JACKLYN Tumawa ang dalawang katabi ko na tig-isang bitbit ang kambal, pare-pareho na silang may mga mapang-asar na ngiti at nagkikislapan ang mga mata. Pati sina Virgo at Vivienne ay sabay na inaabot ang mga braso para buhatin sila ni Thyle. Napalapit na sa kambal ang lalaking ito dahil madalas siyang sumama sa paglilibot namin. Nang malaman nila ang napag-usapan namin noon ni Thyle tungkol sa offer nito at ang mga rules namin ay parang mga timang sila na kinilig. Sabi nila ay mabait naman daw itong si Thyle kaso ay sadyang malalim ito kung magmahal ng babae, nababaliw daw ito at nagiging suicidal kaya naman pinalalayo nila ako noon dahil alam nila ang pagiging broken emo girl ko kay Baste. Pero nang magkwento ako ay inasar lang nila ako dahil parang iba raw ang ningning ng mga mat

