Chapter 5

1021 Words
ZENY’S POV “ZEN, HINTAYIN MO AKO SA SALA. Magbibihis lang ako at may pupuntahan tayo,” sabi sa kanya ni Lenard. “Ma, Pa, tapos na po ako kumain.” Nagmamadali itong umakyat sa taas. Sinundan niya ito ng tingin. “Alam mo ba Zeny, ganyan lang ang anak ko pero mabuti ang puso niyan. Kaya nga ang daming naghahabol na babae eh,” saad ng mommy nito. Alam naman niyang marami itong naging girl friends dati. “Tiyak ko na iisipin ng mga taga dito sa amin ay iisipin na girl friend ka ng anak ko. “ Tipid siyang ngumiti. “Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo iha, kahit ganoon ang tingin sa kanya ng mga tao dito, totoo magmahal iyan. Parang katulad ng Papa niya.” Nilingon nito ang asawa na umiinom ng tubig. “Maniwala ka sa Tita Cecilla mo Zeny. Ganyan na ganyan din ako noong kabataan ko. Pero nang makilala ko na itong mommy ni Lenard ay siya na talaga. Siya lang ang minahal ko ng tunay,” sabad ni Tito Renato. “Zen, tapos ka na? Tara!” Sabay-sabay sila lumingon sa pinanggalingan ng boses. Si Lenard na nakasuot ng puting t-shirt at khaki short. Ayos na ayos din ang buhok nito at kahit napakasimple ng suot nito ay napakagandang tingnan pa rin ang lalaki. “Kunin ko lang ‘yung sasakyan ha? Hintayin kita.” At bigla na lang itong umalis. “Sige na Zeny, kami na ang bahala rito,” si Tita Cecilla. Tila nagliwanag ang mukha nito. “Mag-enjoy kayo iha at pakisabi kay Lenard na mag-ingat sa pagmamaneho,” sabi naman ng asawa nito. “Salamat po Tita at Tito,” Tumayo siya. “Alis na po kami,” dagdag pa na sabi niya at tinungo na ang labas. Hindi niya napansin ang kakaibang tinginan ng mag-asawa. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang paghakbang niya ng mapagmasdan si Lenard. Ang mga ngiti nitong tila nahihipnotismo siya na titigan ito kahit gaano katagal. Nang hawakan siya nito sa kamay at inalalayang makapasok sa sasakyan ay hindi na niya namalayan. Isang owner type jeep ang gamit nilang sasakyan kaya naman kitang-kita nila ang bawat madaraanang mga tao at bahay na katabi ng villa. “Ganito ba talaga dito sa inyo?” tanong niya. “Lahat kasi ay nakatingin sa iyo eh. Para kang artista o di-kaya ay kilalang pulitiko.” Saglit siya nitong nilingon at natawa na lang dahil sa sinabi niya. “Kaya ganyan sila kasi may kasama akong napakagandang dilag,” sagot nito sabay kindat sa kanya. Dumami yata ang daga sa kanyang dibdib. Kulang na lang ay magsiluksuhan ang mga ito dahil sa hindi maipaliwanag na hatid ng ginawa ng lalaki. “Maghunos dili ka nga Zeny,” saway niya sa sarili. “WOW!!!”halos sumigaw siya ng makita ang mga naglalakihang windmills. Talaga ngang malapit lang ito at maraming tao ang naroon upang kumuha ng litrato o di kaya ay tumambay. Ang presko nitong hangin ay tila nagdadala sa kanila sa ibang dimension. Sa isang lugar kung saan ang lahat ng bagay ay kaygaan sa pakiramdam. Kung sana ay pwede siyang magtagal o tuluyang manirahan na lamang sa lugar na iyon na kahit ilang beses niyang gustuhin na pumasyal o di kaya para makapag-relax siya ay hinding-hindi niya pagsasawaan. “Gustong-gusto mo talaga ang mga iyan?” nang lingunin niya ang lalaki ay nakatingala ito at sinusundan ng tingin ang umiikot na windmill. Nasa mismong harap sila ng isa sa mga mulino kung kaya’t kitang kita nila ang mabagal nitong paggalaw. “Ewan ko ba pero parang ang gaan sa pakiramdam ko.” Lalo siyang natuwa ng nilipad ng hangin ang buhok niya. “Pwede doon tayo sa itaas na bahaging iyon.” Tinuro niya ang nais puntahan. “Oo naman!” bahagya itong lumingon sa kabilang direksiyon. “Basta kasama kita,” anito sa mahinang boses. “Ha?” tanong niya. “May sinabi ka kanina. Ano iyon?” nakakunot-noo siya. “Ah, wala. Ang sabi ko tara na sa sasakyan para lumipat doon sa itaas.” Napakamot ito sa ulo. “Okay,” tugon niya at mabibilis ang hakbang na sumakay sa owner type jeep. Halos takbuhin niya ang pagbaba. Kinuha ang mobile phone at nag-selfie. Hinayaan lang siya ng binata na masayang nanonood sa ginagawa niya. Nakasandal ito sa harap ng sasakyan at nakahalukipkip. “Uy Lenard, huwag ka ngang kill joy diyan. Tara, have a picture with me.” Aya niya at lumapit naman ito. Sinbukan na niyang kumuha ng litrato kasama ito ngunit nahirapan dahil tila sinakop ng lalaki ang buong space. “Ano ba iyan? Di ko makuha ang tamang anggulo!” reklamo niya. “Let me,” sabi nito at inagaw ang mobile phone niya. Sa pagkabigla ay nawalan siya ng timbang at di-sinasadyang matumba. Hindi rin nito inasahan na ganoon ang mangyayari kaya tuluyan silang bumagsak. Nagtataka siyang hindi man lang nasaktan sa halip ay nanunulay ang estrangherong init sa kanyang katawan. “You’re very beautiful,” narinig niyang sabi nito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata para lang mapagtanto na nasa ibabaw siya ng lalaki at mahigpit siyang hawak nito sa baywang. Ang mga kamay niya naman ay nasa dibdib ng binata at ramdam niya ang katigasan nito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila nahihirapan itong makasagap ng hangin. Akma na siyang babangon nang lalo pa siya nitong hapitin upang mapalapit pang lalo sa katawan nito. “Let me hug you for a while,” sambit nito. Iniwas niya ang tingin dahil sa sobrang pagsuyod nito sa mukha niya at talagang kinaiilangan niya iyon. “Lenard, may paparating na tao. Hindi maganda na makita tayo sa ganitong ayos,” sabi niya. “Okay.” Ngumiti ito at unti-unti ng niluwagan ang pagkakahawak sa kanya. Akma na siyang tatayo ngunit sa isang maling kilos niya ay sing-bilis rin na nauwi sa mga bisig nito at wala sa isip niya ang pagtama ng kanyang labi sa labi ni Lenard. Sa panlalaki ng mga mata niya ay siya namang pagpikit ng mga mata nito at naramdaman niya ang maingat na pagkapit nito sa ulo niya. Sa halip na itulak ito ay pinili niyang gayahin ang ginawa nito. Ilang segundo rin sila sa ganoong posisyon nang bahagya nitong kinagat-kagat ang ibabang labi niya at tuluyang sipsipin. Doon siya nagmulat at malakas na inilayo ang mukha nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD