Chapter 4

1239 Words
ZENY’S POV MAAGA SIYANG NAGISING. Nakangiti siyang bumangon sabay nag-inat. Hindi pa rin mawala ang sayang nararamdaman niya ng nagdaang gabi. Naghahanda na siya sa pagtulog ng biglang may mahinang kumatok sa pinto. Pagbukas niya ay wala naman tao siyang nakita katulad ng inaasahan niya sa halip ay isang malaking paper bag na may mga lamang damit na pangbabae. Kompleto ito at halos sukat na sukat sa kanya ang mga iyon kasama na rin ang mga undies. Sino ba ang nakakaalam na wala siyang gamit na dala kahit isa? Siyempre si Lenard lang iyon. Kaya naman kakaibang kilig ang nararamdaman niya. Dumiretso na siya sa banyo at naligo. Isinuot ang isang blouse at denim short na talaga namang nagpalitaw pang lalo ng maputi niyang balat. Sinuklay niya ng maayos ang buhok sa harap ng vanity mirror. May nakita siyang flat na sandal sa ilalim ng mesa at isinuot din iyon. Matapos tingnan ang kabuuan sa salamin ay saka siya nagpasyang lumabas na ng silid. Nadatnan niyang abala sa pagluluto ang mommy ni Lenard kasama ang ibang kasambahay. Lumapit siya dito at nag-alok ng tulong. Ayaw niyang isipin ng mga ito na hindi siya marunong sa gawaing bahay lalo na pagdating sa pagluluto. “Good morning po!” bati niya sa mga ito. “Ang aga mo naman nagising iha!” may bahid ng pagkagulat ito. “Kung mapilit ka talagang tumulong ay wala akong magagawa.” “Okay lang naman po sa akin.” Kinuha niya ang mga plato at inilagay na sa mesa. “Hello po!” bati niya sa mga kasambahay at agad naman itong bumati sa kanya. Lihim na napangiti ang ina ni Lenard. “Hindi pa ba gising si Lenard, Mara?” tanong nito. Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay agad niyang nilingon ang mga ito. Kapag usapin tungkol sa lalaki ay agad nanlalaki ang mga tainga niya.Tipong walang dapat makalusot na kahit kaunting impormasyon sa kanya. “Naku madam, maaga po iyon lumabas ng villa. Mukhang nag-jogging po,” sagot ni Mara. “Ganoon naman po lagi iyon kapag nandito madam,” dagdag pa na sabi ni Mara. “Talagang bata iyon oh, alam niyang may bisita siya eh hindi man lang inintindi.” Umiling-iling ito sa pagkadismaya. “Huwag ninyo na po isipin iyon Tita. Maaga po talaga iyon gumigising sa umaga eh. Ayos lang naman po sa akin iyon,” sabad niya. “Kahit na. Dapat man lang sana ay isinama ka mag-jogging sa labas,” nakasimangot pa rin na sumagot ito. “Nababawasan na yata ng common sense ang nag-iisa kong anak.” “Madam, mabait naman po si Sir Lenard,” singit ni Mira. “Hay naku, mamaya talaga sa aking bata na iyan.” Tuluyan siyang natawa sa sinabi ng ginang. “Madam, dumating na po si Sir Lenard,” sabi ni Mara. Matapos niyang ilagay ang pitsel sa mesa ay mabilis siyang lumingon sa binata. Naka-topless ito! Nanlaki ang mga mata niya ng matitigan ang pawisan nitong katawan mula leeg hanggang abs nito! May six pack abs ang binata! Napalunok siya at ilang segundo ring natitigan iyon. Talaga namang lalaking ito oh! “Iha…” nang marinig ang tawag na iyon ay bigla siyang tumalikod upang pigilan ang ma-estatwa sa papalapit na lalaki. “Ano po iyon Tita?” nagkunwa siyang walang nakita. May magnet na humahatak sa kanya papalapit kay Lenard kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya upang hindi muling mapako ang tingin sa lalaki. “Maupo ka na at kakain na tayo,” sabi nito.” Lenard, saan ka ba nagpunta at ang aga mo lumabas ng villa? Iniwan mo si Zeny dito.” Laking pasalamat niya nang mabaling ang pansin ng ginang sa lalaki.”Pwede ba magdamit ka naman, anak! Nakakahiya kay Zeny oh!” “Sir Lenard, ito po ang damit na iniwan ninyo kanina sa sala,” ani ni Mara. “Thank you, Mara.” Bumaling ulit ito sa ina. “Ma, hindi ko na inistorbo si Zen dahil baka hindi siya nakatulog agad kagabi. Baka namamahay pa siya,” sagot nito na kahit hindi siya tumingin ay alam niyang nilingon siya nito. “Para hindi kayo magtampo, ito may dala ako para sa magagandang babae sa villa na ito.” Inilabas nito ang bulaklak mula sa likuran. Mayroong pink, yellow at red roses. “This is for you Ma, siyempre dahil sobrang thankful ako sa iyo na ikaw ang mommy ko,” masaya itong tinanggap ng ina nito. “Mara at Mira, sa inyo naman itong yellow roses. Tig-isa kayo niyan ah kasi friends tayo.” Narinig niyang kinilig ang dalawa ng kunin ang mga iyon. “Salamat Sir Lenard!” masayang inamoy pa ang mga bulaklak ng mga ito. “And a red rose to you Zen.” Tila nanginginig ang kamay nito ng iabot sa kanya. “Ano naman ang ibig sabihin niyan anak?” tanong ng mommy nito. “Ah…alam na ni Zeny iyon Ma. Matalino kaya iyan,” matapos sabihin ay umupo na sa tabi niya. “Bakit hindi mo pwedeng sabihin? Kesyo matalino si Zeny? Lenard ha?” may banta sa boses ng ina nito. Nakakatuwang makita na ganoon ang ginang sa anak nito. Ang sweet tingnan. “Okay Ma.” Tumikhim ito. “Red rose para sa – pagbibigay sigla sa araw ko.” Nagbaba ito ng tingin. “Salamat sa bulaklak,” mahina niyang sambit. “It’s my pleasure Zen.” Nagkatitigan sila. Kapwa nakangiti sa bawat isa na tila wala silang kasama sa paligid. Saglit na tumigil ang ikot ng mundo nilang dalawa at kakaibang sigla at saya ang hatid ng panandaliang masarili nila ang bawat isa. “Bakit hindi ninyo ako tinawag? Kakain na pala,” sabad ng ama ni Lenard na siyang naging dahilan upang kapwa sila bumaling sa ibang direksiyon. Parehong nagkahiyaan ngunit sabay rin na nakangiti. Tila nalilito naman ang bagong dating dahil pati ang ibang kasama nila ay naging saksi sa panandaliang pagtigil ng oras sa pagitan ng dalawa. “Ano ba ang nangyari at parang ang saya-saya ninyo yata?” muli nitong tanong at isa-isang silang tiningnan. “Renato, kumain ka na lang.” Natatawang tinapik ito ng asawa. “Wow, may pabulaklak yata si Meyor!” Napansin nito ang hawak nilang mga roses. “Ako ba wala anak?” biro nito at titigan si Lenard. Nagkatawanan ang lahat. “Baka isipin ng Mama mo ay ikaw lang ang pwede magbigay niyan. Hayaan ninyo, dodoblehin ko iyan bukas!” dagdag pa nito. “Naku Renato, mabuti pa ang anak mo naalala akong bigyan ng pink rose. Hindi katulad mo noong kabataan natin na gumamela lang.” Umiirap na sabi ng asawa. “Alam mo ba ang ibig sabihin kapag binibigyan ka ng gumamela?” tanong nito. “Ano?! Baka naman gawa-gawa mo lang iyan ah!” Kinurot nito ang lalaki. “Aray naman!” Hinawakan nito ang kamay ng asawa. “Kaya gumamela ang ibinibigay ko sa iyo noon dahil simbolo ito ng natagpuan ko na ang aking magiging perfect woman at perfect wife.” Napahawak siya bibig dahil sa tamis ng pagpapahayag ng ama ni Lenard. “Talaga?” ngiting-ngiti na ang asawa. “Oh di ba, kinikilig ka?”ngumiti na rin ito. “Mana lang sa akin iyang anak mo, simpleng sweet.” “Ayieee!!!” sabay na sabi nila Mara at Mira. “Uy, kayo diyan. Kumain na nga rin kayo. Tama na ang kilig-kilig na iyan,” tawag nito sa dalawang kasambahay na panay ang tili dahil sa kilig. Muli siyang napatingin kay Lenard na nakatingin din sa kanya. Kakaibang haplos sa kanyang puso ang hatid ng mga tingin nito sa kanya na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman. “Lenard kumain ka na rin. Baka mapanis ang pagkain dahil kung saan-saan ka nakatingin,” may halong pang-aasar na sabi ng ama ng lalaki. Napakamot ito sa ulo saka nagsimula na sa pagkain matapos siya sulyapang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD