ADORABLE HELPER
01 : PROBINSYA
Zowen P.O.V
ANG kuwentong ito ay nangyari limang taon na ang lumipas. Kung paano ko nakilala ang isang tao. Galing ako sa ibang lugar para tapusin ang pag-aaral ko. Nang umuwi ako sa probinsya namin ay doon ko nakilala ang isang lalake. Ang totoo niyan hindi naging maganda ang first impression ko sa kanya.
Pero hindi din nagtagal ay may mga bagay akong natutunan at nakita sa kanya. Ako nga pala si Zowen Delgado. 22 years old ako noon nang maganap ito sa buhay ko...
---
"MA, narito na ako sa coastal road ma. Saan ako sasakay?" ang tanong ko kay mama sa linya ng aking cellphone nang tawagan ko siya. Nakababa na ako sa may terminal, nakasakay sa UV Express, at ngayon ay narito na sa sinasabi niyang coastal mall road. Ang init at ang sakit ng tirik at pagtama ng sikat ng araw. Napatawid tuloy mo muna ako at naghanap ng maaaring nagtitinda ng palamig upang pawiin ang uhaw ko saka nararamdamang init.
*Convo*
Mama : Saan ka na ba, nak?
Me : Nandito ako, ma. 'yong sinasabi mo.
Mama : Ah, ganoon ba? Samay coastal road?
Me : Opo, ma.
Mama : Hintayin ka na pala namin. May hinihintay din kasi kami.
Me : Bakit, ma?
Mama : Nandito pa kami sa carinderia.
Me : Sige pala, ma.
Ilang sigundo din.
Mama : Anak, may bus na sakayan diyan. Magtanong ka lang at sabihin ang General Street Phase 4. Alam na nila iyan. Iyon din ang sabi ng papa mo sa akin. Basta alam na nila iyan. Magpababa ka diyan.
Me : Sige sige, Ma.
*End Convo*
Saka ko hinigop ang palamig na binili ko para ubusin narin bago naglakad para muling tumawid sa kabilang highway. Inayos ko 'yung backpack ko sa likod namay ilang gamit kasi may bitbit din akong maleta na may mga damit. Iyong iba kasi sa laman ng bag ko mga pang gift ko sa mga kapatid ko. Matagal ko rin hindi nakasama ang mga iyon. Dalawa ang kapatid ko pero puro mga maliliit na paslit pa. Puro din kami barako. Tres Marios daw bansag pa sa amin ng mga kamag-anak namin.
Naku! Makauwi lang talaga ako kukurutin ko ng matagal ang mga pisngi ng mga iyon. Nakita ko sa video call ko last time ang tataba na.
I am going to hug them also.
Pagkatawid ko naghintay ako ng bus na paparating para tignan at pagtanungan 'yung routa na papunta sa ni-descibe sa akin. Hindi naman naging mahirap, kasi nagkataon na may isang bus na may sulat na patungo sa destinasyon ko. Nagtanong narin ako bilang double check.
Walangya! Ang ikinagugulat ko lang ay may iba palang ganap dito? Kahit siksikan na ang pasahero ng bus hanggang may sasakay. Isasakay talaga ng pilit. Arg! Ang expectation ko ay makakaupo ako sa duluhan pero napunta ako sa harapan. As in harap. Nagkaroon ng upuan 'yung likuran ng driver at kaharap ko naman 'yung mga pasaherong suwerteng nakaupo ng maayos at nakatayo naman saka nakakapit ng mahigpit. May mga tulog at may mga gising na busy sa cellphone nila at nage-emote. Para kaming sardinas.
So siyempre, I have no choice! Sumakay parin ako, naupo ng mabuti, at isiniksik ang sarili ko sa harap kasama ng mga bag at maleta ko basta ba makabyahe lang kaagad-agad.
Nasa kalagitnaan naman ako ng pagtingin sa social media ko mula sa phone ko nang maya-maya ay tumigil muli iyong bus kasi may pasahero. Hindi ko pinapansin iyon. Buwesit narin naman ako. To be honest lang kanina ko pa jina-judge sa utak ko ang nangyayari sa bus na sinasakyan ko sa pagkakaroon ng madami at sobra sobrang pasahero. Hanggang sa siyempre mapapatingin ako sa bagong isasahog sa amin dito sa bus noong may isang lalakeng kaedaran ko lang yata na may dalang maraming hindi ko alam? May mga supot supot siyang dala. Iyon nga ang worst! Papasok na siya nang biglaan siyang mapatid dahil sa siksikan na bagahe din ng ibang pasahero bago makapasok ng tuluyan. Ayon! Muntikan na siya masubsob mabuti nalang nasalo siya nang itinulak ko 'yung maleta ko. Palihim tuloy ako natawa noong mapaungol siya sa pagkabigla at sakit siguro dahil hindi parin enough ang maleta ko to support him. Atleast nailigtas ko mukha niyang tumama sa bakal malapit sa akin.
At dahil napahigikgik ako napatingin siya sa akin sabay mabilis naman ako umasta na parang walang nangyari. I though magagalit siya but he asked me if sa akin ba daw 'yung maleta? Kahit obvious naman dahil hawak ko 'yung handle. As if naman.
Hindi ako sumagot hinila ko lang ng kaunti para paliitin 'yung handle at itinayo sa harap para ipatong ang sarili ko at maging abala sa cellphone.
He pissed me off! Matapos niya ayusin ang sarili niya. Napakagat nalang ako sa labi ko na kung bakit sa harapan ko pa siya dapat tumayo? Biglaan niyang sinaraduhan ng pantalon niya ang view ko sa harapan ng mga pasahero nakaharap sa akin.
Tumingin ako pataas sa kanya. At dahil parang taga dito siya ay wala siyang ma-sense man lang na naasiwa ako na 'yung hiwa ng zipper mula sa pantalon niya ang nahahagip ng mata ko habang nagsi-cellphone.
Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa labas. Pero wait teka? Kaya ba siya pumunta sa harapan ko ay dahil may kinalaman iyon sa tanong niya kanina sa maleta ko? At dahil hinila ko iyon at mas iginilid sa akin. Isasalang niya ang sarili niya sa harap ko 'cause he think advance ko ng alam na nagpapaalam siyang gusto niyang tumayo malapit sa akin for a better space. Aish! Ang slow ko sa part na iyon.
Wala narin lang akong magagawa pasahero lang din naman ako, kaya nanahimik nalang ako. Sino ba naman ako, hindi naman ako anak ni Ayala para mag inarte. Siguro na- shock lang ako sa ganap ng mga pampasaherong bus dito kumsabagay malaking bayan ang probinsya namin. At maaaring nagiging ganito ang pamamalakad ng sakayan nila kasi hindi enough o kulang ang mga pumapasada sa routa na ito.
---
OKAY LANG sana kahit tumayo siya sa harap ko pero nainis ako noong magawa niyang sumubsob sa akin. Mabilis siyang natumba noon nang biglaang tumigil ang bus dahil sa pumara na pasahero. E, kaskasero itong bus sa bilis kaya naman noong tumigil ay malakas ang naging impact after tumigil. Sa kabilang banda ay iyon! Naganap na nga. Napakapit siya ng dalawa niyang kamay sa magkabilaang balikat ko saka siya nakipagtitigan sa akin, even though kung tignan ko na siya ay parang disgust na ako o sa madaling salita ay annoyed o buwesit na dahil mabilis pa siyang nagpakalong sa akin noong may mga bumababa kasi nakaharang siya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi sa akin nakapukaw ang pansin niya bagkus doon sa mga pasahero na bumababa kaya hindi niya ako binibigyang tingin.
Hindi ako ganoon kabait kung alam lang niya. Punong-puno na ako. Sinamahan pa ng init ng panahon, pagod sa biyahe, at siksikang sasakyan. Kaya itinulak ko siya na siyang sawakas! Nagising yata siya na nakakadisturbo na siya sa akin.
"Pasensiya na, pasensiya na." Sabi niyang ganoon. Kaya napatayo siya ng maayos. But I ignored him instead. Ibinaling ko ang tuon ko sa cellphone ko.
At kasabay naman ng pag-act ko ng ganoon toward sa kanya ay hindi narin siya nagsalita pa.
Pero maya-maya ilang minuto din ay mas marami na ang bumababa sa bus. Kaya naman nakaupo na 'yung binatang nakatayo sa harapan ko. Nagawa niya pa akong tabihan noong lumipat ako ng upuan. Saka niya pinunto sa akin na humihingi siya ng pasensiya dahil sa nangyari kanina.
Napabuntong hininga nalang ako at kunot ang noo na tumango-tango sa kanya. Beside hindi naman ako ganoon kasama ang ugali nadala lang talaga ako sa byahe. At aaminin ko na napagbuntunan ko siya dahil sa nagawa niya kanina.
Gusto niya siguro makipag-usap sa akin noong patuloy siya na nagsasalita sa akin pero dahil bored saka moody ako na tao at hindi basta basta nakikipag-usap kung kanino ay hindi ko muli siya kinibuan hanggang sa tumigil siya.
---
MALI ako ng binabaan. Iyan kaagad ang first impression ko pagkababa sa akin ng bus na sinasakyan ko sa lugar na sinabi ko na ibaba ako. Akala ko talaga ito na iyon, pero hindi. Ibinaba ako sa tapat ng isang groceries store. At naalala ko na sabi ni mama sa akin noon ay doon sila nakapuwesto at kung babyahe ako ay magpababa ako kung saan sa kaliwang bahaging daan ay may mga nakatayong nagtitinda at maraming tao. Parang mini-palengke ganoon ang pagkakaayos. And I think hindi ito iyon. Dahil ang nasa kabilang daan ay isang furniture at korean store. Napahaplos nalang talaga ako sa mukha ako. Ang loko ng driver na nagbaba sa akin sa lugar na ito. Pagod na pagod na ako dinoble niya pa dahil sinubukan ko magtanong at tama nga ako nang hinala na hindi dito iyon. Sa phase 3 ako bumaba at hindi sa phase 4.
Sinabi sa akin nang napagtanungan ko na diretsuhin ko lang daw 'yung daan na itinuturo niya dahil puwede namang lakarin. Malapit nalang. I trust that words of him. Akala ko talaga malapit pero hindi! Tsk! May pera naman ako, sana nag-tricycle nalang ako noong may nag-alok sa akin kanina dahil sa wagas na paniniwalang malapit nalang.
Sawakas nakarating ako may sumundo sa akin sa phase 4 noong sabihin ko sa kanila na pagod na pagod na ako kasi nagkamali ako ng binabaan. Guess who kung sino nanundo? Maging ako ay nagulat man din. Iyong lalake kanina.
"Ikaw?" sabi ko nga e, na bungad sa kanya.
"Hala!" nagulat din siya. "Ikaw pala si Zowen." Dagdag niya, kasi iyon nga nakasabay ko siya at wala siyang malay. Wala din naman akong alam. Heto nga at pinagsisisihan ko bigla na sana pala nakipag-usap ako kanina, iyon pala kilala niya si mama. Pero sino ba siya? Bakit siya kilala ni mama ko?
"Ako nga, saan sina mama?" iyon lang ang nasalita ko sa kanya pagkatapos kinuha na niya iyong maleta ko na dala para tulungan ako pero hindi ko ibinigay kahit pilit niyang hinihingi sa akin iyon at inaagaw. Malay ko ba na modus pala? Nababasa ko sa mga news dati na talamak ang ganito sa manila iyong mga klase ng budol budol. Nasasakop ng probinsya na ito ang manila parang dalawang oras lang mula sa kinababaan ko ay manila na. Pero hindi pa kami dito nakatira may bahay kami mas malayo pa daw sabi ni mama. Malapit sa dagat.
Tubong ibang probinsya kasi kami at dahil hindi ko maiwan ang pag-aaral ko ay nauna sina mama at papa sa lugar na ito. Pang samantala ay kinupkop ako nina Tita at Tito mga mababait sila. At ilang taon din bago ako nakagraduate. Nag-usap usap na kami na si mama pinapauwe na ako. Tutal kaya naman na namin. Nasa akin na daw kung anong papasukin ko na trabaho ay suportado nila. Actually nabanggit nilang maraming oppurtunity dito. Kaya ni-grabbed ko iyon.
"Kuya! Kuya Zowen!" narinig ko kaagad ang sigaw ng isang kapatid ko, kasama niya ang bunso namin. Ang liliit nila at nakakatuwa na hindi siya iyong malayo ang loob na bata lalo na hindi ako matagal kasama. Mabuti nalang talaga nandiyan ang video call. Kaya nga lang sa bunso ay medyo mailang sa akin.
Agad-agad ko silang niyakap na dalawa, pero kumalas agad ang bunso namin na parang takot sa akin. Baka he see me as a stranger pa.
Pagkatapos noon ay hinila nila ang jacket na suot ko nang makita ko na ang carinderia ni mama na as usual maraming costumer. Masarap magluto si mama e.
"ZOWEN! Anak!" sigaw ni mama na abala. Nakangiti siya na halos pinipigilan ang luha nang "Grant, ikaw na mo muna dito!" sabi niya noong mapatingin ako sa lakake na siyang tinutukoy niya. Iyong lalake na sumalubong sa akin at nakasabay ko.
"Opo!" turan nito saka naman lumabas si mama sa carinderia para salubungin ako at yakapin ng mahigpit. Tuluyan naring napaiyak si mama at humingi ng despensa sa costumer niya kasi daw ang tagal daw ako hindi nakasama at sobrang namimiss ako ni mama. Sobrang na-miss ko rin sila. Agad ako tinulungan ni mama sa mga gamit ko pero tumanggi ako, kasi kaya ko naman. Pagkatapos ay pumasok na kami at inalok ako ni mama na kumain. Tamang-tama ang tagal ko rin na hindi natikman ang luto ni mama. Kaya naman tuwang-tuwa ako. Ipinasok at inilapag ko mo muna sa loob mga gamit ko saka ako sumalo sa tabi ng mga costumer.
Napapangiti na ako pero napawi iyon noong 'yung lalake ang mag-served sa akin. Inutusan siya ni mama dahil sa busy sa pagsasalok ng ulam at kanin ng ibang costumer. Sino ba talaga siya? I mean anong related niya sa amin? Pangiti-ngiti pa siya sa akin, na akala mo ay close kami. Kung hindi ako nagkakamali ay maaring helper siya ni mama. Kukumpirmahin ko nalang. Parang nagbago siya bigla ng timpla kanina parang hindi siya kumain pero ngayon kung magsalita at umasta ay napaka-indak niya. Parang nag-ibang tao, ika nga nila. At natutuwa sa kanya iyong mga costumer lalo na at nakakabatuhan niya pa ng joke ang mga ito kahit corny ay bentang-benta. Ganoon narin si mama ay tawa nang tawa.
"Napakagiliw talaga ni Grant at napaka-guwapo pang bata." Salita ng isa sa mga babaeng costumer.
"Sinabi mo pa," sang-ayon ni mama.
"Kaya hindi ako nagkamali na maging helper ko siya dito sa carinderia. Napakasipag din na bata iyan!" dagdag pa ni mama, so confirmed ngang helper siya dito.
Sa kabilang banda aaminin ko na nagselos ako because of him. Para kasing nandito na ako pero ang pansin nila ay nasa taong iyan na walang ginawa kun'di magpapansin. Lalo na noong dumating iyong mga kapatid ko na niyayakap-yakap siya. Parang may part sa akin na nainggit. Hindi nalang ako kumibo para kasing mas busy sila sa taong iyan.
Natapos ang buong araw na nagtitinda sina mama. Hapon na. Gusto ko tumulong sa pagliligpit noon nang biglaan ba naman siyang umasungot. Iyong taong iyan. Ewan ko ba, badtrip na badtrip ako sa kanya. I insist na tumulong pero kesyo kaya na daw ng papansin na helper kaya nakita ko ang ngiti ni mama sa kanya. Nagpumilit ako na gusto ko tumulong tapos nakipag-agawan pa siya, kaya naman may nabasag na platito.
Hindi man pinaramdam sa akin pero galit si mama. Nang sinabihan nalang niya ako na maupo. Mas naging pabor pa siya sa helper na ito. Buwesit! Hindi naman ako inggetero o soloso pero pagdating sa pamilya ko kasi lalo na kakauwi ko lang. Para kasing naramdaman ko that Grant stole the spotlight of mine. Dumating si papa galing sa work niya para sunduin kami.
Nakita ko rin ang closeness ng helper sa kanya. Para bang biglaang na out of place ako sa hindi ko inaasahan.
Bagsak ang balikat at parang mas nanghina ako sa pagtrato nila sa hindi nila kaano-ano. Nasa likod kami ng sasakyan magkakasama pero siya lang ang kinakausap nila at nagtatawanan sila. Sumasakit lang ang ulo ko sa selos, kaya nakatulog nalang ako.
---
LEGIT halos tabing dagat nga lang ang bahay namin. Marami ding iba pang bahay dito at actually may malapit na resort na ilang lakaran lang. Nakatulog ako sa byahe at paggising ko nasa isang kuwarto ako pero wala sila. Agad-agad naman ako lumabas kaya nasaksihan ko nga na tama iyong sinabi ni mama na malapit sa dagat ang bahay namin. Napalakad-lakad ako para tumingin-tingin lang, nang maya-maya ay makarinig ako ng ingay na parang kaluskos at agos ng tubig samay bandanang likod ng bahay. Pumunta naman ako at sumilip nang magulat ako pagkakita ko sa helper na naliligo ng nakahubo't hubad gamit ng isang poso. Napalunok nalang ako sa built ng katawan niya at napatingin pa dito. Walang halong maslisya naman. 'Not bad.' Napatango-tango ako.
Nang magkagulatan nalang kami noong mapasigaw siya nang makita niya ako na actually dahil akala ko kung ano ay namulot agad ako ng dospordos samay kahoy na panggatong. Isa rin siguro iyon sa nagpagulat sa kanya bukod sa embarassement na makita ko siyang walang saplot na agad niyang tinakpan ng mga damit na dali-dali niyang hinablot.
"Zowen! Gising ka na pala." Pagbati niya ng nahihiya sa akin. As if naman, kung batiin niya ako parang 10 years na kami magkakilala a? Napakagat lang ako sa labi ko at napairap.
Sabay hagikgik ng tawa dahil sa mukha niya. "Hoy!" sabi ko. "Masiyado ka namang protective sa katawan mo. Ano naman kung nakita ko iyan, e meron din naman ako niyan." Dagdag ko.
Ang O.A. naman. "Huwag ka mag-alala, hindi ko nakita iyong berdie mo. Ano maliit ba? Kaya hiyang-hiya ka diyan." Natawa pa ako.
"Hoy hindi a?!" defensive niyang wika.
"By the way! Ano pang ginagawa mo dito?" diretsahang tanong ko. Hindi naman rude. Tanong na parang nagtataka lang kung ano pa ang ginagawa niya sa bahay namin akala ko kanina nakisabay lang dahil baka parehas ng landas tapos ibababa kung saan siya nakatira. Pero hindi e.
"Naliligo," saad niya.
"Oo alam ko namang naliligo ka. Ang tanong ko lang ay bakit nandito ka pa?" turan ko. Saka wala bang paliguan sa kanila?
Hindi niya ako sinagot. Napaduko siya. Sabagay napag-isip isip ko rin na baka hindi pa tapos ang trabaho niya dahil may hugasin pa nga naman. Napatingin ako sa gilidan. Binago ko 'yung tanong ko. "Saan sina mama at papa saka mga kapatid ko?"
"Namalengke sila sa pandagdag menu bukas." Sagot naman niya saka ako napatango-tango at napamewang. "Oo nga pala kelan ka kinuha sa carinderia?" curius lang ako sa kanya.
"Matagal na," turan niya.
"Oh, sige! Maligo ka na ulit juts." Sagot ko naman sabay tawa saka ako tumalikod mula sa kanya para pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kuwarto na kinahihigaan ko kanina. Malamang kuwarto ko ito kasi nakalinis at maayos. Sakto dinala narin iyong mga gamit at damit ko sa kuwarto, kaya pinaglalabas ko na para tupiin ng maayos ang mga damit at kumuha narin ng pamalit ko sa suot ko. Halos ilang hours ko narin suot e. Ligong-ligo na ako, nanlalagkit ang katawan ko dahil sa pagsalok ng ulam sa maghapon.
Pero hindi ko alam kung dahil ba sa byahe kaya inaantok ako o dahil sa paghiga-higa sabay pikit na ginagawa ko kapag nangangawit ang katawan ko kakatupi pero hindi ko namamalayan nakatulog na pala ako ulit. At maya-maya naramdaman ko si papa na binuhat ako para iayos ako at kumutan. Narinig ko kasi iyong boses niya 'pagod na pagod sa haba ng byahe ang anak ko' iyon lang kasi parang antok na antok talaga ang diwa ko.
Tapos noong magising ako, magugulantang nalang ako noong pagmulat ko ay may nakayakap na sa akin. Manlalaki ang mata ko, saka ako mapapatingin nang makita ko 'yung helper na katabi ko? Katabi ko natulog?! Mabilis ko siyang itinulak at nagising siya ng wala sa oras dahil sa ginawa ko noong mahulog siya sa higaan.
"Anong ginagawa mo dito? Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?" tanong ko, saka lamang siya nanahimik noong tumayo siya at hindi ako pinansin para lumabas ng kuwarto.
"Pasensiya na," ang salita niya na narinig ko. Hinabol ko siya saka ko hinatak ang kamay niya pabalik sa akin.
"Sabihin mo nga, anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit saka ko lamang siya binitiwan noong makita ko na parang maiiyak na siya pero pinipigilan niya lang.
Doon naman dumating sina mama. Saka niya kinumpirma na nakikitira sa amin ang taong ito.
"HUH! ANO?!"
At ang kuwarto ko ay naging kuwarto daw niya. Hindi na daw nakapagpaalam at nagsabi sa akin na magse-share kami ng kuwarto kagabi kasi bagsak na bagsak ang katawan ko. Ayaw naman daw ako istorbihin nila papa at mama.