Chapter 2

925 Words
ZENY’S POV PAGKASAKAY NA PAGKASAKAY PA LANG NG SASAKYAN AY TINANONG ULIT SIYA NI LENARD. Gusto nitong makasigurado sa desisyon niyang sumama sa patutunguhan ng lalaki. Ilang ulit itong nagtanong at paulit-ulit din siyang tumatango. “Lenard, kanina ka pa sa tanong na iyan. Baka ayaw mo lang talaga akong isama,”tugon niya. “Baka kasi nabibigla ka lang,”sagot nito sa mahinang boses. “Medyo na-stress din kasi ako sa mga nangyari at may palagay ako na kailangan kong magpahinga muna.”Kitang-kita niya kung paano muling napalunok ito. “Okay, alam mo naman na gustong-gusto ko na kasama ka,”tila nabingi siya sa ipinahayag nito. “Sandali, anong sinabi mo?”pagkasabi niya ay bigla nag-preno ito dahilan upang maalog ang utak niya. Utak niyang parang tanga na rin. Hindi mai-process ang narinig sa lahat ng sinabi ng lalaking katabi. “Ah, wala iyon. Ang ibig ko sabihin ay…gustong gusto ko rin na talagang umuwi ng villa. Matagal na rin kasi akong hindi ma lang nakakabisita doon.” “Akala ko naman kung ano ang sinabi mo. Nagulat ka pa tuloy at napa-preno.” “Sorry Zeny.” Hindi niya alam kung para saan ang paumanhin nito. Kung dahil ba sa biglang pagpreno o sa…sa nakaraan nila. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa labas ng sasakyan. “Nasaan na ba tayo?”tanong niya ng muli ng umusad ang sasakyan. “Sa shortcut ako dumaan para hindi tayo gabihin sa daan.” “Wow! Windmill ba iyon?!”Bigla siyang na-excite. “Yeah. Ang ganda no?”Tumango siya ng hindi namamalayan. Nagmukha yata siyang parang isang bata dahil lang sa nakita. “Madadaanan ba natin ang mga iyon?”Nakatanaw pa rin siya sa mga iyon kahit nasa malayo. “Ah, hindi. Pero pwede naman natin puntahan iyan kung gusto mo.” “Really?!”Napahawak siya sa braso nito. Ngumiti naman ito sa kanya ngunit bigla na lang parang nanginig ang katawan. “I’m sorry.”Napahigpit ang hawak niya sa lalaki. Muli na naman itong napalunok. Nahihiwagaan na talaga siya kung bakit madalas nitong gawin ang ganoon. “Hayaan mo makikita mo rin ng malapitan ang mga windmill na iyan.”Ngumiti na ito. “Sa tagal ko sa city ay nakalimutan ko na yatang magliwaliw kahit minsan lang,”sabi niya. “Marami ka kasing pinagkaka-busyhan kaya kapag nakakita ng kahit simpleng bagay ay parang bago sa iyo.” “Oo nga eh.” “Kaya hayaan mong ako naman ang pagka-busyhan mo.”Nang lingunin niya ito ay pigil na pigil ito sa pagtawa. “Ano kamo ang sabi mo?”Nakataas ang kilay niyang tanong. “Bakit hindi mo narinig?”Natawa na lang siya at hindi na pinag-aksayan na sagutin ang tanong nito. Para sa kanya, sapat na nag-uusap na sila. Bahala na si Batman bukas. LENARD’S POV KANINA PA SIYA KINAKABAHAN. Medyo kakaiba ang kinikilos ni Zeny at pakiramdam niya ay tila bumalik sila sa panahong sobra silang malapit sa isa’t isa na talaga naman minu-minuto siya nitong kukulitin o di kaya naman ay aabalahin sa kanyang ginagawa. Desidido na siyang umuwi ng villa na mag-isa. Nais niyang ipahinga ang isip lalo na ang kanyang puso subalit sa di-inaasahang pangyayari ay mukhang di na masusunod ang plano. Matagal na kasi siyang pinapauwi ng mga magulang upang maisagawa ang hiling ng kanyang pumanaw na lolo at iyon ay makasal siya pagsapit ng edad na dalawapu’t walo. Halos magkasing-edad lang sila ng matalik niyang kaibigan na si Jaxon. Masyado lang itong expose sa napakaraming responsibilidad sa kompanyang hinahawakan kaya ni hindi man lang nagkaroon ng kahit isang girlfriend. Isang himala na maituturing ang pagdating ni Celine sa buhay nito kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pag-ibig. Kabaligtaran siya nito noong nag-aaral pa lang sila dahil marami na siyang naging karelasyon. Hindi niya na nga mabilang sa daliri ang mga babaeng parang damit lang at pwedeng suotin at hubarin agad. Nasanay siya sa ganoong sistema. Pakiramdam niya kasi pare-pareho lang ang mga babae. Status ang madalas tinitingnan sa mga lalaki. Tiyak na hahabulin ka ng mga ito kung may kotse kang dala papuntang eskwelahan, may pang-date sa mamahaling restaurant at may pangregalo sa kahit na anumang okasyon. At ang lahat ng iyon ay mayroon siya. Hindi man niya matutumbasan ang kayaman ng mga Anderson ay tiyak naman na sapat ang pagiging isang Ramos upang mabuhay ng marangya hanggang siya ay tumanda. “Lenard, ngingiti-ngiti ka na naman diyan.”Nagulat pa siya ng kalabitin siya ni Zeny sa pagitan ng pagmamaneho. “Ah… Wala naman. May naalala lang ako,”sagot niya sa nagtatakang babae. “Maiba ako. Sino ang madadatnan natin sa villa ninyo?” Tanong nito. “Sila Mama at Papa,”tugon niya. “Sila lang?”May pag-aalala na rumehistro sa mukha nito. “May gusto ka bang ibang tao na inaasahan?”Balik tanong niya sa babae ngunit hindi ito sumagot. “Huwag kang mag-alala, hindi sila nangangain ng tao.” “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.” “Ano pala?” “Wala. Huwag mo ng isipin. Sige mag-drive ka na lang muna diyan.”Nakasimangot ito ng lingunin niya. Lihim siyang napangiti. Maaaring kinakabahan si Zeny dahil first time nitong makikilala ang mga magulang niya. Ganoon din naman siya ng ipakilala sa mga magulang nito. Halos hindi siya makahinga ng maayos. Napaka-istrikto kasi ng Daddy nito ngunit ganoon naman kaluwag ang Mommy nito. Iyon ay noong masaya pa silang dalawa sa nakaraan. Ang mga araw na binago nito ang takbo ng t***k ng puso niya . Kung hindi sana nangyari ang kanilang di-pagkakaunawan ay matagal na silang naging masaya. Napabuntonghininga na lamang siya ng maalala iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD