ADORABLE HELPER
02 : PALABOY
Zowen P.O.V
MAYBE I have the right to harbor resentment over what I learned about that person. This is too much. Our house has two bedrooms. My siblings slept with my parents in their room, at ang supposed to be na kuwarto ko naman ay may makakasama ako. At sa taong dinampot lang pala nila sa kung saan?
Naiinis nga ako e. I never see this guy before sa video call, pero nakikitira pala siya sa amin. Tapos naniwala sila sa kuwento ng tao na ito noong madampot lang nila ang palaboy na ito. Oo palaboy! Palaboy na binigyan nila kaagad-agad ng puwang sa bahay na ito. Now I see kaya siya masiyadong pabibo. Sapagkat ulila na daw si palaboy sa ina at kamag-anak na nasa malalayong lugar. Tumulong ang magulang ko sa kanya kasi gusto daw makapag-ipon ni palaboy para bumyahe at hanapin ang tatay niya na siyang huli daw nitong pag-asa. At sa pamamagitan ng carinderia namin ay naging oppurtunity ito for him.
Wow parang teleserye ang script na ginawa nitong palaboy na ito a? Naniniwala talaga sila sa taong iyan? Duda ako. He might be a bad person. Sa panahon ngayon uso na ang mga opurtunista. Sa tingin ko kasi ay parang mapangsamantala iyang palaboy na iyan at parang hindi mapagkakatiwalaan.
“Maawa ka naman kay Grant anak. Napakabait naman niya at masipag.” Sabe pa ni papa. Napatango-tango naman ako kasi sina papa na iyan e. Pero huwag mage-expect sa akin iyang palaboy na iyan.
Siyempre bilang hindi ko siya gusto. Aba! Pabor ako sa gusto niyang mangyari na sa sahig siya matutulog ng kuwarto. Alangan namang tabihan pa niya ako. Tsk! Nabulabog ko pa tuloy sina mama at papa. After nila ako kausapin bumalik na kami sa pagtulog. Ilang oras na naman kasi gigising daw sila para magluto na ng mga menu sa carinderia.
“Pasensiya ka na Zowen, kung nabigla kita kanina. Nakita kasi naming pagod na pagod ka at ayaw din naman kitang bulabugin pa. Pasensiya ka na talaga kung tinabihan kita sa pagtulo—” salita ni palaboy sa akin noong mahiga na kami na pinutol ko.
“Matulog na tayo!” saad ko tapos nanahimik naman siya. Sinilip ko siya ng pasimple noong makita ko na mangiyak-ngiyak siya. To be honest lang naaawa din naman talaga ako sa kanya pero ewan ko ba? Hindi lang siguro ako 'yung taong mabilis magtiwala. At siyempre nakakaramdam din ako ng selos sa mga nakikita ko na good treatment sa kanya.
---
KINABUKASAN tinanghali na ako ng gising. Hindi na gumising iyong diwa ko para man lang sana makatulong sa pagluluto. Gumising ako na si palaboy lang ang nakita ko na abala para kumuha ng ilang gamit at halos paalis narin kung hindi lang ako nakita at sinabi sa akin na nasa carinderia na si mama at si papa naman ay pumasok na sa trabaho niya. Masigla niya iyong sinabi. Parang nag-ibang tao na naman siya. Energetic na naman masiyado.
Napakamot tuloy talaga ako sa ulo ko sa fact naman na hindi ako nakatulong. “Sasama ako, maliligo at magbibihis lang ako.” Sabe ko saka naman ngumiti si Grant at tumango-tango sa akin.
“Pakibilisan nalang baka nahihirapan na si Tita doon,” turan pa niya sa akin. Ngumiti na naman siya at nanliliit ang mata. Nagpapa-cute.
Napailing-iling nalang ako saka naligo pagkatapos ay nagbihis ng mabilis bago ay ni-lock namin iyong pinto ng bahay, gate, at tinulungan ko siyang magbuhat sa ilan sa mga bitbit niya.
“Thank you, Zowen!” saad naman niya pagkatapos ay ngumiti ulit. Fine! Aaminin ko may itsura din naman talaga siya, attractive at napakaamo ng mukha niya kaya hindi narin ako magtataka na may mahuhulog sa mga ginagawa niya. I mean sa mga pagsisinungaling niya to be exact.
Hindi ko tinugonan iyong mga ganiyan ganiyan niya. Bagkus nagmadali nalang ako maglakad saka siya sumunod para tunguhin naman iyong highway. Medyo malayo-layo ng konti pero hindi na kailangang sumakay pa ng tricycle. Lakarin nalang okay na. Nang makarating na kami sa highway ay tumawid na kami para sumakay ng bus. Hindi siya iyong typical na bus sa mga terminal. Walang pinto na bumubukas kasi bukas na talaga, pati mga bintana nakabukas narin, at itsurang luma.
Nagulat ako noong biglaang hinawakan ni palaboy iyong palad ko nang hilain niya ako, at agad na makasakay bandang likuran sa dulo ng bus. Kahit hindi ko tinanong ay sinabi niya sa akin na kaya daw bandang likuran kami mauupo malapit sa pintuan ay dahil maya-maya ay mahihirapan daw kaming lumabas kapag marami ng pasaherong sasakay.
Wala akong naging response doon pero gusto ko talaga itanong iyon sa kanya, kaya naman napatingin ako sa kanya nang ipinapaliwanag niya sa akin iyon. Kung sabagay.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naka-holding hands parin siya sa akin? Nabitiwan lang niya ako noong tignan ko na siya tapos napalingon siya sa akin, saka ko ibinaba ang tingin ko sa kamay niya na agad niyang sinundan. Nang palihim nalang akong natawa noong makita ko ang mukha niya na nagulat. Ang epic niyon! HAHAHA!
Pagbaba namin sa bus ay muli niyang hinila ang kamay ko at saka na kami dali-daling nagtungo sa carinderia. Marami na namang costumer.
“Mabuti naman, nandito na kayo,” salita ni mama. Kaya pagkalapag na pagkalapag ng mga paa namin sa loob ng carinderia ay tumulong na kami. Si palaboy taga tawag ng costumer at kuha ng order nila habang ako naman ay nagbabalot at nagbibigay. Sobrang nakakapagod pala ng ginagawa ni mama. Siya na ang nagluluto tapos siya din magse-serve at mamalengke niyan mamaya. Naaawa ako na wala manlang siyang pahinga. Kaya naman noong medyo kaunti nalang ang costumer bandang tanghali narin, pinauna ko na si mama na umuwi sa bahay para makapag-pahinga ng maayos. Kami-kami nalang dito. Iyong dalawa kung kapatid na maliit hindi ko mo muna pinasama at pinanitili nalang sa carinderia para bantayan. Sabay-sabay nalang uuwi mamayang hapon kapag sinundo na kami ni papa galing trabaho niya.
Free time wala masyadong tao noong gusto ko naman makipaglambingan sa mga kapatid ko. 'yung pangalawa kilala ako na kuya niya pero mas malapit siya kay palaboy. Mas lalo naman sa bunso na kay palaboy lang nagagawang lumapit at parang takot na takot sa akin. Parang may kumurot sa puso ko noong ako 'yung nagbukas ng kamay ko para lapitan ako at yakapin sila pero sa iba sila lumapit. Napakagat nalang ako sa labi ko saka ako nagpanggap na wala lang sa akin iyon kahit na nakita ko na parang napatingin sa akin si palaboy. Niyayakap-yakap at nilalaro niya ang mga kapatid ko na dapat ako ang gumagawa, pero hindi sila malapit sa akin e.
Sobrang sama siguro ng ugali ko talaga para maisip ko na parang gusto agawin ni palaboy ang position ko. Iyong para bang substitute ko siya. Alam ko namang mali na mag-ugali ako ng ganoon, pero siguro dahil narin sa tagal ko hindi nakasama ang pamilya ko ay gusto ko lang sila solohin na hindi ko magawa dahil nandiyan si Grant na apple of the eye nila.
Pero natuwa din naman ako noong makita ko sa kanya na itinuturo niyang kuya nila ako, na mabait ako, at natawa ako na kapag maging mabait daw sila sa akin ay bibigyan ko sila ng maraming ice- cream lalo na si bunso. Puwede naman. HAHA! Ang nice kung tutuusin na sa ibang paraan na makaka-cope sila ay inilalapit niya ako sa mga kapatid ko.
Ang totoo niyan lumipas ang maghapon at ilang araw ng pagiging moody ko sa kanya at hindi magandang trato minomonitor ko siya ay wala akong nakita na masama. Nagsisipag pa nga siya e. He act like he's usual self na jolly at pala ngiti. Aaminin ko rin na kahit konti sa oras na iyon ay ina-adore ko siya sa pagiging masayahin niya. Sa ilang araw ay nakita ko rin namay mga tindera at tindero kami na katabi na sobrang close na close niya lalo na noong magpasama ako bumili ng kape na nakatimpla na doon sa babaeng nasa gilid lang namin. Medyo matagal ko na talaga siyang pasimpleng tinitignan simula noong isang araw na makita ko siya. To be honest cute siya kasi. Simple lang ang ganda niya at attractive ako sa mga may magagandang ngiti. So I want to know her.
“Crush mo si Claire, ano?” tanong nga sa akin ni palaboy noong tanungin ko siya kung sino iyong babae na tiyak naman na close niya rin kasi kinakausap siya nito kanina sa pagbili namin. Natuwa naman ako noong tanungin ako kung sino ako?
Siyempre ako na iyong sumagot na. ‘Ako si Zowen.’ Tapos nakipagngitian siya sa akin. Ang cute niya talaga. Hanep!
Sa kabilang banda. “Bakit masama ba? Ano may gusto ka din sa kanya?” straight to the point ko na tanong. Tapos bigla ba naman siyang ngumiti sa akin sabay halakhak ng malakas na tawa. “Ano ka ba? HAHA! Wala akong gusto sa kanya. Ano!”
Nagawa niya pang lumapit para kalampagin ako sa balikat. Wow! Bestfriend ko siya?Tinignan ko nga siya ng seryoso dahil doon e, na parang ano ba close na ba niya ako para gawin niya iyon? Masiyado siyang touchy at nagpapakitang gilas.
“Pasensiya na.” Saad niya.
“Okay lang,” turan at tumango naman ako bilang pagtanggap sa sorry niya saka ako napatingin sa babae. Wow! Claire pala pangalan niya? Kasing cute niya. Alam niyo 'yung parati ako bumibili ng mga tinda niyang candy, cafe, at mga tinapay makausap lang siya.
At natutuwa naman ako na parang ipinaglalapit pa kami ni palaboy sa isat-isa kahit hindi ko hinihingi ang pabor na iyon.
---
KINAHAPUNAN noon sinundo na kami ni papa. Hinintay nalang talaga namin siya dumating maaga kasi kami nagligpit ng lagayan ng ulam at ilan pa kanina kaya sinasakay nalang namin sa sasakyan iyong mga gamit.
Nang napapatingin ako at sinusundan ng mata ko si palaboy. May nangyari kasi kanina na hindi maganda atsaka niya ako tinulungan pero ang inasta ko ay nagalit pa sa kanya.
Gusto ko humingi ng sorry.
Bandang alas dose en trenta kasi may pa-order na ulam na dapat ihatid sa isang compound sa loob ng kumpanya na nakatayo malapit sa carinderia sa kabilang highway. Pinasabe narin sa akin ni mama ang tungkol dito na mag-reserve ng mga ulam ayon sa listahan na inabot niya sa akin. E, iyon na nga tumawag na iyong costumer kaya naman dali-dali akong kumilos namay pag-iingat pero dahil sa hindi talaga maiiwasan ang mga tipo ng aksidente ay muntik na ako mahagip ng isang van noong tumawid na ako.
Halos mamuti ako saka humiwalay ang kaluluwa ko at sobrang takot na takot ako noong biglaang may humawak sa magkabilaang balikat ko saka ako niyakap at hinila paatras. Napaharap nalang ako noong mabagsakan ko siya at parehas kami natumba saka ko nakita na si Grant pala noong ilang sigundo akong nawala sa sarili ko.
Nang makatitigan ko siya noon na punong-puno ng pag-aaalala ang mga mata niya sa akin. “Ayos ka lang ba, Zowen?” nauutal pa nga siya at parang natakot din siya sa nangyari. Mabilis kami tumayong dalawa saka niya ako ni-check if may galos ba ako o ano. Pinagpagan ang damit at pantalon ko. Saka niya ako muli tinanong if ayos lang ba ako? Pero nagalit ako sa kanya.
Nagalit ako noong manlaki nalang ang mata ko sa gulat noong makita ko na tumilapon na ang ulam sa kalsada at nagkalat na doon. Dumagdag pa iyong fact na iniwan niya ang mga kapatid ko sa carinderia na sila lang. Itinulak-tulak ko siya at nagawa pang suntukin. Hindi dapat ako umasta nang ganoon 'cause he save my life but I did. I still did.
Siguro dahil sa takot na ma-dissapoint at magalit ko iyong costumer pero sinamahan parin niya ako humingi ng paumanhin. Nagagalit na sa akin iyong mga costumer namay order pero noong siya ang magsalita ay naging okay ang lahat. Nakikinig sila sa kanya. Sinabi niya pala ang totoong nangyari atsaka siya humingi muli ng pasensiya sa mga costumer at nagawa niya pang makipag-negosasyon na dadagdagan nalang ang order nilang ulam next time nila bumili sa amin. He save my life and now he save me again for this mistake.
Parang lubos lubos na nakonsensiya ako sa inasta ko sa kanya lalo na noong magawa niya paring ipakita sa akin ang ngiti niya. I hurt him pero hindi siya nagalit? Tungkol naman sa mga kapatid ko ay iniwan niya pala kay Claire. Napahaplos nalang ako sa mukha ko sa sobrang inis sa sarili ko.
Bilang pagpapakita ko ng paumanhin pag-uwi ay tinulungan ko na si palaboy na maghugas ng mga pinggan at pinaggamitan. Iyon lang ang nakikita ko na way to approach him. Pagkadating kasi namin ay agad namang namalengke sina mama. Tumulong narin ako sa iba pang gawain na makakadagdag kina mama ng trabaho.
After matapos ang lahat sumilip mo muna ako sa mga kapatid ko na pagod na pagod kakalaro sa carinderia kaya tulog. Nang papunta naman ako sa kuwarto noon ay biglaang mapapatigil ako noong mapatingin ako kay palaboy na may hawak na malaking jar tapos may inihuhulog siya doon na mga pera na naalala ko kaninang ibinigay nina papa. Allowance or suweldo? Hindi ko alam.
Actually nakikita ko na siya nitong araw na ginagawa niya iyan. Sa tingin ko nag-iipon siya at may kinalaman doon ang paghahanap niya sa tatay niya.
Pero ang higit na mas nakapukaw ng pansin ko ay 'yung maluha-luha niyang mata. While calling her mom. Sa pagkakataong ito masasabi ko na nagbago na naman siya ng mood. Iyong palangiti niya at jolly na personality ay parang nawala. Doon ko napagisipan tuloy at nasabi sa sarili ko na totoo pala talaga ang mga problema niya and he was doing his best to cover his sadness with showing an adorable personality. Sa unang pagkakataon geniune akong mapapangiti pero hindi ibig sabihin niyon ay lubos na akong magtitiwala sa kanya.
Umalis mo muna ako noon para hindi siya gambalain.
Kinagabihan sinabi ko sa kanya na puwede siyang mahiga kasama ako sa kama, napansin ko lang kasi na malamig ang klima ng panahon dito kapag gabi kaya ayaw ko namang usigin ako ng karma at konsensiya kapag nagkasakit siya. In-insist ko talagang we can sleep in bed together but guard himself. Kapag dinikitan niya ako o may gawin siyang unusual na bagay sa akin hindi ako mag-aatumili na itulak siya ulit sa sahig. Okay naman daw siya sa sahig pero pumayag parin siya saka na naman niya ako ginagamitan ng ngiti niya.
Nabanas tuloy ako pinisil ko iyong pisngi niya. “Tumigil ka na nga sa kakangiti ko sa akin nang ganiyan!” sabe ko pa tapos mas lalo lang siyang ngumiti at tumatawa. Nang sa pangalawang beses ay pipisilin ko pa sana siya pero biglaan niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “Bakit mafo-fall ka sa akin?” kasabay niyang tanong sabay ngiti muli. Hindi ko alam kung bakit? Ano? Paano? What happen? Pero biglaang nakaramdam ako ng kaba. Kaba dahil sa biglaang pagliliwanag niya sa mata ko with his sweet smile. Mabilis na tumibok ang puso ko, saka ko inagaw ang kamay ko sa pagkakahawak niya at kinuha ang kumot ko para mahiga at pumikit.
“Good night! Matulog na tayo. Gisingin mo sana ako bukas para tumulong kay mama.” Salita ko.
“Walang problema iyon, Zowen.” Turan naman niya tapos narinig ko siyang napabuntong hininga bago muli ay nagsalita.
“Alam ko na hindi mo ako gusto,” nagulat ako noong masabi niya iyon.
“Hmmm...Paano mo naman nasabi?” tanong ko.
“Naramdaman ko lang. Saka sa tuwing nagsasalita ako o magka-usap tayo ay limitado. Pero naiintindihan naman kita doon. Oo nga pala, bakit ka pala bigla naging mabait sa akin? Ibig sabihin ba niyon gusto mo na ako?”
Natawa ako sa sinambit niya. Gusto? Hmmm... Mukhang reconcilation ang nangyayari sa pagitan namin a?
“By the way, sorry kung napagbuntunan kita ng frustration ko. You save me, you always nice on me, pero parati akong pinapanganuhan ng selos at pagtingin ko sa iyo ng masama.” Saad ko na sawakas ay nasambit ko din, kaya naman naghintay ako ng response sa kanya. Iyon naman pala nakatulog na siya.
Napaupo ako sa higaan noong silipin ko siya at pagmasdan ang mukha niya na tulog na tulog na. “I think mali talaga ako ng impression tungkol sa iyo?” napakagat ako sa labi ko. Dahil paano nga ba magiging masamang tao at hindi katiwa-tiwala ang tulad mo namay maamong mukha, magandang ngiti, at adorable personality?
Palaboy este GRANT.