Chapter 3

1607 Words
LENARD’S POV TILA NABIGLA ANG MGA MAGULANG NIYA NG MAKITA SIYANG MAY KASAMANG BABAE NA BUMABA SA SASAKYAN. Nakalimutan niyang banggitin sa mga ito ang tungkol kay Zeny ng makausap ang mga ito sa mobile phone. Ngumiti naman ang dalaga matapos bumati sa mga ito at yumuko na parang hiyang-hiya. “Ahm… Mama, Papa, this is Zeny. “ Hinawakan niya ito sa balikat. “Pinsan po siya ni Jaxon.”Lumingon siya sa babaeng katabi. “Zen, mga parents ko.” “Nice to meet you po Tita at Tito.”Masaya itong ngumiti. “Pinsan ka nga ba talaga ni Jaxon?”tanong ng ama niya. “Opo.” “Talaga nga namang kayga-ganda ng lahi ninyo ano?”sabi ng kanyang Papa. Marahan itong siniko ng ina niya. “Ano ka ba naman Renato?”sabi nito. “Huwag mo naman takutin ang bisita natin.”Lumapit ito kay Zeny. “Nice to meet you Zeny. Huwag mo na lang intindihin ang Tito Renato mo. Palabiro talaga iyan.”Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya papasok ng villa. “Hindi naman ako nagbibiro Cecillia. Totoo naman ang sinasabi ko ah.”Depensa ng ama niya. “Pa, hayaan mo na si Mama. Tayo na po sa loob.”Inakbayan niya ito at sumunod silang pumasok sa loob. Dumiretso sila sa hapag-kainan. Talaga ngang pinaghandaan ng mga magulang ang kanyang pag-uwi. Lahat ng mga paborito niyang pagkain ang nakahain sa mesa. Tila sabik na sabik naman si Zeny ng makita ang mga ito. Mayroong alimasag, pinaupong manok, ang paboritong niyang luto ng baguio beans ng Mama niya ay mayroon din, idagdag pa ang mga dessert na ube jam at leche flan ay hindi rin nito nakalimutan. “Wow! Parang fiesta po sa inyo,”sambit ni Zeny. “Ang daming masasarap na pagkain.” “Naku, hindi pa nga kompleto iyan Zeny kasi ang akala namin si Lenard lang uuwi ngayon kung nalaman ko ang na kasama ka ay nagluto pa ako ng iba ko pang luto ko.” “Ma, hindi naman kailangan na ganito karami ang lutuin ninyo eh. Hindi po natin mauubos ang mga iyan,”sabad niya. “Hay naku bata ka, minsan ka na lang nga umuwi eh. Dapat kainin mo ang mga iyan dahil walang kasing-sarap ang mga luto ko kumpara sa mga nakakain mo sa city.” “Ma…” “Just eat Lenard, huwag mo akong ipahiya sa bisita natin,”sabi pa nito na tila binabantaan siya. Nalingunan niyang natatawa si Zeny. Sa huli ay nahawa siya rito. Hinayaan na lamang ang ina niya at natawa na lang din kung paano nito asikasuhin si Zeny. Umupo na siya katulad ng kung saan siya umuupo tuwing kakain. Kaharap niya ang ina samantalang nasa kabisera naman ang ama niya. Naiwang nakatayo si Zeny at marahil nahihiya at hindi malaman kung saan uupo. “You can sit beside Lenard, iha,”mabilis na sabi ng Mama niya. Nahiwatigan nito ang iniisip niya. “Okay po Tita.”Agad na sumunod ito. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagtanong naman ang ama niya paulit-ulit na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “So, kailan ang kasal ninyong dalawa?”Bigla niyang nalunok ang nginunguyang pagkain dahilan upang mabilaukan siya samantalang naparami naman ng inom ng tubig si Zeny. “May nasabi ba akong mali?”tanong nito na naguguluhan sa naging reaksiyon nilang dalawa. “Lenard, inumin mo itong tubig.”Inabot sa kanya ng ina ang isang baso ng tubig at mabilis niyang inubos iyon. “Sinabi mo sa text message na handa ka ng gawin ang hiling ng iyong lolo kaya ini-expect namin na magpapakasal na kayong dalawa,”muling sabi ng ama niya. “Pa, pwede bang mamaya na lang natin pag-usapan iyan?”Naglagay siya ng tubig sa baso at muling uminom. “Kumain na po muna tayo. Na-miss ko talaga ang mga luto ni Mama eh.”Pagak siyang tumawa. “Okay, sabi mo eh,”sagot ng ama niya na hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. ZENY’S POV SINAMAHAN SIYA NG MOMMY NI LENARD SA MAGIGING SILID NIYA SA IKALAWANG PALAPAG PAGKATAPOS KUMAIN NG HAPUNAN. Tila magkakaroon ng masinsinang usapan ang mga ito na hindi kailangan ang presensiya niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Nakapagtataka na sa isang bayan sa Rizal ay nakapagpatayo ng malaki at magarbong bahay ang pamilya ni Lenard. Ang mga kagamitan ay pawang mga moderno at tila sunod sa uso ng kasalukuyang panahon. Maswerte ang pakakasalan ni Lenard kung sakali dahil halata naman na mabuting tao ang mga magulang nito idagdag pa na sobrang maasikaso ang Mommy at Daddy nito. “Totoo nga kaya na ang dahilan ng pag-uwi ni Leanrd ay upang maisakatuparan ang hiling ng lolo nitong yumao?”tanong niya sa sarili. Napagkamalan pa tuloy siya ang pakakasalan ng lalaki. Pero mayroon nga kayang nakalaan para rito na naghihintay lang na umuwi siya ng villa? May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib dahil sa isiping iyon. Napalingon siya sa marahang katok sa pinto. “Zeny?”Narinig niyang tawag sa kanya. “Si…Lenard ito.” Binuksan niya ang pinto at agad na ngumiti ito sa kanya. “Ano iyon?”Nakita niyang parang hindi ito mapakali. “Ah, tatanungin lang sana kita kung ayos lang sa iyo ang silid mo,”saad nito tila aligaga pa rin. “Oo naman! Ang ganda nga eh!”masayang sagot niya. Isang matagal na katahimikan ang namayani. Parang may anghel na dumaan at kapwa wala silang masabi sa isa’t isa. “Lenard,”aniya ngunit natigilan. “Zen,”sabay na sabi nito. “You first,”sabi ng lalaki. Napakamot ito sa ulo. “Hindi, ikaw na ang mauna.”Tipid siyang ngumiti. “Ah, pasensiya ka na kanina. Napagkamalan ka nila Mama at Papa na girlfriend ko.”Nakatungo ito na tila kinakausap ang sahig. “O…Okay lang.”Iniwasan niyang tingnan ang mga mata nito. “Sige, tulog na ako. Bukas na lang ulit,”sabi pa niya at dahan-dahan na isinara ang pinto. “Sandali!”Pinigilan nitong maisara ng tuluyan ang pinto. “Ah, kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin. Kaharap lang ng silid mo ang silid ko.”Nakikipaglaban ito sa pinto na pilit niyang isinasara. Tumango siya. “Go-od night, Zen.” “Good night Lenard,”tugon niya at mabilis na ini-lock ang pinto. Napapangiti na lang siya. Lenard still care about her. “Don’t worry Lenard, bukas na bukas rin ay kakausapin na kita tungkol sa atin.”Niyakap niya ang unan na nasa kama. LENARD’S POV “PA, WALA KAMING RELASYON NI ZENY,”sabi niya nang balikan ang mga ito sa living room. Kinomkompronta siya ng mga ito lalo na ng kanyang ama nang ihatid ng ina niya si Zeny sa gagamiting silid. “Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ba at iyon naman talaga ang dahilan kunga bakit ka umuwi?”sagot nito. ‘Lenard, huwag mo sabihin na umuwi ka lang para pakasalan kung sino ang pwede mong pakasalan dito sa atin?” “That is my original plan, actually. Sumama lang si Zeny dahil gusto niyang magbakasyon dito.” “Oh baka naman si Elize ang gusto mong pakasalan?”sabad ng ama niya. “Pa, bakit naman napasok si Elize sa usapang ito?”Nakapamaywang siyang nagpalakad-lakad. “Hindi ba siya ang huli mong naging kasintahan dito sa lugar natin?”sabi ulit nito. “Matagal na po iyon.” “Pero wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon,”dugtong ng Mommy niya. “So what?” naiinis na siya sa tinatakbo ng usapan. Nasa hot seat siya ng wala sa oras at talagang hindi niya gusto iyon. “Kung ganoon, sino ang pakakasalan mo?!”sabay na tanong ng mga ito. “Sa ngayon ay wala pa pero sana bigyan ninyo pa ako ng kaunting panahon. Sisiguruhin kong ngayong din buwan ay mangyayari iyon.”Tinitigan niya ng mabuti ang mga magulang. “Mangako ka muna,”sabi nga ama niya na umiiling-iling pa. “I’ll promise.”mahina niyang tugon. Alam niya na hindi ito makakapayag pa na hindi mangyari ang mga nais nito lalo pa at nasa hustong gulang na siya. Idagdag pa na gusto na rin ng mga magulang na magka-apo agad dahil solo lang siyang anak. “At ang pangako ay,”mabilis na sambit ng ina niya. “Hindi kailangang mapako.”Pagsabi ay tuluyan niyang ibinagsak ang katawan sa mahabang sofa. Mataman lang siyang sinundan ng tingin ng dalawang kausap. “Inaasahan naming ang sinasabi mong pangako, Lenard.”Tumayo na ang Mama niya na sinundan naman ng kanyang Papa. Malakas siyang napabuga ng hangin. Maya-maya pa ay umakyat na ang mga magulang patungo sa silid sa ikalawang palapag at naiwan siyang nakatulala sa kisame. Tila yata mapapasubo siya sa isang kasalang pangmadalian. Sa ngayon wala na siyang magagawa dahil pinapasyahan niya na ang umuwi sa sariling tahanan at ito ang kailangan niyang harapin. Kung sana ganoon kadali umibig agad sa isang babae na siyang bubuo ng kanyang buhay at magiging dahilan ng walang kapantay na kaligayahan marahil ay kahit sa oras ding iyon ay gagawin niyang magpakasal kahit saan pang simbahan. Napapikit siya, Nagbabakasaling maibsan ang pinoproblema niya. Nakikini-kinita niya ang magiging bride niya na napakaganda sa suot na wedding gown. Binagayan naman ito ng suot niyang amerikana. Habang naglalakad ang babaeng pakakasalan niya ay nakatayo naman siya malapit sa altar at matiyagang hinihintay ito. Kulang ang salitang anghel para maisalarawan kung gaano kaganda ang babaeng papalapit sa kanya. Nang abutin niya ang kamay nito ay tila lumutang siya sa kinatatayuan. Heaven talaga ang feeling. Saktong paglingon niya ay nakatitig sa kanya ang bride niya at pinakatitigan ang mukha nito. Ang mukha ni Zeny. Namilog ang mga mata niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya! Sa gulat niya ay nahulog siya ng sofa. Grabe talaga ang epekto sa kanya ng pinsan ni Jaxon! Mukhang hindi siya matatahimik sa buong buhay niya kapag hindi pa niya naayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa. “Aray!”Sapo ang ulo na tumama sa sahig. Mukhang kinakarma na talaga siya kay Zeny. “Ang sakit sa ulo!”sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD