Chapter 1

1096 Words
LENARD’S POV INIWAN NIYA SI ZENY MATAPOS NIYANG I-SETTLE ANG HOSPITAL BILL NI MISS CELINE NA ASAWA NI JAXON. Pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nito kinakausap ng maayos. Oo, naging torpe siya pero dahil iyon sa takot muli na makasakit ng mga babae. Literal na marami. Hindi na niya halos mabilang ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanyang atensyon ngunit iilan lang naman sa mga iyon ang pinatulan niya. Isa si Zeny sa nasaktan niya na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa. Napabuntong-hininga siya ng tuluyang makapasok sa silid kung saan naghihintay ang kanyang boss na siya ring pinaka-matalik niyang kaibigan. “It’s settled Sir Jaxon,”sabi niya. “Thanks Lenard. Maaasahan ka talaga.”Tinapik siya nito sa balikat. “Small thing.”Peke siyang ngumiti. “Hey,is there something wrong?”tanong nito. Mukhang nahulaan nito ang kanyang kinikilos. Kilala niya ang lalaki na malakas ang pakiramdam. Isa lamang iyon sa kakayahan nito mula sa pagiging special forces. “Pwede bang makausap ka saglit? Sa labas na lang tayo. Nakakahiya kay Miss Celine.”Agad naman itong tumango. Ayaw niya na sanang ma-involve pa ito ngunit kailangan niya ng oras. Oras para sa sarili. “May nangyari ba?” tanong nito matapos isara ang pinto. “Gusto ko sanang magbakasyon at ngayon din sana ako aalis, ”diretso niyang sabi. “Hey, hey, Lenard. Easy,okay?”Nabigla ito sa sinabi niya. “Bakit bigla-bigla ka naman yata magbabakasyon?”sunod-sunod na tanong ni Jaxon. “Is it really urgent?” “It’s personal Jaxon and…”Bigla siyang natigilan. “Zeny.’mabilis nitong sabi. “Nag-away ba kayo?” ‘Hindi Jaxon. May kailangan lang talaga akong asikasuhin. “Okay.”tumango-tango ito. “I’ll let Dylan to be your temporary replacement. Iyon ay kung babalik ka pa.” “I just need time, Bro.”Tinapik niya ng may kalakasan sa balikat ang kaibigan. “Do it then.” “Aalis na ako. Pakisabi na lang kay Miss Celine ah. Ingatan mo siya dahil wala ka ng makikita pang katulad niya.”Nagsimula na siyang humakbang palabas ng pinto. “Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko!”Narinig niyang sigaw nito. “Bro, mag-ingat ka sa pupuntahan mo.”Napangiti na lang siya habang tinatalunton ang daan palabas ng hospital na iyon. Nakapagpasya na siya. Pipilitin niyang ayusin ang kanyang sarili. Tanggap niya ang katotohanan na naging duwag siya na aminin ang totoong nararamdaman para kay Zeny na siyang nagbigay ng kakaibang saya sa kanyang puso. Kung sana ay naging matapang siya noong una pa lang, hindi sana nahihirapan ang kanyang kalooban sa mga oras na iyon. Kung noon pa lang sana ay naging totoo siya sa sarili na isiping balewala ang kanyang kinabukasan na hindi kasama ang babaena hinahanap ng kanyang buong sistema. Marahil hindi niya sinasapit ang sakit na tila wala ng magiging kabuluhan ang kanyang buhay ng hindi man lang ito masisilayan. Kasabay ng paglabas niya doon ay ang determinasyon na sa pagbabalik niya ay ang pag-asang maisasakatuparan ang matagal na inaasam ng kanyang puso. “Zeny, Zeny…”malakas siyang napasinghap. “ I wish I could hug you for the last time,”usal niya. Dahil ang katotohanan na hindi lang niya pinanabikan ang mayakap ito. Alam niyang kailangan niya ito sa kanyang buhay. ZENY’S POV TUMATAKBO SIYA PALABAS NG HOSPITAL. Nagbabakasakali na maabutan ang kakaalis lang na si Lenard. Bakit ba kasi hindi niya hinayaan man lang na kausapin siya nito. Pakiwari niya ay bumabalik ang nangyari noon at natatakot na maulit muli sa oras na pagbigyan niya ito. Ngunit sa sandaling malaman niya na umalis ito ay bigla naman nagwala ang isip niya. Kailangan niyang mahabol ito at kung saka-sakaling mangyari iyon ay buong puso niyang bibigyan ito ng pagkakataong magpaliwanag. Luminga-linga siya sa paligid. Bawat sulok ay matiyaga niyang sinuri sa pagbabakasakaling hindi pa nakakalayo ang lalaki. Buong tiyaga niyang nilakad-takbo ang buong paligid. May pag-asang bumangon sa kanyang dibdib ng makita ito na nasa loob ng sasakyan palabas ng exit gate. “Lenard!’Lenard!”Sigaw niya. Binilisan niya ang pagtakbo nang biglang madapa sa hindi napansing bato sa daraanan. “Aarrrggh!”nasabi niya at biglang tumayo kahit paika-ika. “Le-nard!”At tuluyan na siyang natumba. “Ah, ang sakit!”Matapos niyang makita ang mga sugat sa paa. “Zeny, nasaktan ka ba?”Narinig niyang tanong mula sa isang pamilyar na boses. Napatingala siya mula sa pagkakaupo. “Lenard?!”gulat na sabi niya. “Nakita kitang tumatakbo at parang may tinatawag kaya inihinto ko ang sasakyan sa gilid.”Inabot nito ang kamay niya upang makatayo. “Sino ba ang tinatawag mo?” “Ah, aray!”sigaw niya ng mapadaing sa sakit. “Tingnan mo ang laki tuloy ng sugat mo,”sabi nito at masuyong sinuri ang paa niya. “Dadalhin kita sa loob ng hospital nang matingnan iyan at baka maimpeksyon pa.” “Hindi. Ayos naman ako.”Saka niya napansin na tiningnan ng lalaki ang relo. “May lakad ka ba?” “Ah, oo.”Inakay siya nito upang makaupo sa mga nakahilerang upuan sa waiting shed. “Pasensiya ka na pala kanina.”Bigla itong napatingin sa kanya. “Okay lang iyon. Deserve ko naman,”nahihimigan niya ang lungkot sa boses ng lalaki. “Saan nga pala ang lakad mo?”curious niyang tanong. “Uuwi ako sa villa at magbabakasyon na rin.”Tumayo ito. “Sigurado ka bang ayos ka lang diyan?”Mabilis nitong kinuha ang mobile phone mula sa bulsa. “Itatawag ko na lang kay Jaxon na puntahan ka rito.” “Huwag na!”malakas na sabi niya. “Ah, ayo-ko kasi na maabala pa ang pinsan ko at si Celine.”Malakas niyang pagtanggi. “Paano ka rito?”Hindi niya mawari ang hatid ng kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki. “Ahm… pwede bang sumama ako sa iyo?”Nakatungo siya ng sabihin iyon. Hindi nakahuma si Lenard. Parang nahihiwagaan ito sa ikinikilos niya. Halatang-halata ang pagkalito sa mukha nito. “Ha?!”Hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. “Ah…kasi di ba sinabi mo na….magbabakasyon ka?”Pinagsalikop niya ang dalawang kamay. Napapikit pa siya sa sobrang kakapalan ng mukha niya. “Gusto ko rin sana magbakasyon. Kung…okay lang sa iyo.”Unti-unti siyang tumingin dito. “Wala kasi akong maisip na safe na lugar,”pagsisinungaling na sabi pa niya. “Ah…si-gurado ka?”Ilang beses itong napalunok. Marahan naman siyang tumango. “Kaya lang, nag-aalala akong makaabala sa iyo,”pakipot niyang sambit. “Ah, hindi! Ayos lang sa akin. Dito ka lang. I’ll get the car para hindi ka na mahirapang maglakad.”Humakbang na ito ng mabilis. Napakagat labi na lamang siya sa di-inaasahang pangyayari. “Bahala na si Batman! Pinasok ko ito kaya dapat ko ng panindigan,”sabi niya sa sarili habang nakatuon ang pansin sa papalapit na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD