro ba ito? Natawa ako. Tinawanan ko siya. Sinabi ko pang huwag niya akong pinagloloko!
Napailing-iling lang ako noon nang bigla niya akong hawakan sa pisngi saka niya mabilis na ipaglalapit ang labi namin sa isat-isa. Dapat magagalit ako dahil sa ginawa niyang iyon pero bagkus ay pumikit ako. I kissed him back. Confirm yata na hindi siya ang pinagseselosan ko. Nagtagal iyon, saka siya nagulat dahil sa naging response ko.
“Uhmmm... I'm sorry.” Napatigil siya nang mapangiti lang ako, saka ko muli siya sinimulang i-kiss sa labi.
---
WE already like each other. Yes! Grant admitted to me that it was the first time he had seen me on the bus. He already has feelings for me. Even though I was harsh back then. Sobrang saya ko lang at nakakatawa talaga. Nagustuhan niya ako hindi dahil sa itrinato ko na siyang maayos kun'di simula umpisa palang pala. Nagustuhan niya ang tunay na moody na ako. Aaminin ko naman na mukhang nagsimula akong may maramdaman noong araw na makita ko siyang energetic sa harap ng mga costumer ng carinderia. At iyong magandang ngiti niya parati sa akin.
My and our adorable helper.
Sa kabilang banda akala ko pangmatagalan na ang kasiyahan na siyang namamatigan sa amin pero hindi pala. Hindi pa pala. Kung kelan okay na ang lahat. Masayang-masaya na saka naman kami magkakalayo muli. Dahil isang araw nalang ay may balitang nalaman si Grant tungkol sa ama niya. Kumbaga lead ito kung saan matatagpuan ang papa niya. Kaya naman nagpaalam siya kila mama at papa ng maayos para puntahan dahil nagbabakasakali siya.
Nagpaalam din siya sa akin, at kahit malungkot ay wala naman akong magagawa. Dahil dapat nga maging masaya ako sa kaniya. “Babalik ka pa ba?” tanong ko nga noong nasa kuwarto kami saka ko siya tinalikuran. Nang tila bigla ay niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likuran ko. Mainit ang mga yakap na iyon. “Oo naman. Siyempre babalik ako. Zowen, hindi naman ako mawawala.” Saad niya, noong napapikit nalang ako saka na ako tuluyang naluha.
Dinampian niya ako ng labi niya sa pisngi ko noong unti-unti ay mapaharap ako sa kaniya saka ko siya ginantihan ng halik pero sa kaniyang labi. We kissed passionately.
Sa huli hanggang sa makaalis siya ay nagawa niya pa akong pasayahin. Hanggang sa narealize ko na lang na signos na pala iyon. Masayang-masaya pa ako na nakakatawag pa siya sa amin at sa akin noong nasa byahe siya at makarating na siya sa lugar. Ngunit naputol iyon at tumigil. Nagsisimula na ako magalit tungkol sa hindi niya pag-update sa sarili niya. Ilang araw at linggo kasi ang lumipas wala kaming contact sa kaniya at update man lang. Nag-isip ako ng masama na tuluyan na niya kaming kinalimutan siguro dahil masaya na siya sa ama niya. Hanggang sa ang galit ko ay mapalitan ng pag-aalala at pagka-miss sa kaniya.
Minsan naaalala ko nalang siya bigla, at nakakatawa at nakakaloko mang isipin ay parang namalik mata yata ako noong minsanang makita ko siya sa gitna ng maraming tao saka ko siya sinubukang habulin at hanapin pero nabigo ako. Ano nga ba ang iniisip ko? Malayong lugar ang pinuntahan niya kaya impossible.
Nang sa hanggang isang araw nalang ay para akong napako sa kinatatayuan ko at nablangko ang pag-iisip ko noong may balitang lumabas sa television. Noong una ayaw ko maniwala pero noong nilabas ang mga gamit at pagkakilanlan ay kumpirmadong si Grant nga iyon. Halos magwala na nga sina mama at iyak nang iyak kasama si papa noong mapanood nila.
Habang ako nanginginig at sobrang kirot ng puso ko noong bumagsak nalang ako sa kinatatayuan ko. Patay na si Grant. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa mga impormasyon na nilabas nilang napapanood at naririnig namin. Bikitima si Grant ng isang robbery at murder.
Tapos kung hindi pa pala namin nalaman sa television ay walang magke-claim ng bangkay niya. Nakakalungkot ang nangyari. Ang sobrang masakit pa ay sana hindi nalang namin siya pinayagan na umalis sa piling namin, dahil napag-alaman naming hindi rin pala ang ama nito ang dapat niyang pupuntahan.
Nakakuha siya ng false imformation o wrong lead. May ibang pamilya sa adress na nasa kanya. Pagka-claim naman namin ng bangkay niya at sa burol ay umaasa kami na lalabas ang ama niya pero wala. Umabot nalang kami sa sementeryo kung saan bumuhos ang pakikiramay ng maraming taong minsang napasaya ni grant. Kabilang na rito ang mga costumer namin, katabing tindahan, at mga kapitbahay.
It was only then, that I actually saw so many people love him because of his adorableness. Sabagay kahit nga ako nahulog at minahal siya dahil sa personality niyang iyon.
Hindi ko na naman maiwasan na mapahagulgol sa pag-iyak lalo na bumabalik sa alaala ko ang magaganda at charm niyang ngiti na hindi ko na muling makikita pa.
Naalala ko rin tuloy iyong araw na naikuwento niya sa akin ang tungkol sa kaniyang mama. Sinabi niya na maiksi lang ang buhay ng tao, walang may hawak nito, at walang nakaka-alam kung kailan mawawalay ang isang tao sa iyo sa mundong ito.
Kaya siguro ang maipapayo ko lang. Kung may isang tao kayong pinahahalagahan at sobrang mahal tulad ng ina niyo, ama, mga kapatid, kaibigan, someone else at iba pa? Huwag kayong mahihiya at magdalawang isip na ipakitang pinaka-importanteng tao sila sa buhay mo. Be matured enough. Show your care for them. At ngayon palang mahalin mo na sila ng sobra-sobra bago pa mahuli ang lahat.
Sa kabilang banda pilit ko na tinatanggap ang kinahantungan ni Grant at ng pamilya ko kahit napakahirap kasi minsan hindi maiwasan iyong bigla bigla nalang siya pumapasok sa alaala namin. Mahirap naman kasi tanggapin at kalimutan nalang ang isang tulad niya. Minsan siyang naging parte ng mga buhay ng parents ko at maging sa akin. At lahat ng mga bagay tungkol sa kaniya ay masasaya.
Mahirap man paniwalaan ito at hindi ko alam kung guni-guni pero minsan ay muntikan muli ako mahagip ng isang sasakyan pero kakatwang para bang may humila sa akin paatras to save me kahit wala namang ibang tao sa paligid ko. At noong moment na iyon ay unang pumasok sa isipan ko si Grant.
Napatunayan ko at pinaniwala ko ang sarili ko, na maaaring ginagabayan parin ako ni Grant kung saan man siya naroon.
Thank you, Grant.