JACKLYN Nang makarating ako sa harap niya ay hinawakan niya agad ang kamay ko tapos ay humalik doon. Nag-init muli ang pisngi ko, ngumiti siya ng malapad at nagpaalam na kami sa tatlo. Tulog na ang kambal kaya naman naiwan na sila sa kwarto. Habang nasa sasakyan kami ay manaka-nakang sumusulyap sa akin si Thyle. Naroong napapangiti siya, tapos ay yuyuko para itago ang ngiti, tapos ay iiling na parang ginigising ang sarili. Medyo kinakabahan ako kasi di ba nga nagkaroon siya ng depression? Baka lang inaatake siya ngayon ay hindi ko alam kung paano siya aasikasuhin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nanginginig sa kaba, "Don't be nervous Lee, nandito lang naman ako. Just hold my hand and I will never let you go tonight. My eyes is on you always," nginitian ko lang siya ng mal

